Mysterious

1 0 0
                                    

Crix's POV

Damn! Ang aga kong pumasok. Paano ba naman, may giyera sa bahay. Nag-abang ako ng bus sa waiting shed at agad din naman itong dumating. Pumasok ako rito at ini-swipe yung card ko. Dumiretso ako sa likod. Pagkaupo ko ay isinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko.

~~~~~

Nung malapit na sa school yung bus na sinasakyan ko, nakita ko 'yung babae na tumulong sakin kahapon. I don't know her name yet. Nung huminto yung bus, dali-dali akong bumaba para habulin siya. Gugulatin ko siya.

"Peek-a-boo!" At lumundag ako sa harap niya. Lagot.. Nahulog 'yung mga dala niyang libro.

"Aish! What do you think you're doing?!" Magkasalubong ang kilay niyang sabi at umupo para pulutin 'yung mga gamit.

"So-Sorry okay? Let me help you." Umupo rin ako at tinulungan siya sa pagpulot ng gamit niya.

Basics of Nursing? Ahh. Oo nga pala. Nursing kukuhanin niya sa college. Sipag niya ah. Ako nga wala pang plano eh hehe!

Nung mapulot ko na 'yung ibang libro niya, tumayo na ako at gumaya din siya.

"Give those to me." Sabi niya habang diretsong nakatingin sakin.

"Nah. Tulungan na kitang dalhin 'to sa room mo." Pagpipilit ko.

"No. I'm okay."

"Payat mong yan? Magbubuhat ka nito mabibigat na libro? Nahh. I won't let it." Nakangisi kong sabi.

"Taba mo ah? Psh. Fine!" Inismiran niya ako. "Sa library ko dadalhin 'to." At umuna siyang maglakad.

Palaging nagmamadali ang babaeng 'to. Kahapon pa 'to eh.

Humabol nalang ako para sabay kaming maglakad.

Sa pagpunta sa library, hindi man lang niya ako pinapasadahan ng tingin. Wala ata siyang pake sa existence ko. Hindi yata niya pansin 'yung mga  taong nagtitinginan.

Quite amusing huh?

"Dedicated ka talaga sa pagiging nurse noh. I mean in the future?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Hmm.. Oo naman. Pangarap ko 'to eh." Sagot niya habang diretso parin ang tingin sa daan. "Ikaw ba?"

"Anong ako? Kung gusto kong mag-nurse? Nah I'll pass." Pagbibiro ko. For the first time sa paglalakad namin, tiningnan niya ako.

Her eyes were blue. Amazing.

"Baliw. I mean kung anong pangarap mo?" Nakangiti niyang tanong.

"Hey.. You should smile often." Sabi ko at napaiwas naman siya ng tingin. "Hmm.. But seriously, bukod sa pagbabasketball, wala na akong alam na gawin." Sabi ko.

"Eh di maging professional basketball player ka." Sambit niya. "However, maybe you just don't realize the thing that you're good at, time will come you'll know it. Just don't give up. Today's plan might change tomorrow." Sabi niya at pumasok  na sa library.

Napangiti nalang ako. Sa lahat ng tao na kilala ko, isang estranghero pa ang magbibigay ng payo sakin. She's really something. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya, nasa harap siya ni Miss Sula , 'yung librarian namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My HealerWhere stories live. Discover now