- sorry sa mga typosKabanata 1:
The Game Starts NowFarah's POV
“Farah samahan mo naman ako sa canteen” yaya sakin ni Finn ang magaling kong pinsan.
“Tinatamad ako” sabi ko tsaka pinikit ang mata ko. Nakakatamad tumayo lalo na't kulang ako sa tulog. Pinatapos ko kasing panoodin yung season 2 ng AOT kaninang umaga tsaka dalawang oras lanf ang tulog ko kaya mukha akong zombie pagkarating ko dito sa school.
“Sige na! Ayaw akong samahan ni Rush!” Gosh he's whining like a kid again. Nagpakawala naman ako ng napakalalim na buntong hininga at tumayo kahit na labag sa kalooban ko. Wala naman akong magagawa kahit na tanggihan ko 'yang mokong na 'yan, ang ingay ingay eh.
“Tara na at nang tumigiltigil ka na sa kakaistorbo sakin” sabi ko habang nakabusangot ang mukha. Hinila naman nya ako and the next thing I knew nasa counter na kami ng canteen.
'Pambihira'
Umupo ka sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana “Tapos ka na?” iritable kong tanong at humikab. “Wait may bibilhin pa ako” sagot nya tsaka bumalik ulit sa counter.
Susubsob na sana ako nang may biglang tumawag sakin. 'Pambihira' Inis kong nilingon ang tumawag sakin. “Ano na namang problema nyong dalawang magsyota?” inis kong tanong habang ang kanang mata ko ay nakapikit.
“Pinapatawag tayo sa room may gagawin daw sabi ni ma'am Ethel” sagot ni Nixon habang nakaakbay kay Brea na akala mo nasobrahan sa blush on dahil ang pula ng pisngi nito.
“Ilang taon na kayo?” tanong ko salanilang dalawa kaya tinignan naman nila ako ng may pagtataka. “S-same age lang naman tayo ah?” sagot ni Nixon.
“Ang ibig kong sabihin, ilang taon na kayong naging kayo?” paglilinaw ko sa sinabi ko. “T-two years na” nahihiyang sagot ni Brea.
“Ang tagal nyo na pala tapos kung kiligin ka dyan Brea kala mo ke bago bago pa lang” sabi ko sa kanila dahilan para asarin ni Nixon si Brea. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinila si Finn na nagrereklamo dahil may bibilhin pa daw sya.
“Kanina ka pa bumibili dyan, ano papakyawin mo yang mga pagkain dyan?!” iritable kong saad kay Finn na ngayong ngumunguso. “tsk tsk, Tara na pinapatawag tayo ni ma'am” sabi ko tsaka binitawan sya sa braso.
Pagkarating namin sa room. Maingay. Magulo. Hindi na ako magugulat palagi naman ganito sa room eh.
'Baby shark doo doo doo doo doo, Baby shark doo doo doo doo doo, Baby shark doo doo doo doo doo, Baby shark'
'Nesfruta buko why not? *knock knock* coconut'

YOU ARE READING
Killer Eye [SOON]
TerrorOnce I winked at you, you're dead All rights reserved. yowduh