Kabanata 1

220 10 2
                                    

Tadhana- isang simpleng salita subalit kapag pinaglaruan ka ay parang hindi ka na makapagsalita.

Kaya mo bang makipaglaro sa tadhana?

---
HABANG tumatagal ay mas lalong dumarami ang mga parokyanong bumibisita sa akin para malaman ang kanilang tadhana sa pag-ibig, sa trabaho at sa kanilang buhay.

At ako...bilang kahuli-hulihang babaylan sa kasaysayan, labis nila akong pinaniniwalaan. Higit pa sa relihiyon at paniniwalang pilit na inililimbag ng mga walanghiyang Kastila sa puso't isipan naming mga katutubo.

Kung hindi lang sana nila sinakop ang lugar namin, hindi sana magkakaganito. Sigurado akong tahimik at walang paghihirap na magaganap. Mahigit dalawang siglo na ang pananakop ng mga Kastila. At walang araw na hindi ako makakarinig na balitang marami na namang pinatay na mga katutubo dahil sa ayaw nilang sumuko sa paniniwala at kalayaang nakasanayan na.

Magigiting na mga pinuno ng bawat tribo at katutubo ang kanilang walang awang pinaslang. Hindi rin nila pinalampas ang mga ninuno naming babaylan. Dahil maliban daw sa mali ang paraan namin ng paggamot ay gumagamit pa kami ng gawaing pang-demonyo.

Nakatakas kami ng pamilya ko subalit natunton pa rin kami ng mga tumutugis sa lahi naming matataas na uri ng babaylan. Pinatay nila ang mga magulang ko at mga kapatid. Dahil sa ako ang pinakabunso, ginawa nilang lahat para makaligtas ako. Nagawa kong tumakas. Kada taon ay palipat-lipat ako ng lugar para mahirapan sila sa paghanap sa akin. At ngayon ang huling taon ko rito sa Irong-Irong.

"Gapati kami nga maabot ang isa ka adlaw nga gaba-an ang mga Katchila nga na," dinig kong sabi ng matandang babae.

(Naniniwala kami na balang araw darating din ang parusa sa mga Kastilang iyan.)

Napangiti ako dahil do'n. Makakita pa lang ako ng isang Kastila sa daan ay parang gusto ko na itong dambahin at paslangin. Makaganti lamang ako sa ginawa nila sa aking pamilya at mga kalahi. Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Dahil kapag ginawa ko 'yon, malalapit lang ako sa kapahamakan. Mapapadali ang buhay ko. Ayoko pang mamatay!

Hinawakan ko ang kamay ng matandang babae at ipinikit ko ang aking mga mata.

Sa una ay isang madilim na paligid lang ang nakikita ko. Ilang sandali pa ay kumulog at kumidlat. Kasabay no'n ay ang matinis na palahaw ng isang dalaga habang tumatakbo sa masukal na kagubatan.

Mas lalong kumunot ang aking noo nang makita ang dalawang guardia sibil na humahabol sa dalaga. Tumawa ang mga ito ng malakas nang madapa ang dalaga at pinipilit na makabangon.

Napatili ito nang sinunggaban siya ng isa at buong pwersang hinubaran ang dalaga. Kasabay ng malakas na sigaw ng dalaga ay ang pagmulat ng aking mga mata.

Nag-aalala naman akong tiningnan ng matanda. Isang masamang pangitain ang aking nakita.

Hindi ako isang ordinaryong babaylan. Ang mga hula ko ay base sa mga nakikita kong pangitain o signus sa mga taong nagpapahula sa akin. Minsan naman kahit walang nagpapahula sa akin, dumadating lang ang mga sandaling matitigilan ako at mapapapikit habang may mga pangyayaring nagpapakita sa akin.

Seryoso akong tumingin sa matanda.

"May bata ka pa nga dalaga? O apo?" tanong ko sa kanya.

(May anak ka pa bang dalaga? O apo?)

Napailing siya. Nagkasalubong ang aking mga kilay. Kung wala siyang anak o apo na dalaga...sino ang nakita ko na ginahasa ng dalawang guardia sibil?

Hindi kaya...

"Ano ang nakita mo?" nag-aalala na niyang tanong.

(Ano bang nakita mo?)

"Isa ka dalaga. Gina-laot siya sang duwa ka gwardiya sibil kag ginhimuslan," napalunok kong sabi.

(Isang dalaga. Hinahabol siya ng dalawang guardia sibil at ginahasa.)

Ang hinala ko ay napatunayan nang makitang umiyak ang matanda. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay para aluin siya.

"Tani ginpatay nalang nila ako. Kay wala sang adlaw nga indi ko madumduman ang ginhimo nila nga ka-demonyohan sa akon!"

(Sana pinatay na lang nila ako. Dahil walang araw na hindi ko maaalala ang ginawa nilang ka-demonyohan sa akin.)

Kumuha ako ng tubig sa isang banga at pinainom ko ito sa kanya. Ilang sandali pa ay nahimasmasan na siya.

"May nagapangaluyag sa akon subong. Madayunay ayhan kami?" tanong niya na ikinagulat ko.

(May nanliligaw sa akin ngayon. Makakatuluyan ba kami?)

"H-ha?" hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Nakakagulat naman ang matandang ito. Kanina, sobrang galit dahil sa nangyari sa kanya. Ngayon naman...ito ang itatanong niya?

Bahagya akong napailing. Ngumiti ako sa kanya at muling hinawakan ang kanyang kamay.

"Sunda lang ang ginapitik sang imo kasing-kasing. Kay nabatyagan ko subong nga naga-apin sa imo ang 'tadhana'."

(Sundin mo ang tinitibok ng iyong puso. Dahil nararamdaman kong sumasang-ayon sa'yo ngayon ang tadhana.)

Masayang nagpaalam sa akin ang matanda. Marami pa ang nagpahula at nagpagamot sa akin sa araw na ito. Magtatakip-silim na nang matapos ako. Lumabas ako ng bahay at nagpaunat-unat ng aking katawan.

Napahawak ako sa aking puwet dahil nangangalay na ito sa kakaupo. Sakto namang napadaan si Diego na may dala-dalang timba. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil natunghayan niya ako sa gano'ng posisyon.

Mag-iisang taon na ako rito at kasing-tagal na rin no'n ang lihim kong pagtingin sa binata. Ayoko namang ipahalata sa kanya na gusto ko siya. Hindi ako mahinhin na dalaga pero naniniwala akong ang lalaki ang dapat na manligaw sa babae.

Kahit gaano ko pa siya ka-gusto...hindi ko babaliin ang pananaw kong iyon. Siguro nga ay hindi lang ako ang tipo niyang babae. Ano nga bang mahihita niya sa babaeng tulad ko?

Maliban sa kilala akong babaylan at manghuhula, kilala rin ako sa pagiging prangka, matigas ang ulo, palamura at medyo may saltik sa utak.

Wala talaga akong laban sa mga mahinhing dalagang naglilipana sa bayan na may gusto rin kay Diego. Kaya heto...masaya na ako sa tingin-tingin lang at pangiti-ngiti niya sa akin.

Nakakainis lang kasi...nahuhulaan ko ang tadhana ng ibang tao, pero sa sarili ko hindi ko magawa. Siguro nga ay tama talaga ang sinabi sa akin noon ni lola. Na ang kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Lumikha, gamitin mo iyon sa kabutihan ng lahat at hindi sa iyong pansariling interes lamang.

Kaya heto...si Carlota Velasco, nganga!

¡¡¡

Kinagabihan ay napag-desisyunan kong lumabas ng bahay. Naiinip na kasi ako. Narinig ko kasing may palabas na gaganapin sa plaza. Saka isa pa, kailangan ko na ring bumili ng mga sangkap para sa paggawa ng mga halamang gamot. At sa gabi lang ako medyo panatag sa paggala kasi hindi ako masyadong mamumukhaan ng mga inutusan ng gobyerno na ubusin lahat ng mga babaylan.

Sinipat ko ang aking sarili sa isang maliit na salamin sa bahay. Itinago ko ang aking mahabang buhok sa aking paboritong sambalilo. Makalipas ang ilang sandali ay nasa umpukan na ako ng mga tao.

"Nakita niyo siya? Sigurado ako nga ari lang na diri siya sa palibot. Pangitaa niyo ang babaylan nga ina!"

(Nakita niyo siya? Sigurado akong andito lang siya sa paligid. Hanapin niyo ang babaylan na iyon.)

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Kapag minamalas ka nga naman, oo. Sigurado akong ito na ang huling pagpapakita ko sa Irong-Irong.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Came, I Saw, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon