Chapter 1: Bad Dream

39 4 0
                                    

   Clark's POV

   Nagising ako galing sa isang napaka samang panaginip, pero nang makalanghap ako ng sariwang hangin ay parang nawala ang panaginip kong yun. Haaaah... Napatingin ako sa loob nang sasakyan nang mapansin kong wala na sila mama. Ay ganon? Iniwan ako? Sige lang, sanay nanaman ako na iniiwan eh. Lumabas nalang ako nang sasakyan at napalanghap muli nang hangin. Ang refreshing lang sa pakiramdam eh. Napatingin ako sa dagat na nasa harapan ko ngayon at WOW talaga dahil ang ganda ganda nga niya. Nasa parking lot pala ako dito sa Resort at dito palang ay makikita mo na ang magandang dagat, may mga kahoy naman pero konti lang. Naglakad nalang ako papunta sa hotel nang mapansin kong wala na ang bagahe namin, kinuha na siguro nang staff. Nandito na ako ngayon sa harap ng hotel namin ang Virgin Hotel. Pagkapasok ko ay marami agad ang bumati sa akin, nakita ko naman sila mama sa lobby na kinakausap ang mga staff, umupo naman ako sa may bangko dito.

   "Hindi niyo ako ginising Rhys ah" naka-pout kong sabi sa kapatid kong nag ce-celphone ngayon.

   "Ginising ka kaya namin, kaso ayaw mo gumising eh. Para ka ngang baliw"

  "Baliw? Bakit naman baliw?" Baliw ka na ba pag natutulog ka? Di naman ah.

   "Sino ba namang hindi baliw kong para kang tanga na ngumingisi, maya maya pa ay parang nagagalit, tapos para kang nakakita ng isang di kapani-paniwalang tao o nilalang diba?" Wow! Himala ang haba nun ah! Pero Ako ngumingiti? Baka nanaginip ako- AY OO! Yung panaginip ko nga! Bwisit na panaginip!

Clark's Dream

   Nandito daw ako ngayon sa Dagat nang bigla nalang parang may narinig akong boses....

   "Hoy! Psst!" teka boses babae ha? Luminga-linga ako sa paligid a nakita ko ang isang napaka gandang babae, naka korona siya na pang prinsesa tapos napansin kong...ISA SIYANG MERMAID?!!!! WTF! Bakit ganito ang panaginip ko?!

   "Uy! Ano ba?! Maganda ako no?!" oo ang ganda mo, gusto ko sanang sabihin kaso parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko, ni hindi ko manlang namalayan na nahas harapan ko na pala siya.

   "Ako si Lestle Pearl, ikaw anong pangalan mo?" sabi nitong diyosa na kaharap ko..."Uy, magsalita ka naman diyan" dugtong niya nang mapansing hindi ako nakapag salita...

   "Ah ako si Clark Zimini but you can call me Clark" ngumiti naman ako pagka tapos nun...

  "Ang ganda naman nang---" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla nalang may tumawag sakanya

   "Princess Pearl! Nasaan po kayo?!" Nanlaki naman ang mata niya at bigla-bigla nalang niya akong hinila papunta sa kung saan. Grabe! Ang ganda pala dito parang kaharian! Ay, oo prinsesa pala siya base sa pagkakarinig ko nung may tumawag sakanya. Tsaka, mga ano ba yong tumawag sakanya? Bakit takot siya? Hindi ko naman namalayan na nakarating na pala kami sa isang napaka gandang silid at WOW ulit dahil ang daming pearls na nakapalibot dito, siguro kwarto niya ito dahil base sa pangalan niya ang mga pearls ang nandidito, puro puting mga pearls na kumikinang-kinang pa!

   "Magtago ka!" dali-dali niya naman akong pinatago sa closet niya at nilock iyon. Nakarinig ako ng mga yabag na papunta dito sa kwarto niya at yung mga guard na siguro niya yon....

   "Saan ka na naman ba nagpunta Lestle Pearl?!" pero nagulat ako nang ibang boses ang narinig ko. Makisig, malaki na boses at halatang istrikto! Siguro daddy niya to.

   "Ah D-Dad diyan lang po sa labas" nanginginig na sabi ni Pearl. Tatay niya nga to...

   "Pinahirapan mo na naman ang mga gwardya mo! Napaka tigas talaga nang ulo mo anak eh!" Galit na saad niya kay Pearl.

   "Sorry na dad.. Hindi na po talaga mauulit." napa sigh naman si Pearl matapos niya iyong sabihin. Teka---parang gusto kong mag achoo eh! No! No! Pigilan mo Clark! Pigilan mo!  Nagtakip ako nang ilong pero wa epek pa rin dahil... heto na talaga!

   "Achoo!" hay! naka-achoo narin. Pero! Paktay talaga ako nito!

   "Teka... Sino yun?!" naramdaman ko namang naglakad siya papalapit dito sa closet na pinagtataguan ko!

   "Dad! Wala yan!" Pagpipigil ni Pearl sa Daddy niya pero hindi padin ito nakinig sa kanyang anak. And the next thing i knew ay bubuksan na niya itong aparador! At Bam!

   "Sino ka?!" Takot naman akong tumitig sa kanya at nagising nanga ako sa masamang panaginip na yun. Hindi naman masyadong masama dahil atleast nakilala ko si Pearl, pero panaginip lang yun eh..IMPOSIBLE NA MAGKATOTOO!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note: Follow niyo naman po ako para maganahan akong mag update...

My Mermaid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon