CHAPTER 2

6 0 0
                                    

Ikinagulat ni Mike nang sya ay pumasok sya sa kanyang room sapagkat naroroon ang teacher na kaninanina lang ay nabunggo nya. Papaupo na sya sa upuan sa hulihang pwesto nang biglang tawagin ang kanyang pangalan at ipinalilipat sya sa unahang pwesto na ikinabigla rin ng mga kapwa kamag-aral nya dahil unang pasukan pa lang ay kilala na ng guro si Mike. Napalunok ng laway si Mike at dahan dahang naglakad patungong unahan ng biglang batuhin ng nakalamukos na papel sya. Nakita ng guro ang nangyari ngunit ipinawalang bahala lamang nito ang nangyari. Dahil dun ay napahinto sya at tinitigan ng mabuti ang lalaking bumato ng papel sa kanya ng biglang may nagsalita sa unahan na ikinadagdag ng takot at kaba nya.

“Mike Nilva!, can you please hurry and take your seat, there’s no time for postponing this lesson for your own sake.”

“Ma’am …..”

Pinagtawanan ng buong klase si Mike bukod sa tatlong estudyante.

“Mike dito ka na umupo”

Umupo sya sa tabi ng babaeng ito. Isang mestiza, matangkad, mahaba ang buhok at magandang babae ito.

“Ok class, I’m Miss Antonette Robles, class professor of Basic Accounting in this section, I’m 22 years old, a graduate of Bachelor of Science in Accountancy, I recently passed the Accountancy Board Examination. I prepare to be a class professor for few years in this university because there is something I need to do.” Sabay tingin kay Mike kaya lalong napuno ng kaba si Mike.

Maya maya isang guro ang tumawag kay Miss Robles at ipinatatawag dahil may meeting ang mga bagong professor. Nagpaalam sya sa klase at maaga nitong pinalabas ang kanyang mga estudyante. Pagkaalis ni Ms Robles ay kinausap si Mike ng babaeng katabi nya.

“Hi Mike ako nga pala si Vildaine, may gagawin ka ba ngayon habang wala pa tayong klase?”

“Nice to meet you Vildaine. Uhm wala pa naman akong gagawin. Bakit mo naman naitanong?”

“Kung ayos lang sayo magsnack tayo sa canteen, masasarap ang pagkain doon.” Sabay ngiti si Vildaine.

“Ah Vildaine wala kasi akong budget para sa snack eh, pang lunch lang tong dala kong baon ngayon, next time na lang.”

“Ano ba to si Mike kaya nga kita niyaya eh ako ang manlilibre sayo.”

“Vildaine wag na. Ayo slang ako kahit di ako mag snack eh busog pa rin naman ako tsaka kakakilala ko pa lang sayo.”

“Sus ano naman kung ngayon mo lang ako nakilala maganda nga yun dahil first time tayong nagkita at nakilala agad kita.”

“Sige na nga at mapilit ka, basta pag magkapera ako babayaran ko yung gagastusin mo.”

Palabas na sila ng pinto ng room ng biglang may sumuntok kay Mike. Natulala si Mike dahil sa nakita nito kaya nasuntok ulit sya sa mukha nito. Ang lalaking sumuntok sa kanya ay ang lalaking bumato sa kanya kanina ng papel. Napasigaw si Vildaine at maya maya pa ng susuntok uli ang lalaking ito ay may lalaking pumigil dito  at gumanti ng suntok dito.

“Miguel!” salitang nasabi ni Vildaine habang nagulat sa pangyayari.

“Vildaine umalis na muna kayo ako na bahala dito. Dalhin mo na rin sa clinic si Mike.”

“Sige Miguel salamat ha.” Nagmamadaling itinayo ni Vildaine si Mike. Nagulat si Mike sa mga pangyayari na nangyayari ngayon sa kanya. Walang nagawa si Mike sa nag aalalang si Vildaine sa kanya. Di man kita ni Mike ay may pumatak na luha sa mata ni Vildaine.

“Miguel tanga ka ba, hinayaan mo yung lalaking yun na maging malapit sa hinahangaan mong babae. Hay, ang tanga nga naman.”

“Peter wag mong tangahin mga plano ko. Alam mo naman na kahit kalian ay di ako magpapatalo. Plano ko to upang mas mapalapit kay Vildaine. Miguel nais kong tulungan mo ko sa mga plano ko. Ikaw ang magiging mortal enemy ni Mike at magpapanggap kang ginagawa mo yun dahil may nararamdaman ka kay Vildaine at ako naman ang magsisilbing kaibigan at tutulong kay Mike sa mga gagawin mo. “

“Bakit Miguel sa tingin mo ba ay wala akong gusto kay Vildaine at ganyan ka magsalita sa akin?”

“Peter sa tingin mo may pagasa ka habang nakikita mong si Mike ang gusto ni Vildaine. S ngayon wag kang magpakatanga at magtulungan muna tayong masiraan yang si Mike sa kanya.”

“Bakit kung sakali bang masiraan natin si Mike eh may pag asa ako kay Vildaine?”

“Syempre naman, makikita ni Vildaine ang tunay mong pagmamahal sa kanya sa mga gagawin mo Peter, basta magtiwala ka lang sa akin.”

“Oo nga, sige payag na ko sige alis na muna ko.”

“Bakit hahayaan ko bang may makakuha kay Vildaine matapos kong mawaksi Mike ay ako ang pipiliin ni Vildaine dahil sa mga kabutihang ipapakita ko.. ahaha uto uto rin tong Peter na to. Ano sa tingin nya sya makikinabang sakin pwes ako ang makikinabang sa kanya. Ahaha.”

Mayamaya ay may nagsalita sa likod ni Miguel, di napansin ng dalawa ay nakikinig ito sa kanila habang naguusap sila. Nagulat bigla si Miguel dahil di nya inaakalang may magiging problema pa rin sya…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INSTRUCTED LOVE: LOVE BEYOND LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon