Chapter 2: Virgin Island

32 4 1
                                    

   Clark's POV

   Kainis talaga ang kapatid kong yon... iniwan daw ba ako! Tapos sabi niya nag de-daydream na naman daw kasi ako. Tsk! By the way, nandito kami ngayon sa Restaurant nang hotel namin, at syempre ano pa bang ginagawa sa restaurant? Eh di kumakain(A/N: May nagtatanong Clark? Ha? *sabay irap*) wag ka na ngang sumingit author! Nag she-share lang ako nu! (A/N: KBYE) Tss..

   "Anak, gusto mo bang mag ikot-ikot dito sa beach ngayon?" tanong ni mommy sa akin.

   "Bukas nalang siguro Mom" sagot ko, medyo makulimlim na din kasi eh kaya siguro bukas nalang ako mag ikot-ikot dahil hindi ko masyadong makikita ang view.

   "Okay. How bout' you Rhys?" tanong na naman niya kay Rhys.

   "Maybe tomorrow also mom." gaya-gaya...tsk!

   "Hmm...Okay. There are many people who are going here tomorrow, did you forget that tomorrow is the opening of our Island?" mom asked, well nakalimutan ko nga pero okay lang kung maraming tao ang dadagsa bukas paniguradong marami na namang malalandi ang pipikit sa akin at sa kapatid ko. Pero, bahala sila!

   "Oh yeah, i almost forgot. I'm sure there are many bitches who will follow me and stick to me always" si Rhys na ang sumagot kay mommy at hahaha, sigurado akong hindi na naman sila papansinin ng kapatid kong ito.

   "Okay. You better go to sleep after we are done eating here. By the way your room will be on the 10th floor. You two will have the same room but different bed. While me and your mom will stay on other room, okay?" sabi ni dad, sus! If i know tsa-tsansingan lang ni dad yang si mommy.

   "Okay Dad" sabay naming sagot ng kapatid ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa room namin. Well, okay lang naman yung room namin, malaki, may dalawang king size bed ang nasa magkabilang dulo ng kwarto. Kulay puti ang pader at ang ceiling naman ay parang brown na kahoy. I like it. Nagpunta na ako sa isang kama at inarrange ko muna ang mga gamit ko sa closet, at pagkatapos ay nag cellphone muna. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakatulog na ako ng mahimbing. d-_-b zzzzzzz......

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~KINABUKASAN~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

   GOOD MORNING EVERYONE!!!!!! hayy....mukhang napasarap ata tulog ko ah? Napatingin ako sa side ni Rhys at nakita ko siyang mahimbing pa na natutulog. Naghilamos muna ako at pumunta sa kusina dito para magtimpla nang kape, alam kong may kape sa restaurant dito pero hindi ko kasi gusto na iba ang magtimpla sa akin. Nang matapos na akong magtimpla ay pumunta ako sa balcony dito at tanaw na tanaw ko ang napakagandang dagat at isla dito. Kumikinang pa ang dagat na animoy parang binuhusan ng napakaraming glitters. Nakakarefresh talaga dito.

   Napatingin ako sa parking lot at marami rami na din pala ang sasakyan. Umalis na ko sa balcony at pupunta na ko sa restaurant dahil baka marami nang dadating at ayoko pa naman ng medyo maraming tao. Ginising ko muna si Rhys, sabi niya ay pupunta nalang daw siya, eh di okay i don' care naman. Syempre nagbihis muna ako dahil nakapantulog lang ako kanina. Black t-shirt na may nakasulat na "I ROCK THE WORLD!!!", blue slippers, maong pants and a sunglass. I'm ready, better go now.

   Pagdating ko sa restaurant ay hindi palang masyadong marami ang mga costumers. Umupo na ako sa table na inuupuan nila mommy. Dumating naman na kaagad yung waiter pagkaupo ko pa lang, at sinabi ko na sa kanya ang order ko. Just a coffee.

   "How was your sleep Rhys?" dad asked Rhys na ngayon ay nagbabasa nang newspaper. Para namang matanda to oh.

   "I slept well dad" sagot niya na hindi man lang tinatapunan ng tingin si daddy.

   "How bout' you Clark?" sakin na naman siya nag tanong. Ngumiti ako ng malaki sa kanya sabay sabing...

   "I slept very very fine dad!" masigla kong sabi sa kanya. Hindi din halatang good mood ako eh noh? ^ω^

   "Hahaha, halata nga anak!" natatawa niyang sabi. Natapos ang usapan namin nang dumating na ang order naming lahat. Napuno ng tawanan, asaran, at sungitan namin ng pamilya ko ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa kanya kanyang kwarto para mag bihis. Nauna nang umalis si Rhys at sumunod na ako sa kanya, pero nagpaalam muna ako kela mommy.

   "Mauna na ko mom, see you in the lobby" pagpapaalam ko na sana nang may nakalimutan akong e tanong sa kanila. "Mom what time nga pala magsisimula ang ribbon cutting?"

   "It will start 20 minutes from now." she said. I looked at my watch and it's already 7:30, so 8:00 pala magsisimula. Nagpaalam na ako ulit sa kanila at pumunta na sa aming kwarto.

   Pagkatapos kung maligo at magbihis ay maglalakad lakad nalang siguro ako sa dalampasigan muna dahil meron pa naman akong 15 minutes left. Grabe, 5 minutes lang ready na ko? Haha. By the way ang suot ko nga pala ngayon ay soft na pang beach shorts, kulay maroon then may pagkablue na din, polo na pang beach, actually magkapartner ang shorts at polo ko kaya same design lang. Binuksan ko ang 4 na buttons at kitang kita na ang white na sando ko. I also wore a sunglasses.

   Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako sa room at nagpunta sa baba. Since i still have 15 minutes left i decided na ngayong na mag ikot-ikot.

   Habang nag iikot-ikot ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Palm trees are like dancing in the wind. The sea is like a crystal shining. At ang balod ay humahampas sa buhangin. Rhyme yun ah d~__~b. Hindi mo halos makikita ang mga isla dahil malayo sila sa isa't isa. Sabi ni papa kanina ay may sampong isla dito. Ang isa ay akin at ang isa ay para kay Rhys. So, ang mapapasyalan lang ng mga turista ay walong isla lamang, private kasi yung amin ni Rhys. Tumitingin-tingin ako sa paligid nang mapansin ko ang malaking bato at parang may babae na nakaupo dun, mahaba ang buhok niya at linilipad ito ng hangin. Nakatingin siya sa araw. Hindi ko siya masyadong makita, yung parang ang pigura niya lang ang nakikita ko.

   Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa akin at... nanlaki ang mata niya. Bakit? Bigla siyang tumalon sa tubig at napansin ko na may....MAY BUNTOT SIYA! Dali-dali akong tumakbo papunta sa hotel at nakita ko na malapit na pala magsimula. Tumingin ako sa relo ko at 8 na pala. I tried to erase that girl with a tail off my mind. Pero, posible kayang isa siyang Mermaid? No, no Clark Mermaids are not real!



My Mermaid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon