Chapter 5 💕

482 22 6
                                    

Nag-concentrate si Misha sa trabaho. Alas-kuwatro nang matapos ang nasa dalawampu't limang pasyente niyang nagpa-check up ngayong araw. Nang matapos,sandali siyang nagmerienda at nag-round na sa lahat ng mga pasyente na naka-confine sa St. Alexander's Hospital—ang ospital kung saan siya resident doctor. Alas-siyete na nang matapos ang pagra-round ni Misha.
Ang ponakahuling binisita niya ay ang mga sanggol na nasa nursery. Hindi tuloy niya maiwasang maisip. Kahit tapos na niyang i-check up ang mga bata,nanatili parin siya roon. Kinarga at pinatahan pa niya ang isang sangol na ayon sa nagbabantay ay kanina pa raw iyak ng iyak.
Tumahan agad ang bata. Naramdaman niyang kailangan lang nito ng atensiyon. Napangiti siya nang laruin niya ay ngumiti rin ang bata.
"Napakagaling ninyo po talaga sa mga bata,doktora," sabi ng nagbabantay sa nursery.
"Salamat."
"Magiging magaling na nanay po talaga kayo. Kailan po ba, doktora?" usia pa ng nagbabantay.
Here we go again. Ikinawala ng mood ni Misha ang narinig. Hindnaman talaga siya sensitive sa mga ganoong usapan noon. Pinipilit na rin naman kasi niyang tanggapin ang kondisyon kahit masakit.
Pero kapag marami na ang nagtatanong at nagsasabi, napupuno na siya.

Hi guys sorry talaga sa mga late Update ko sana mag supporta kayo sa story nato please Vote, Comment and Read/add this into your reading list i love you guys so much...

20 votes for next chapter...

The Pregnant Wife (From Novel)-Not MineWhere stories live. Discover now