UPOS NG SIGARILYO

52 1 0
                                    

May mga bagay  talaga na kung minsan ay hindi agad natin pinapaniwalaan. May pagkakataon pa nga na mas iniisip natin na joke joke lang kaya ito? Pero ang susunod na storya ay ako mismo ang nakakita hindi lang ako pati ang mga kasama ko sa bahay.



College sa bahay ako ng auntie ko tumira sa may antipolo, sabi nila matagal na raw yung bahay ng mabilo nila ang sabi paupahan iyon before madami na rin ang mga tumira. Wala ako sa mga araw na inaayos nila ang bahay dahil nasa bicol ako at nasa high school pa.




Ang bahay na yun ay sobrang nakakatakot sa kadahilanang wala nang nakatira o kaya'y lumang luma na, nirenovate nila auntie ang buong silid iniba ang pwesto ng hagdan mga pintuan at pati na ang cr na sobrang creepy. Pero sa mga panahon namang yun hindi naman ako natatakot sa kwento lang sila nga hindi natakot ako pa kaya saka ganyan namam tayo hinding hindi matatakot hanggat hindi tayo ang nakakaramdam.





Sa mga panahong iyon nasa state U kami nag aaral sa pinsan ko at kung minsan sabay din kaming umuuwi, syempre bagong salta lang ako sa maynila mejo hindi ko pa kabisado kung baga nag aalangan pa, pero di kalaunan nakabisado ko na rin papunta school at bahay. Pagkakauwi ko mahilig ako mag linis ng kwarto kasi ang pinsan naku aakalain mong lalake dugyot pa ika nga pero hindi yung sobra talagang mejo tamad lang sya at kapag nasa mood lang sinisipag.





Una kong nilinis ang kwarto nila auntie dahil dun muna kami natutulog, habang sige lang ako sa paglilinis tila napapansin kung parang ang dami yatang upos ng sigarilyo sa ilalim ng higaan (kinikilabutan ako) dahil sa pagka ignotante ko dali dali akong bumaba at tinawag si auntie sabi ko 'Auntie may naninigarilyo ba sa atin? Kasi madaming upos mg sigarilyo sa ilalim ng higaan' sa pagkakasabi ko agad namang umakyat sila auntie at pinsan ko, lahat kami nagtataka kung bakit may upos ng sigarilyo dun ehh wala babae kaming lahat ang tito wala naman kasi nasa saudi sya nakakapagtaka lang bat nagkaroon nun dun.




Lahat kami nagtaka kasi wala talagang naninigarilyo sa amin sa mga panahon nun wala pang tindahan sila auntie kalaunan nalang nagkaron. Sa pagkakakita namin nun hinayaan nalang namin baka nagkataon lang.





Lumipas ang ilang pagkakataon para yatang napapadalas kaming nakakakita ng pinagsigarilyohan mapa kwarto at maging sa mga sofa sa sala ehh meron. Medyo kinikilabutan ako at lalo na ang pinsan ko naisip pa nga namin na may kapre ba dito? O maligno? Naisip namin yun kasi yung bahay ng auntie ko e may may kadikit na hindi naman nila nabili sa likod at bakante iyon kaya yun ang naiisip ko na baka meron nga, nakakatakot isipin kahit nga pumunta ako sa likod nakakatakot basta kakaiba yung presense dahil ba walang nakatira dun basta kakaiba, creepy ika nga.




Dahil yung kapatid ko ay magcocollege na din naisipan namin na dun naman kila ate tumira at mangupahan sabi mg auntia dyan nalang daw sa katapat kasi bakante naman para makapunta punta lang kami sa bahay nila na pabor na pabor naman sa akin. Alam nyo yunh feeling na may nakatingin o kaya feeling na alam mong may sumusunod sayo? Yun yung naramdaman ko kahit nakalipat na kami nakakatakot kasi akala ko hindi na kami o ako makakakita dun pero hindi.





Isang araw ako lang mag isa kasi umalis sila ate ang kapatid ko naman pumasok, habang abala ako sa pag aayos ng gamit dahil kinabukasan ay may pasok na bigla akong kinabahal ng mahulog yung ballpen at nang kukunin ko na sa ilalim ng higaan tumaas ang balahibo ko kasi may upos ng sigarilyo dun, nasabi ko sa sarili ko na ito yung nakikita ko kila auntie ahh talagang parehong pareho ang kinakatakot ko ay makaamoy ako misso ng sigarilyo sa loob ng bahay. Dahil sa pangyayaring iyon dali dali akong pumunta kila auntie at sinabi ko ang nakita, nagulat din sila inasar pa nga ako na sinusundan daw ako jusme ayoko nakakatakot iisipin ko palang baka sinisilipan na kami nun no way jusmeo. Ehh ayoko ng mga ganun sinong magugusto. Heh.




Sa di kinalaunan bumalik nanaman kami kila auntie medyo matagal ding nawala yung sigarilyo na yun hanggang sa magkatindahan na dun.




Pero hindi pa pala tapos meron at meron pa rin kaming nakikita kapag nag lilinis kami dun, minsan binibiro ko nalang yung pinsan ko na hala ayan nanaman sya sinusundan nanaman kami e puro pa naman kaming babae sa bahay nakakatakot kasi yun nga kapag naliligo or nagbibihis ka hindi tuloy mawala sa isip na namin na shit baka may nakatingin o nagmamasid lang saamin nakakatakot isipin na baka mamaga nyan makursunadahan mas nakakatakot yun ang mga engkanto may magagawa pa yan alam nyo na iniisip ko basta nakakatakot kaya naman kapag magbibihis na kami lagi kaming bantayan at nag uusap para hindi maisip iyon.




Pero isang umaga habang mahimbing ang tulog namin bigla nalang kaming nagising sa ingay ni aunite talaga ginisiging nya kami, kaya kami naman dali daling bumangon at tumungo sa baba. Pero laking gulat at kilabot ang naramdam namin lahat ng ipakita ni auntie na may upos ng sigarilyo sa lababo ay in kakaiba sya ibang iba sa typical na sigarilyo oo magkasing lagi pero yung pinag upusan kakaiba matigal imbes na parang abo at sobrang itim na itim, kaya ako dali dali kung kinuha at pinicturan nakaattach sya kaya kayo nalang po maghusga kung anong klaseng sigarilyo yun hanggang ngayon hindi ko pa binubura pero dahil naisip ko ulit tong pangyayaru buburahin ko nakakatakot baka bumalik nanaman.




Abala si auntie nun sa paglalaba nang makaamoy sya ng usok ng sigarilyo at paglabas nya ng cr yun na nga may upos nang nasa lababo (kinikilabutan ako) kaya hindi na sya nagdalawang isip na gisingin kami, pati ako masasabi kung talagang natakot sya sino ba namang magugustong makaamoy nang wala naman katao tao kasi madaling araw nun at isa pa walang bagay na nasa lababo tapos biglang may ganun kaya jusme lahat talaga kami natakot.



Sa nangyari naikwento agad ito sa amiga nya kaya naman nang mga bandang hapon na ay pinabili nya ako ng insenso at saktong pagpatak ng alas sain pinausukan ang buong bahay sabi nila pang paalis daw iyo kaya yun ang ginawa ng auntie ko at sana naman effective yun, yan din ang pinagawa ng tito na pausukan.



Lumipas ang ilang araw mukhang effective naman iyon at wala na kaming nakikitang mga upos ng sigarilyo sa ilalim ng higaan at sa ilalim ng upuan, nakakatakot isipin na mangyayari iyo ang daming upos mg sigarilyo rin ang nakita namin nakakatakot talaga minsan nagpapatay malisya nalang kami pero hindi mo pa rin mawawala ang takot na nararamdam nagpapasalamat kami kasi walang nangyari saaming masama hindi kami ginalaw ng misteryosong naninigarilyo sa bahay nila aunte.



Hindi nagtagal tuluyan nang lumipat ako kasama yung kapatid ko at kapag bumibisita kami dun kila auntie ok naman na ang lahat at saka hindi na mabigat yung feeling kapag papasok ka sa bahay kasi dati ang bigat bigay talaga hindi mo malalaman kung bakit pero isa lang ang alam ko talagang may iba pang nilalang ang nakatira dun pero hindi naman sila nananakit pero sadyang nakakatakot lang kasi nakakailang. Kahit sa pinaglipatan namin ok naman na never na akong nakakita at sana wag na talaga kasi nakakatakot yung feeling nang may iba pang nakatira sa bahay nyo.























----------------------------------------------------------------
Inattach ko po yung picture na nakuhaan ko sa upos ng sigarilyo, sobrang creepy saksi ang mga mata ko rito kaya hindi ko makakalimutan yan at dahil dyan buburahin ko na sya mahirap na baka bumalik at pero wag na sana kasi mahirap yung ganun nakakatakot baka sa pakakataon saktan na kami wag naman sana. Sige po marami pa akong ise share base sa mga naramdaman, nakita at narinig ko kahit umaga ko sya ginagawa kinikilabotan pa rin ako bumabalik kasi yun pakiramdan sa mga panahong nangyari ito. Salamats sa mga nagbasa.

MGA KWENTONG MISTERYO AT KABABALAGHAN (BASED ON TRUE EXPERIENCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon