IFTLFM 19

26 3 0
                                    

IFTLFM 19: Dexter

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot para makauwi na. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tahimik siya kaya naman nananahimik 'rin ako.

Hindi ko 'rin kasi alam kung paano siya kakausapin dahil hindi parin mawala sa isip ko yung mga sinabi niya kanina. Kasi naman, banat yon di ba? Parang pick up line, di ba? Di ba?

Kasi bakit naman hindi siya makatulog dahil sa akin? Hindi naman ako maingay kanina. Pareho nga kaming nakatulog. So bakit niya sasabihin yon, di ba? Di ba?!

Pero hindi kaya nag-sleep talked lang siya?

"Do you have plans later?"

"H-ha?" medyo nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsasalita pero agad rin naman akong nakasagot. "W-wala naman, bakit?"

"Pwede mo ba akong samahan?"

"S-samahan? Saan?"

"Mall. I need to buy a pen."

Bigla akong natawa sa sagot niya. "Seryoso ka? Pupunta pa talaga ng mall para sa ballpen? Gusto mo pahiramin nalang uli kita?"

"Are you making fun of me?"

"Sabi ko nga seryoso ka. Tara na nga." umiiling na sagot ko at pilit pinipigilan ang tawa ko dahil baka sungitan uli ako ni Kevin.

Matapos namin makarating sa mall ay dumiretso na kami sa NBS. Di ko alam kung na saan si Kevin ngayon, sabi niya kasi bibili pa sya ng ibang supplies na baka kakailanganin niya. Ewan ko ba don. Ako naman, ito, pakalat kalat lang matapos magtingin tingin ng mga books.

Napangiti naman ako nang mapadpad sa isle ng mga stuff toys. Ang cute cute! Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makakakita ng di masyadong kalakihang stuff toy na frog. May makapal itong mga labi na color red at nakasuot ng pink na dress. Stuff toy siya na pwedeng idikit kung saan.

Bigla ko tuloy naalala yung kotse ni Kevin, masyadong plain kasi. Wala man lang kagamit gamit o design sa loob. Parang bago lang ganon.

'Kung bilhin ko kaya to para sa kanya?'

Napahagikgik ako sa naisip.

Kinuha ko yung frog at agad na pumunta sa cashier para bayaran.

"299 pesos." Inabot ko ang 500 ko at agad rin naman sinuklian ni ate. Pinasok ko agad sa bag ko yung binili ko.

Hindi na tuloy mawala yung mga ngiti sa labi ko tuwing maaalala yung itsura nung frog. Ang weird ko ba kung sasabihin kong sobrang nacucute-an ako sa mga frogs?

Ilang sandali lang ay natapos na rin si Kevin at binayaran ang mga pinamili nya. Nagyaya pa siyang kumain sa labas pero tinanggihan ko na iyon. Nakapangako na kasi ako na sa bahay kakain, magluluto kasi ngayon si Gwen ng specialty niya e.

"See you tomorrow." Sabi niya nang makarating kami sa harap ng apartment namin. Tinanguan ko naman siya.

"Ingat ka." sagot ko. Palabas na sana ako ng kotse niya nang bigla kong maalala yung binili kong stuff toy na frog kanina. "Siya nga pala!" bulalas ko at inilabas 'yon sa bag ko.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong niya. Hindi ako sumagot hanggang sa idikit ko iyon sa rearview mirror ng kotse niya.

"Ang cute 'diba?" nakangiti kong sambit habang nilalaro laro pa yung frog na nakasabit.

"Did you put that here so I could always remember you?" tanong niya at sa gulat ko ay napalingon ako sakanya at pinanlakihan siya ng mata. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso niya namang tinititigan yung palaka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FOUND THE LOVE FOR METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon