Isang mahirap na college student si Mike Nilva. Isa sya sa mag kahanga hangang estudyante sa kanilang lugar sa Laguna. Itinuring na nila Roman at Solinda Nilva na tunay na anak nila si Mike. Itinatago ng mag asawa ang sikretong ito upang maprotektahan na rin si Mike sa kung anong maaaring mangyari rito, sapagkat isang napakasamang trahedya ang nagdala kay Mike upang matagpuan ng mag asawa ang batang ito. Ano man ang dahilan noon ay ayaw na nilang muling buksan pa. 16 years old na si Mike at magiging 1st year college student na sya sa isang sikat na unibersidad sa Laguna, kahit mahirap sila Mike ay nagawa nitong makapasok sa unibersidad na ito dahil sa angkin nyang talino kaya hindi sya nahirapang maipasa ang scholarship exam. Bukas na ang araw ng pagpasok nya kaya kinakabahan sya lalo na sa mga sinabi ng isang manghuhula sa kanya na lubos nyang ikinatatakot.
(Pangyayari Kahapon)
“Pinky talaga bang sa school na papasukan ko rin ikaw papasok? Eh diba di ka nakapasok sa scholarship exam, kung ikaw ay papasok dun walang scholarship eh baka mahiapan ka.”
“Aba si Mike naman, alam mo naman na bestfriend kita ayaw kong magkalayo tayong dalawa baka kasi kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin at makipagkaibigan ka sa iba. Ayaw kong magkaroon ka ng mga kaibigan na mga balasubas at mga walang kwenta, kaya poprotektahan kita kahit magdusa ako bilang isang working student. Ok ba?”
“Ok, ikaw ang bahala.” Sabay tugon ng isang matamis na ngiti kay Pinky.
“Basta Mike wag mo kong kakalimutan ha?” sabay ngiti at pagkatapos ay biglang nakaramdam si Pinky ng lungkot sapagkat parang wala lang ang pagpapakita nya ng pagmamahal nya kay Mike na tila parang di ito nararamdaman ni Mike.
Maya maya habang sila ay malapit na sa Department Store ay naghiwalay na sila ng paroroonan, si Pinky ay sa Department Store patungo samantalang si Mike ay papunta sa palengke. Binigla si Mike ng isang manghuhula at napatigil siya sa sinasabi ng manghuhulang ito…
“Isa kang Accountancy student, bukas ang simula ng pagpasok mo sa isang mamahaling unubersidad at isa kang scholar sa unibersidad na ito.”
“Teka po manang bakit nyo po alam ito?”
“Isa kang kahanga hangang tao, isang mabuti at maaalahaning bata ngunit kinakailangan mong lampasan ang mga pangyayari sa iyong buhay kahit magdudulot ito sa iyo ng labis na kalungkutan. Isang babae ang sisira ng iyong buhay, magiging miserable ang buhay mo habang kasama mo sya kaya kinakailangan mong putulin ang relasyon mo sa kanya sa lalong madaling panahon dahil sa huli ikaw rin ang magsisi. Ikasisira ito ng buhay mo at magiging sanhi ito ng pagkawala ng mga mahal mo sa buhay. Kung ano man ang nararamadaman mong pagmamahal ay ituon mo na lang sa iyong sarili o kaya naman ay magmahal ka ng ibang babae upang masira itong masamang kahihinatnan mo.”
(Pangyayari Ngayon: Araw n Pasukan)
Tuwang tuwa si Mike sa suot nyang bagong uniporme na binili sa kanya ng nanay nya. Napakamahal ng unipormeng ito kaya isang pares lamang ang meron sya at galing pa ito sa pinagipunang pera ng nanay at tatay nya. Kapansin pansin rin ang kagwapuhan nito kahit pa lahat ng suot nya bukod sa pares na uniporme nya ay luma na. Sa pagpasok nya sa gate ng paaralan ay napahinto sya sapagkat nakita nya ang kaibigan nyang si Pinky na napakaganda sa suot nitong uniporme na halatang hinihintay sya upang sila’y sabay na pumunta sa room nila.
“Mike, bakit natulala ka , napapangitan ka ba sa suot ko, di ba bagay sa kin?”
“Ano ba ginagawa mo dyan at tila may hinihintay kang importanteng tao?”
“Eh, ano pa nga ba. Eh di naghihintay sayo diba sabi ko walang iwanan.”
“Pinky simula ngayon nais kong magkalayo muna tayong dalawa. Nais kong wag mo na kong hihintayin, wag na muna tayong mag usap ng kung ano ano nais ko munang magpokus ka sap ag aaral mo at ganon rin ang aking gagawin at sana wag mong iisipin na lagi akong nasa tabi mo kahit Best Friend kita. Pinky mauuna na ko at baka malate pa ko sa klase ko. Paalam na muna.”
Natulala at nagulat si Pinky habang iniwan sya ni Mike, nakadama ng lungkot si Pinky natuwa pa naman sya ng makita nyang pumasok na ng gate si Mike dahil tumingkad ang kagwapuhan nito dahil sa suot nito at ayos ng buhok na nakatayo dahil sa gel na ginamit nito. Naglakad mag isa at tulala si Pinky patungo sa building ng mga Education Students. Pinipigilan ng mga mata nitong makapaglabas ng mga luha at naisip nitong wala ngang pagmamahal na nararamdam si Mike para sa kanya.
“Pinky, mahal kita kahit di ko man masabi o maipakita sayo. Tuwang tuwa ako kapag kasama kita. Tuwang tuwa ako sa mga paglalambing at pag aalala mo sa kin. Masaya ako na nakilala kita ngunit kailangan ko tong tapusin upang mailigtas ko ang mga mahal ko sa buhay at sana ay makalimutan mo na rin ako. Mabuti na rin na di ko naipadama ang aking pagmamahal ng sa gayon ay mas madali kitang makalimutan ” mga salitang nabuo sa isipan ni Mike na nais nyang masabi kanina ngunit di sya nagkaroon ng tapang na masabi ito.
Maya maya pa ay nabunggo nya ang isang guro na biglang ikinawala ng mga iniisip nya dahil sa takot. Nalaglag ang apat na librong dala ng gurong ito at agad nya itong pinulot. Nang ibibigay nya na ang librong ito ay bigla syang natulala dahil sa parang kilala nya ito ngunit di nya pa ito nakita ni minsan. Nakaramdam ng takot si Mike.
“Anong pangalan mo at irereport kita sa adviser mo dahil sa katangahan mo? Hindi ako isang estudyanteng papakiusapan ng di sinasadya dahil walang hindi sisnasadya sa mundong ito at tandaan mo isa akong guro.”
“Sorry po Miss, di ko po sinasadya. Mike Nilva po pangalan ko.”