IFTLFM 3

95 22 1
                                    

IFTLFM 3: _theomateo

Nang marinig ko ang tunog ng bell, ay dali dali akong tumayo at lumabas ng room. Handang makipagsiksikan sa mga kapwa ko estudyante sa hallway.

Bakit nga ba ako nagmamadali? Gusto ko kasing maabutan si Prince Charming. Isang linggo na rin ang nakalipas nang marinig ko syang kumanta sa roof top. At sa loob ng isang linggong yon, wala akong ginawa kung hindi magpabalik balik roon. Nagbabakasakaling makita ko sya. Pero sa isang linggong 'yon, ni anino nya di ko nakita.

Di ko na rin nakita yung sulat ko doon kinabukasan nung araw na yon. Wala ring sulat galing sa kanya. Pero di ako titigil hangga't di ko sya makilala.

Gustuhin ko man na kalimutan nalang sya, di ko magawa. Sa araw araw ko ba namang marinig ang boses nya sa isipan ko, makakalimutan ko ba sya? Sa bawat pag-alala ko sa boses nya, kasabay non ang pagkabog ng puso ko.

Di ko nga rin alam kung bakit. Di naman siguro 'to love, di ba? Imposible namang ma-inlove ako sa boses lang. Pero ewan ko ba, parang may iba kasi talaga akong nararamdaman pag inaalala ko yung boses nya. Yung tagos sa pusong pag-awit nya. Kung maganda ang pagkakanta ni Ed Sheeran sa kanta, mas maganda naman ang sa Prince Charming ko. Sa bawat pagbigkas nya ng lyrics, feeling ko talaga tinatawag ako ng boses nya, na may gusto itong sabihin sakin.

Siguro nga nahihibang na ako, pero masisi nyo ba ako?

Katahimikan ang bumungad sakin pag-akyat ko ng roof top. Wala na naman sya.

Alam ko nag-aaksaya lang ako ng oras, pero di ko mapigilang umasa na isang araw makikita ko sya dito. Sa nakaraang linggo na araw araw kong pagpupunta dito, lagi akong nagsusulat ng mga letters para sakanya. At bawat pag-akyat ko kinabukasan, ay wala na yung mga sulat kaya naman umaasa akong binabasa nya ang mga 'yon.

Umupo ako sa nakasilong na parte ng rooftop, kung saan ko napulot ang sulat galing sakanya.

Napabuntong hininga ako. "Prince Charming naman, magpakita ka na sa akin." Sabi ko sa kawalan.

Oo, nagsasalita ako mag-isa. Di ako baliw, sadyang wala lang talaga akong magawa.

"Nangingitim na ako o! Sayang ang sabon." Dagdag ko habang tinitignan ang dalawang braso.

"E kung kumanta rin kaya ako? Baka sakaling pumunta ka rin dito."

"Ay, wag na pala. Baka umulan pa."

Kinuha ko yung baon kong sandwich sa bag ko at sinimula iyong kainin. Syempre kailangan ko rin kumain 'no. "Love is life, but food is lifer."

Napahinto ako sa pagsubo ng makarinig ako ng mahinang tawa. Tawa ng isang lalaki.

Bigla naman akong nataranta. "Ohmy! Multo ba yon?" Napatayo ako. Wait, baka si Prince Charming na yon. Pero wala namang ibang tao rito. Baka.. "Multo si Prince Charming?!" Nakarinig uli ako ng tunog, parang pagpipigil ng tawa.

Lalapit na sana ako sa kabilang gilid ng rooftop ng bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Oh, Gwen. Napatawag ka?" Tanong ko.

Sa loob ng nakaraang linggo, sabay sabay pa rin kaming tatlo nila Stella sa pagpasok at minsan sa pag-uwi rin.

Ikinwento ko sakanila yung tungkol kay Prince Charming. Kinilig naman sila pero syempre bilang kaibigan ko tinutulan nila nung una yung plano kong paghahanap sakanya. Pero kalaunan ay napapayag ko rin sila. Basta wag daw ako masyadong umasa, mahirap na baka masaktan uli.

I FOUND THE LOVE FOR METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon