Cheeky Forward

0 0 0
                                    

Klaire's POV

Bumalik ako sa room para kuhanin yung mga gamit ko. On the way there, napadaan ako sa outdoor basketball court ng school. May nakita akong maputing lalake na naglalaro, pawisan at hinihingal.

Nung palapit na ako sa court, unti-unti kong naaaninaw kung sino yung naglalaro. Napagtanto kong siya si Crix Martinez, ang power forward. Napahinto siya sa paglalaro dahil mukhang pagod na siya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang sa paglalakad ngunit may bigla akong narinig na kumalabog. Napatingin naman ako agad at nakita ko si Crix na nakahandusay sa sahig! Agad akong pumunta sa kinalalagyan niya.

"Hey..!" Umupo ako at ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko. "Wake up!" Bahagya kong tinapik ang pisngi niya dahil kung inalog ko ay baka mas lumala lang ang lagay niya. "Hey... Wake up." Pinulsuhan ko siya. Mabilis ang tibok nito marahil dahil sa paglalaro niya. Napansin ko rin ang pamumutla ng mukha niya. Kailangan niyang madala sa clinic! Tumingin ako sa paligid para makahingi ng tulong dahil 'di ko siya kayang buhatin! Sakto nakita ko sa second floor ng building si Mang Albert, yung utility namin.

"Kuya !" Tawag ko ngunit 'di niya ako narinig."Kuya Albert! Tulong!" Napatingin siya sa gawi ko.

"Sandali!" Sabi niya at agad bumaba . "Anong nangyari?" Tanong niya pagdating.

"Di ko po alam. Tulungan niyo po akong dalhin siya sa clinic."

"Sige!" Pinagtulungan namin siyang buhatin.

~~~~~

"Namumutla siya marahil dahil nalipasan siya ng gutom. Sinabayan pa ng pagpapagod niya. Wag kang mag-alala binigyan ko na siya ng vitamins para maibalik yubg energy niya. At any moment pwede na siyang magising." Mahabang sabi nung nurse. "Girlfriend ka ba niya? Eto yung gamot para sa paggaling niya. Pakibigay nalang."

Ano daw?!!!

"Ah.. Eh.. Hindi po kami magkaano-ano. Nakita ko lang po siya na nakahandusay." Paliwanag ko.

"Ah ganun ba. Alalang alala ka kasi eh  kaya akala ko girlfriend ka niya. Teka, pwede ba pakibantayan muna siya? Kailangan ko kasing gumawa ng report about this case." Pakiusap niya.

"Ah.. Sige po."

"Maiwan ko muna kayo." At lumabas na siya ng kwarto.

Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi niya. Unti-unting pumikit ang mg mata ko .

~~~~~~~~

Nagising ako dahil parang di kumportable ang kinalalagyan ko. Napatingin ako sa gilid ko at may nakita akong nakatitig sakin.

"Waaaaaa!" Bigla akong napatayo at lumayo.

"Chill.." sabi ni Crix. "Hey.. You have some drool over there.." Tinuro niya yung mukha ko. Kinapa ko naman ito... At halaaaaa! Tumalikod ako at binura ito. Nakakadiriiii! Nakakahiyaaa! Lupa kainin mo na ako! Now na!!

"Hey.. It's okay... Don't be shy.." Hindi ko man nakikita kung anong reaksyon niya, malakas ang kutob ko na nagpipigil 'to ng tawa.

Humarap ako sa kanya. "Whatever!" Aalis na sana ako ng biglang hawakan niya yung wrist ko.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Kukuhanin ko yung gamit ko. Don't touch me!" Pilit akong kumakawala.

"Sasamahan na kita." Tinanggal niya ang hawak niya sa wrist ko at biglang tinanggal yung dextrose sa braso niya.

"Hey!" Saway ko.

"What?" Natawa siya. "Let's get outta here." Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas.

~~~~~~
Dumiretso ako sa room habang siya ay nakasunod pa rin. 'Di ko alam pero, parang may nakakalimutan akong gawin. 'Di ko lang alam kung ano yun.

My HealerWhere stories live. Discover now