Chapter 2

18 0 0
                                    


"Matagal pa ba?" I asked our driver na maghahatid sa akin sa probinsiya. Almost 5 hours na kami sa byahe at ngalay na ngalay na ang pwet ko sa pagkakaupo.

Idagdag mo pa ang boredom sa loob ng sasakyan. Lowbatt na ang cellphone ko as well as my Ipod at ang tanging dala ko na lang ay ang libro ni John Green na "Fault in our stars"

Sinubukan ko nang magbasa kaso nahihilo lang ako at naduduling sa mga letra dahil sa baku-bakung daan na tinatahak namin. Ang iba ay maputik pa at nahihirapang tumakbo ang lumang sasakyan na pinagamit sa amin ni Daddy.

"Malapit na po Mam."

"That is exactly what you've said 2 hours ago."

"Mga 30 minutes drive na lang po. Nagtext na po ang Lola niyo. Excited na daw po kayong makita."

"Well, tell her na masakit na ang ulo ko sa sobrang haba ng byahe. I hope may nakahandang hot bath pagdating natin. Gusto kong muna magretouch at beauty rest."

"Makakarating po Mam. Pasensya na po kayo at ganito talaga ang daan dito. Hindi po kasi naipaayos ng mga nagdaang opisyales ng gobyerno dito. Medyo malayo ho kasi sa kabishanan. Pero may malapit pong tindahan at karinderiya. Baka gusto pong dumaan muna para kumain."

Umiling na lang ako at sinubukang matulog. Pinabuksan ko na lang ang radyo kay Manong Driver. Kanta iyon ng Coldplay entitled "Scientist."

Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart
Tell me your secrets and ask me your questions
Oh, let's go back to the start

Running in circles, coming up tails
Heads on a science apart
Nobody said it was easy

It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard

Oh, take me back to the start.

How I wish.

"Ikaw na ba si Zaldia? Ang laki mo na at napakaganda." Dumating kami sa isang ancestral house na halatang preserved at alagang alaga.

Hila-hila ko ang maleta ko. Pumasok ako sa bahay. Sinalubong ako ng yakap ng isang matanda na pakiwari ko ay siya nang Lola ko. Never ko pa kasi siyang nakita. Hindi naman kami madalas pumunta dito dahil sa Manila nagtatrabaho sina Mommy at doon din kami nag-aaral ni kuya.

Magmula sa matataas na gate at mga pader. May 100 metro pa siguro bago marating ang mismong bahay. Napapalibutan nito ng maraming puno na nagbibigay aliwalas sa paligid. First time ko makapunta dito sa bahay na ito. May malaking golden chandelier na sumalabong sa amin gayundin ang napakaraming picture na halatang luma na dahil kulay brown na ito.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Si Lola Emilia ay grandmother ko sa mother side. Itong bahay na ito ay nagmula pa sa ninuno ni Lolo Albert at tanging si Lola Emilia na lang ang nakatira. Bukod kay Mommy ay may sarili na ring pamilya si Uncle El at nakatira na sa States.

Parang traditional mansion ang dating ng bahay. Makintab ang sahig na amoy floor wax pa. Uso pa pala iyon dito?

"Inday, ihanda mo na yung niluto kong kaldereta at lumpiang gulay. Pati na rin yung minatamis na saging at palaeros. Alam kong gutom na gutom na si Zaldia sa haba ng biyahe. Sumunod ka na sa akin hija at tayo ay kumain."

Magmula sa foyer ng bahay ay lumiko kami sa kanan at tumambad sa amin ang isang mahabang hallway. Feeling ko nasa set ako ng isang indie film sa ganda ng gamit.

What if ipagbenta ko ang isa sa mga ito? Kahit siguro isang vase ay aabutin ng milyon. Konti na lang kasi ay mayroong mga antigong bagay sa bahay. Binura ko na rin sa isip ko kaagad iyon dahil hindi ko naman pag-mamay-ari ang mga iyon atsaka suportado naman ako ng aking magulang sa needs namin ng kapatid ko.

"Umupo ka dito." Sa dulo ng hallway, nandun ang dining room. Sa tantsa ko ay kasya dito ang 50 katao sa haba. Kumpleto sa kobyertos at nagkikinangan pa. "Pasensya ka na sa akin ha. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kasama dito bukod sa mga kasambahay."

"I understand." Sagot ko.

"Tuwang tuwa ako nang tumawag ang mommy mo noong makalawa at sinabing dito ka muna titira. Bakit namam bigla ang paglipat mo dito? Paano na ang pag-aaral mo doon? Hindi ba't mahilig kang magdrawing at magpinta?"

"How did you know?"

"Nabanggit lang sa akin ng mommy mo noong huli naming pag-uusap"

Our conversation gone well. Naikwento nito sa akin ang tungkol sa bahay. Tinayo pala iyon ay during Spanish Colonization pa at may lahi pala kaming Spanish ng hindi ko alam? My great grandparents, (lolo ng lola ko) 4 na henerasyon bago ako ang totoong Spanish.

It is a 3 storey house and has 16 bedrooms in total. Halos buong 2nd floor kasi ay puro kwarto na.

Habang kumakain kami ay biglang dumating ang isang dalagang halos kasing-edad ko lang pero mukhang nagtatrabaho na. May dala itong isang malaking tupperware.

"Oh, bakit naparito ka Yen? May kailangan ka ba?"

"Naku, wala po Lola. Nabanggit po sa akin ni Inay na may bisita nga po kayo at nagpadala po siya ng niluto niya kanina na adobong sitaw."

"Salamat. Nag-abala pa kayo. Nga pala, Yen ito ang aking apo na si Zaldia, Zaldia si Yen. Kalapit-bahay natin sila at mga anak na rin ang turing ko sa kanilang pamilya.

"Nice to meet you."

"Ganun din ako." Lumapit ito sa akin at nakipagshake-hands.

"Yen? Hindi ba't nag-aaral ka Scholastica? Doon din kasi mag-aaral ang apo ko. Kung maaari sana ay ipasyal mo siya bukas sa bayan pati na rin sa magiging paaralan niya."

"Sige po Lola. Ipapakilala ko rin po siya sa mga kabarkada ko kung sa gayon po ay magkaroon siya ng kaibigan dito."

"Ayos lang ba saiyo iyon, hija?"

"Yeah. It's fine with me. I don't want to stay here rin naman all day long." I said. Naiistress ako sa unang araw ko dito. Ang lalalim nila magtagalog. Kung magenglish man ay bihira sa isang sentence.

"Siya, bukas ay pumunta ka dito Yen ha."

"Opo Lola. Mauna na po ako. Baka hinahanap na po ako ni Inay. Alam niyo namam po yun. Aakalain na naman po noon na naglalakwatsa ako."

"Sige. Ingat ka."

"Alis na po ako at magandang gabi."

After niyang umalis at after ko kumain, nagpunta na rin ako  sa magiging kwarto ko. Isa raw ito sa pinakamalaking kwarto rito.

The room was huge. Mas malaki pa sa kwarto ko sa Manila. May fireplace at maliit na sala at den. May sariling banyo at walk in closet. May pinto ako papunta sa malawak na balcony na tanaw ang bayan.

Hindi ko alam kung bakit ko naisip ito pero without thinking, I uttered 'home'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the depth of my memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon