Chapter 4

336 19 2
                                    

"I know you will." Nguniti siya. "I'll call you next week,okay?"
Isa si Josephine sa mga paboritong pasyente ni Misha. Sweet kasi ito sa kanya at parang anak na rin ang turing niya sa bata. Madalas niya itong tinatawagan para kumustahin.
"And I will always wait for that,doctor. Thank you po for being almost a mom to me."
Niyakap at hinalikan siya ni Josephine. "Gustong-gusto ko na po talagang magpaampon sa inyo kasi ang bait-bait mo. Napakasuwerte po talaga ng magiging anak niyo,doctor. I wish that it will happen soon."
Sandaling nawala ang kaniyang ngiti. Kung alam lang nang bata ang kondisyon niya. Pero pinili niyang manahimik nalang. Kung nahihirapan si Josephine na intindihin ang kondisyon at ng kaniyang mga magulang, mas mahihirapan itong intindihin ang kaniyang sitwasyon.
Pinili no Misha na mag-concentrate uli sa trabaho. Ayaw na muna niyang isipin ang sinabi ni Josephine gaano man kasarap isipin iyon. Anak. Sariling anak. Isa iyon sa kaniyang mga pangarap. Pero malabo na magkaroon ng pag-asa na matupad.
Matagal na niyang alam ang totoo. Iyon nga ang dahilan kung bakit niya piniling maging Pediatrician
Mahilig siya sa bata. Sa kasamaang-palad, may asawa man siya ay hindi siya puwedeng pagkalooban ng anak.





See you in the next chapter guys 10 votes for next chapter thanks for all the votes and for all who read it...

The Pregnant Wife (From Novel)-Not MineWhere stories live. Discover now