T U B I G

100 1 0
                                    

Elementary ako ng marinig ko ang istoryang ito sa aking teacher dahil malapit na ang undas nun kaming magkakaklase walang bukang bibig kundi ang mga istorya tungkol sa katatakutan. Aaminin ko nakakatakot kasi mga bata pa kami nun at ang bata naman mabilis matakot.





Alas kwarto ng hapon nasa kubo kami, ang sabi ng kaklase ko madami raw multo sa school, sabi daw luma na pero ang at dating sementeryo, oo nananiwala ako nun dahil totoo naman talaga at tanging kila mama ko pa narinig, sabi saamin wala namang dapat ikatakot kasi wala naman daw nagpaparamdam o nagpapakita doon.





Habang abala kasi sa pagkukwentuhan, siguro nagtataka kayo kung bakit ehh alas kwatro ng hapon e nagkukwentuhan pa kami, sa school kaso namin pag malapit na ng alas singko nag bubunot kami ng mga dami sa play ground routine na namin ikanga, habang kakatapos lang namin gawin alam na ang reward ay maglaro pero imbis na maglaro nag kwentuhan nalang kami madami silang nakukwento na kung ano ano lahat sila mag kwento walang magpapatalo minsan nga iisipin ko nalang totoo kaya ang istorya nitong mga 'to o gumagawa lang sila.





Pero mukhang may katotohanan naman kasi mahahalata dahil nagsisitayuan ang mga balahibo namin sabi nila kapag tumatayo daw either na nakakatakot talaga o sadyang may nakatabi daw sa inyo, siguro sa mga panahong iyon kinikilabutan ako pero hindi pa yan ang kwento.





Habang abala kaming nagkukwentohan biglang nag join si Ma'am at nakipag kwentuhan sa aamin sabi nya may kwento daw sya tungkol sa isang taong sobrang kuripot at sabi din ng teacher ko totoo daw na nangyari iyon kaya naman kami ng kaklase ko e natakot at kinilabutahan.





Sabi ni ma'am sa isang bayan sa bicol may isang bahay na walang masyadong katabi, halos sya lang ang nag iisang bahay dun at ang maraming bahay ay nasa dulo pa, ang taong nakatira sa bahay ang sobrang madamot ang damot damot nya dahil sa probinsya uso ang gripo at walang nawasa.





Dati may mga katabi pa ang naturang bahay pero di kalaunan ay nagsilipat din ito malayo sa kinatitirikan ng bahay nya inisip ko minsan ano kaya ang rason kung bakit wala nang masyadong katabi ang bahay na yun dahil lang ba sa madamit sya? Pero lahat naman ng tao kung minsan sadyang madamot talaga pero hindi pala, may rason kung bakit ganun nalang ang nangyari.





Habang patuloy na kinukwento ng aming guro yung mga balahibo ko at nagsisitayuan, oo kinikilabutan ako kasi ayoko nang mga nakakatakot lalo pa't totoong nangyari.





May isang taong uhaw at gustong makaigib ng tubig sa bahay ng tinutukoy ng aming guro pero ayaw ang sobrang damot raw ng taong iyon lahat ng nanghihingi ng tubig ay hindi nya pinapaigib at pinagbibigyan dumating pa nga sa puntong may naglakas loob na pumasok sa bahay at kumuha lang ng tubig pero na bigo ito. Kaya pala madaming nanghihingi nang dahil sya lang ang meron at ang mga kapitbahay at klangan pang umigib sa balon o maglakad sa pagkalayo layo para lang makaigib ng tubig.






Sa nangyari nagdesisyon ang may ari na ang pangalan at mang fausto na e expand ang bahay nya para masakop lang ang gripo, Dahil sa ginawa at kadamutan nya nagpasya ang mga kapitbahay nito na lumipat nalang ng tirahan dahil hindi naman sila pinapaigib kahit magbabayad naman sila, nang malaman ito ni mang fausto ay natuwa sya ang katwiran nya pa 'salamat naman at wala nang bwesit na makikiigib sa akin'.





Sa patuloy na pagkukwento ng aming teacher nainis kami bigla naiinis kami kasi ang damot damot nya tubig lang naman yun ipagdadamot nya, at wala din naman kaming nakuhang sagot sa aming guro at ipinag patuloy nya pa ang kinukwento.






Dumating ang araw na mas lalong tumanda si mang fausto wala syang malapitan na kapit bahay kapag inaatake sya at halos wala rin syang kasama sa bahay dahil ang mga kamag anak nito ay nagsipag layasan din dahil sa pag uugali. Dahil sa malubang sakit pumanaw si mang fausto sa kadahilanan nang sakit nya.






Sabi nang aking guro sa burol nya ay mangilan ngilan lang ang dumating at nakiramay, siguro alam naman natin ang pwedeng rason ni kapit nya noon at walang pumunta tanging pamilya lang ang nasa burol. Habang nasa kabaong ang mga labi ng matanda hindi maipaliwanag ng kamag anak nito kung bakit may mga tubig na tumutulo, lahat sila kinikilabutan kaya mas minabuti nalang na ilibig na ito sa lalong madaling panahon.





Habang nasa prosesyon ng libing tila walang tigil ang agos nang tubig sa karo nito na tila bang may ilog na ang lakas ng agos ng tubig, pati ang nagdadala ng karo at sobrang takot at gusto nang padaliin ang pagmamaniho nito pero hindi nya magawa dahil kabastusan ito. Halos kakaunti lang ang nakipaglibing sa matanda.





Habang patuloy lang na nag kukwento si Ma'am madami akong naiisip, mga bagay na dapat gawin para hindi humantong sa ganun. Nang matapos na ang libing ang bahay ay naiwang abandunado sa kadahilanang walang anak, kamag anak na gustong tumira doon oo may pamilya sya pero maging ito man ay ayaw pakisamahan sya dahil na rin siguro sa pag uugaling meron. Lumipas ang madaming taon, nanatili pa ring nakatayo ang bahay, may mga taong takot dumaan doon lalong lalo na sa gabi.





Dahil sa pag daan nila may naririnig silang tila may isang taong umiigib ng tubig dahil mapapansin mong tumutunog ito, e wala naman nang nakatira dun kaya halos lumipad nalang sila sa pagtatakbo.





Ang sabi pa saamin, kapag daw dumarating ang undas wala sila nakikitang kandilang nakatirik ng matalag sa puntod ng matanda dahil nawawala agad ang sindi nito, oo nakakatakot daw kasi wala naman ulan pero tanging ito lang ang basa ang puntod, dahil may mga tubig pa ring kusang lumalabas dito na palaging sa undas pa nangyayari.






Pagkatapos ikwento yun ng aming guro napatamimi lang kami dahil mga bata ayon takbuhan pabalik sa klase oo takot na takot kami at kinikilabutan, minsan pa nga naiisip ko na hindi kaya gawa gawa lang iyon ni ma'am? Dahil matigas ulo ko tinanong ko pa rin ito at may sagot na sa katanungan natotoo palang nangyari. May natutunan kami sa kwento ang wag madamot sa kapwa mo.












----------------------------------------------------------
Mejo isihan lang natin alam ko hindi kayo matatakot dito sa unang chapter ng kwento pero sa mga susunod alam nyo na ito muna sinulat ko kasi gabi natatakot ako matatakutin pa naman haha vote at comment lang po salamat at salamat na rin sa mga nagbasa, kaya tayo wag madamot kasi lalayuan tayo ng mga taong mahalaga saatin. ^_^

MGA KWENTONG MISTERYO AT KABABALAGHAN (BASED ON TRUE EXPERIENCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon