IFTLFM 11

58 15 2
                                    

IFTLFM 11: Sorry

"Oh, Daphne? Bakit ganyan ang itsura mo at bakit hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Gwen. "Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"H-huh?" Wala sa sariling tanong ko. "Uhm.. Oo naman! Okay lang." Tumatangong sagot ko at pilit na pinasigla ang boses ko.

"Kanina ka pa kasi nakatulala dyan sa pagkain mo, ayaw mo ba? Gusto mo order tayo ng bago?" Ani Stella. Agad akong umiling at nginitian sya.

Napapikit ako't napabuntong hininga nang mapagtanto ang inaasta ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ng pagtatalo namin, pero hanggang ngayon ay hindi parin pumapasok si Kevin. Malapit na ang exams namin at hindi pwede ang ginagawa nya! Hindi sya papasok dahil lang may nasabi akong mali? Hindi sya papasok dahil lang naiirita sya sa presensya ko? Pero ano bang pakialam ko? Buhay nya 'yon, bahala sya sa buhay nya.

Pabayaan mo na nga sya, Daphne! Tigilan mo na nga ang kakaisip ng kung anu-ano. Letse, nababaliw na ata ako e!

"CR lang ako." Rinig kong paalam ni Stella.

"Daphne, magsabi ka nga ng totoo, may problema ka ba?" Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang nakakunot na noo ni Gwen at ang naniningkit nitong mga mata. "Alam kong may gumugulo dyan sa isip mo kaya ka ganyan, ano ba 'yon?"

Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago sumagot. "Nag-away kasi kaming dalawa ni Kevin." Panimula ko na syang mas lalong ikinakunot ng noo ni Gwen.

"At sino 'yon?" Tanong niya.

"Siya 'yung nag-abot sa akin noon ng sulat at chocolate galing kay Prince Charming." sagot ko.

"Ah! Oo, naaalala ko na." Tumatangong sagot nito. "Oh, tapos?"

"Nag-aalala kasi ako. Simula kasi nang nag-away kaming dalawa ay hindi na sya pumasok. Hanggang ngayon, hindi pa rin. Iniisip ko na baka may nasabi akong masakit na salita kaya di sya pumapasok."

"Nag-away kayo at ngayon, nag-aalala ka?" Tanong niya na sinagot ko ng marihin na pagtango. "Wait lang, close ba kayo? Kasi hindi ko maintindihan e. Bakit kayo nag-away at ano naman ang pinag-awayan nyo? Daphne, may hindi ka ba sinasabi sakin?" Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa sunod-sunod na tanong ni Gwen.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e, kapag sinimulan kong mag-open up sakanya ay paniguradong detalyadong sagot ang gusto niyang makuha. Matalino si Gwen, alam kong malalaman at malalaman rin niya ang totoo, pero handa na ba ako? Handa na ba akong ikwento ang totoong namamagitan sa amin ni Kevin, ang tungkol sa deal namin?

Sorry, Gwen. Hindi pa ready, pero promise, ikwekwento ko rin sayo ang totoo.

"H-hindi... Hindi kami close." Pagsisinungaling ko. "Seatmate ko lang sya. At napakalabong maging close kami non no, sobra kaya akong sungitan 'non. Daig pa ang nagmemenopause." Sorry talaga, Gwen. Hayaan mo munang ayusin ko 'to bago ko ikwento sayo.

Tinignan niya ako na para bang inaanalisa nya ang bawat kilos ko. Pilit akong sumubo ng pagkain para maitago ang kaba ko. Ang mas nakakakaba pa ay baka mahuli nya ako na kinakabahan. "So, ano namang pinag-awayan nyo?"

"Sinabihan nya kasi ako na kalimutan ko nalang si Prince Charming." Malungkot kong sagot.

"Ano?! Bakit naman niya sasabihin 'yon? At higit sa lahat, sino ba sya sa tingin niya para sabihan ka ng ganon?!" Halata ang pagka-irita sa boses ni Gwen.

"Ewan ko nga e. Basta ang sabi niya, duwag daw kasi si Prince Charming" Paliwanag ko.

"Duwag?!" Hindi makapaniwala nyang tanong. "Wow ah! Close ba sila ni Prince Charming para sabihan nya ng ganyan?!"

I FOUND THE LOVE FOR METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon