Si Marcelo

106 47 33
                                    

Maputi at may istura si Marcelo kaya marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Tanging ang kanyang kapilyuhan at katamaran ang problema niya. Sa katunayan nga ay hindi na niya dapat itutuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo kung hindi pa siya pinilit ng tatlo niyang matalik na kaibigan simula pa noong kinder na sina Antonio, Luna, at Greg.


Mainit ang dugo ng kanyang mga propesor sa kolehiyo kay Marcelo dahil nga sa ugali nito.


"Magandang umaga po ma'am. Pasensya po at nahuli ako," bungad ni Marcelo na ngingit-ngiti habang kamot-kamot ang ulo.


"O Marcelo, may balak ka pa palang pumasok. Akala ko wala na," masungit na sagot ng guro sa kaniya.


Nginitian na lamang ni Marcelo ang guro at tahimik na umupo sa kaniyang upuan, sa tabi ng kaibigang si Greg.


"Sira ulo ka talaga Marcelo," bulong ni Greg at saka binatukan ang ka-tropa."May lakas ng loob ka pa talagang pumasok,"dagdag nito.


Tumawa na lang si Marcelo at sinabing "buti nga pumapasok pa kahit tinatamad."


"Nako, ayaw mo talaga magbago," hirit ni Greg sabay halakhak.


"Pwede ba? May nag-aaral diba," masungit na bulong ng kaklase nilang si Mel.


"Oo na, boss. Masyado ka namang grade conscious," sabi ni Greg habang iiling-iling.


Umirap na lang si Mel,"At saka hayaan mo na nga yang si Marcelo. Buti pa nga siya pumapasok. Sila Antonio at Luna nga, bibihira na lang."


Kumunot ang noo ni Marcelo sa narinig. Sumilip siya sa mga upuan sa bandang harap at napansing bakante nga ang dalawang upuan doon. "Oo nga 'no. Wala na naman. Lagi na lang silang lumiliban," sa isip ni Marcelo.


"Oo nga, iniwan na nila kami ni Marcelo. Nakahanap na siguro ng mga bagong brod. Tsk," pagbibiro ni Greg.


"Dami mong alam, Greg. Mag-aral ka na nga lang." Pamimilosopo ni Mel. Umiling-iling na lang ng ulo si Greg at nagpatuloy na sa pakikinig sa klase.


Si Marcelo naman ay punong-puno ang isip patungkol kina Antonio at Luna. Lumipas na ang napakaraming asignatura, pero ni isa ay walang pinakinggan o sinalihang diskusyon si Marcelo. Ang isip niya pa rin ay nasa dalawa niyang matalik na kaibigan na wala nang paramdam sa kanila o kahit sa eskwela.


Bago umuwi, dumaan muna si Marcelo sa Jollibee na pinagtatrabahuhan ng dalawa niyang matalik na kaibigan. Maya-maya pa ay lumapit si Antonio sa kinauupuan ni Marcelo


"Ito na pong order niyo, sir. Pasensya na po at natagalan ng kaunti," sabi ni Antonio habang medyo hinihingal. "May kailangan pa po ba kayo, sir?" Dagdag ni Antonio habang nilalapag ang pagkain mula sa bandeha.


"Meron, kailangan ko ng oras niyo at ni Luna." Sabi ni Marcelo habang nakangisi.


Muling Pagkikita (The Reunion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon