"Andito ka na pala Blad." Bati ni Papa nung makita ako.
"Bakit mo ko pinatawag Pa?" Tanong ko at tumabi sa kanya sa inuupuan niyang bleacher.
"Ayaw mo ba talagang maging varsity?"
"Pa, ayaw ko . Tama na 'yung nangyari dati. Ayaw ko nang maulit. Hilig ko nalang talaga ang paglalaro ng basketball pero ayaw ko maging varsity. Kailangan kong magfocus sa nursing. Next year na yun Pa. Yan ba ang dahilan kaya mo ko pinapunta? You should have known better. " Paliwanag ko sa kanya.
"Tigas talaga ng ulo mo. Nabalitaan ko yung nangyari sa cafeteria. Mind to explain that? " Tanong niya.
P. A. T. A. Y. Na!
"Nakikusap lang ako sa mga alaga mo na hinaan yung boses nila tapos yung center mo eh gumawa na dun ng eksena." Paliwanag ko.
"Sana umalis ka nalang dun." He sighed. " Well, aware ka naman na may deal tayo, na may punishment ka kapag gumawa ka ng kalokohan ngayong senior year mo di ba?" Tanong niya.
"Oo. Pero Pa, nakikiusap lang ako sa kanila per--"
"No but's. Oh siya, di ba gusto mong magsanay maging nurse?"
"Yes Pa." Bakit niya naitanong?
"Pwes, ikaw ang maging temporary medic ng team ko. Nag-abroad kasi si Jes kaya wala na kaming first-aider. Babalik din naman siya. Six months lang naman siya dun."
Huwaaaat?!
"No way Pa! Mga pasaway yung mga alaga mo. Sayo na nga galing, mga maloko sila tapos isasali mo ko dyan?! Pa naman agad akong tatanda dyaaan! Tsaka nurse ako hindi orthopedic!" Reklamo ko. Napataas naman ang kilay niya.
"Ano ulit yon, Klaire Beatriz Vasquez? Baka gusto mong mawalan ng allowance at maging grounded for three months?" Napangisi siya. "Okay, let's have a deal."
"Ano naman yun Pa?" Nakabusangot kong tanong.
"If you disobey my favor, grounded ka without internet ng tatlong buwan at bawas allowance mo into half. Pero kapag sinunod mo ko, tataasan ko ang allowance mo at papayag na ako sa pagnu-nursing mo. Ano, deal?" Nakangisi pa rin niyang tanong.
"Cut the slack Pa. Oo na. Gagawin ko na as if I have a freaking choice. Psh. Pero talagang papayagan mo ko Pa ah?" Paninigurado ko. Tumango naman siya. "Deal!"
Kesa makipagtalo pa ko, ako din naman ang dehado. Eh di go nalang, may benefits pa. Kaso, makakasama ko yung mga maiingay na ugok na yun?! Bitch please. Lord, Kayo na po sana ang bahala. Huhuhu.
"Dapat lagi kang present sa mga practice pero kung hindi talaga pwede at least dapat reachable ka. First aid lang naman. Hindi rin kasi pinapayagan na sa clinic dalhin ang mga injured varsity players. Hindi na rin kasi gaanong binabadyetan ng Coleston ang gantong matter. Lalo pa't may contract si Jes . Pwede naman daw akong kumuha ng substitute sabi ng administration . Wag kang mag-alala Blad, maiingat naman ang mga alaga ko. Kailangan ko din kasi ng assistant sa team ang hawak ko at mahirap mag-isa. Lalo pa't next month prelims na."
"Oks Pa. Sabihan mo nalang ako. Basta yung increase ah? Pero teka, paano ako aattend ng klase kung kailangan kong umattend ng practice?" Juskoo.
"Excused ka. Parang normal varsity player. Basta ako na ang bahala dun."
"Okay Pa. Balik na muna ako sa room kailangan kong kuhanin yung mga gamit ko. Kita nalang tayo sa bahay." I hugged him quick and said our goodbyes.
Pagtalikod ko, dun ako pinagpawisan ng matindi. Paano kung pag-initan ako ng mga yun?! Hinde.. Hinde! Hindi ka pababayaan ng Papa mo! Huhu sana nga.
YOU ARE READING
My Healer
RandomHindi lahat ng sugat ay agarang malulunasan. It can be days or weeks. But internally, it takes months or even years. Yung akin kaya, kailan?