NAGDIWANG ang mga katutubong Pilipino nang matalo nila ang dayuhang hukbo ni Magellan. Pagkatapos ng madugong labanan ay umulan ng malakas. Dali-daling niligpit ng mga katutubo ang mga namatay, kakampi man nila o kaaway.
Inihiwalay nila ang mga katutubo sa dayuhan. Dinala nila sa kagubatan ang mga bangkay ng kanilang kaaway.
Dahil palakas na ng palakas ang ulan ay hinayaan na nila roon ang mga katawan. Nagsibalikan na ang mga ito sa kani-kanilang tahanan para paghandaan ang selebrasyon ng pagkapanalo nila laban sa mga mananakop.
Kasabay ng pagkulog at pagkidlat, gumalaw ang mga daliri ng pinuno ng mga dayuhan. Iyon ay walang iba kundi si Ferdinand Magellan. Nakabaon sa kanyang dibdib ang pana na naging dahilan ng pagsuko ng kanyang katawan.
Gamit ang natitira pa niyang lakas ay pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata para salubungin ang walang humpay na patak ng ulan. Pinilit niya ring itinaas ang kanyang kanang kamay. Sa kahuli-hulihang dagundong ng kulog ay ang pag-usal niya ng isang panalangin.
"B-Buhayin mo...ako..." halos pabulong na niyang sabi.
Bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata ay isang napakaputing liwanag ang tumambad sa kanyang harapan.
"Mabubuhay ka subalit kailangan mong tuparin ang iyong tunay na misyon."
Mahina siyang tumango. Kailangan niyang mabuhay sa kahit na anong paraan.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang ulan. Bumalik ang mga katutubo para ilibing sa lupa ang mga bangkay ng dayuhan. Laking gulat nila na kulang na ng isa ang mga ito. At mas lalong hindi sila makapaniwala na ang bangkay ni Magellan ang nawawala.
Dahil sa ayaw nilang maudlot ang pagdiriwang at kasayahan ng kanilang lugar, napagkasunduan nila na ilihim ang pagkawala ng bangkay ni Magellan. Nanatiling tikom ang kanilang mga bibig hanggang sa tuluyang nabaon na sa limot ang katotohanang iyon. Na hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan ng lahat na napatay ni Lapu-Lapu si Magellan.
---
"Ma'am, ang lawak po ng imahinasyon niyo. Haha," natatawang sabi ng isang estudyante sa babaeng guro."Pero parang kapani-paniwala po talaga. Ang galing!" segunda ng isa.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "History is created by victors. And victors will do anything to make them great in humanity's eyes. Kaya hindi lahat ng nababasa niyo sa kasaysayan ay pawang katotohanan. Dahil ang kasaysayan ay pwede mong maihalintulad sa isang tsismis. Habang tumatagal, habang pinagpapasa-pasahan, naiiba na ang kuwento. May binabawasan. May dinadagdagan para mas magmukhang kapani-paniwala ang mga ito, " pangaral niya na ikinatihim ng kanyang mga estudyante.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell. Tumayo na siya at nakangiting hinarap ang kanyang mga estudyante.
"Okay, class...dismissed!"
Nag-uunahang lumabas ang mga ito. Nang mapag-isa na lang siya ay naiwan siyang tulala habang nakatingin sa pisara. Nakasulat doon ang pangalang FERDINAND MAGELLAN in underlined and capital letters.
Napahawak siya sa kanyang dibdib nang unti-unti na niyang binubura ang pangalan sa pisara.
"Babalik ka pa ba?" tanong niya sa kanyang sarili.
----
Disclaimer: Guys, guys?! Mga BHEBHE QOH! HUWAG NA HUWAG NIYO PONG PAPANIWALAAN ITONG HISTORY NA SINASABI KO HA? I just twisted it kaya parang awa niyo na, don't believe it. Ang paniwalaan niyo po ay iyong kasaysayan talaga na nakasulat sa Sibika at Kultura, Hekasi and Social Studies. Waaah. Wag kayong papadala sa kaadikan ko ha? Hahaha.Kaya please, don't take it seriously. I-enjoy na lang po natin ang story na ito. I know may TPP pa ako at CMZ pero just su you know, this story is my BREATHER sa dalawang stories. This story kasi is sobrang light lang talaga (for now, lol) kaya hayaan niyo akong ipublish na lang ito sa ngayon pero hinihingi ko pa rin ang active participation niyo rito thru voting and commenting. I will really appreciate it. Pakiligin niyo ako. Hahaha!
Kaya sit back, relax and enjoy the roller coaster adventure of Magellan and his partner in crime as they are travelling the space in time.
Welcome to the past, present, future and CHAR-CHAR world.
Thank yeah!
Y.O.Y.O,
danjavu
BINABASA MO ANG
I Came, I Saw, I Love You
PrzygodoweAccording sa Philippines History, namatay si Magellan sa laban nila ni Lapu-Lapu. But they're wrong. Magellan is alive and kicking- sa ibang katauhan. At kailangan niyang ipagpatuloy ang mga naudlot na plano. At isang foturne teller slash babaylan a...