1: The Past

15 0 0
                                    

" Sige sabihin mo!" Gulat at galit nitong sambit. Tapos biglang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha, nakangisi. " Alam mo naman siguro kung paano ako makipaglaro diba?" pananakot nito sa kanya.

" Hi-hindi mo yan magagawa. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo kina papa at mama?" Bakas man sa kanyang mukha ang takot at panginginig sa kanyang buong katawan ay pilit parin niyang pinapakita ang pagiging matapang sa kaaway.

Humalakhak ito at bigla niyang tinutukan ng kutsilyo ang leeg ng kanyang kaharap. " Anong klaseng tanong yan ha? Patawa ka eh noh? Alam natin dalawa ang sagot. Siyempre, kulang pa yung pagpatay ko sa papa at mama mo. Or shall I say mama at--- aray!" Nabitawan niya ang hawak na kutsilyo nang biglang magpumilit si Amber na bawiin ito sa kanya.

Nagdulot ito ng sugat malapit sa kanyang pulso. Nakita ito ni Amber na dumudugo na ang kamay na nasugatan sanhi nang kanyang pagkawala ng malay.

Ilang sandali lang ay may bakas ng tunog sa labas na papalapit sa pinto ng bahay.

" Ambergris! My God! Anong nangyari sayo?" Kumaripas ng takbo si ginang Felicidad kasama ang kasintahan ni Ambergris na si Acer at iba pang tao na naka uniporme patungo sa sahig na kinaroroonan ni Amber.

Kinalong ni Acer ang ulo ni Ambergris sa kandungan nito at pinahiran niya ang mukha na puno ng pawis at bakas ng dugo sa labi. "Babe, wake up. God! Tita, bakit ganito na si Amber?"

Napailing si ginang Felicidad habang umiiyak. " I don't know iho. Amber just called me because she agrees to our proposal and that she has something to say too. I-I think it's about the criminal who killed Fernan and Madelle."

" Damn! That fucking killer did this to Amber. Guards, libutin niyo ang bahay at baka nandito pa yun."

Dumilat nang paunti-unti ang mga mata ni Amber. Tiningnan niya ang kanyang paligid at nagtama ang paningin nilang dalawa, Ambergris at ni Acer. Kaya napaupo at napaatras agad si Ambergris sa kanila.

" Babe, it's okay. You're in good hands now."

" Amber iha, wag kang matakot. Nandito na kami. And they will treat your wounds, okay? " Sabay tingin sa likod ni ginang Felicidad sa kasama niyang naka uniporme ng puti. " And sila din yung makakasama mo doon sa Amerika para magpagaling."

" A what? Anong magpapagaling? Sino? A-ako ba tita?" Tumayo si Ambergris at humakbang patungo sa may bintana at humarap sa labas.

" Amber wag! Wag kang tatalon!" Iniabot ni ginang Felicidad ang kanyang kamay kay Amber pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa dahil siguro sa mga pangyayari. Kung kaya ang isang babae at lalakeng naka unipormeng puti nalang ang diretsong pumunta kay Amber sa may bintana.

Si Amber naman ay biglang tumawa at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang tiyahin. " So you expect me to jump off from this window and die? Hell no! I'm not that crazy. Besides I have a lot of things to do. So don't you dare send me off to America."

" But you just called me earlier that you agreed to our proposal that you'll go there and be treated."

"Uh-uhm nagbago na ang isip ko tita. I don't need any treatment. I have to be free para mahanap ko yung killer at maipaghiganti ko sila mama at papa. Ngayon pa ba? Abot kamay ko na siya kanina."

" No! Amber, are you out of your mind? Let the police handle this. And whether you like it or not you'll come with us to America and be treated." Sinenyasan niya ang mga nurse hudyat na dalhin na si Amber sa van. " Una na kayo sa airport at susunod nalang kami."

" Yes po ma'am."

" Bitiwan niyo 'ko! Sabing hindi nga ako baliw! Sinusundan niya ako. Papatayin niya ako. Kailangan kong maghanda para patayin siya."

Panay ang iyak, sigaw at pag wawala ni Ambergris habang pwersahan na siyang dinadala ng isang babae at lalakeng nurse sa van na naghihintay sa labas ng bahay nila.

" Amber tahan na. Para din yan sa ikabubuti mo. Masakit man sakin na ilagay ka doon pero kailangan mo 'to. " Namamaga na ang mga mata ng tiyahin ni Ambergris na si ginang Felicidad sa kakaiyak habang hawak-hawak ang mukha ng kanyang pamangkin na nagpupumiglas parin sa mga nurse.

" Babe just calm down, okay? We're just worried for you. We want what's best for you. And we think this is the best option." Sabi naman ni Acer na nakatayo at nakaabang sa may pinto.

" Hindi! Ayoko!" Biglang tulak ni Ambergris sa babaeng humahawak sa kanya na siyang pagkabagsak sa sahig. "Hindi niyo naiintindihan. Kaya please pakawalan niyo na ako. Ayaw ko dun."

" Tama na Ambergris! Sige na, dalhin niyo na siya."

At tuluyan na ngang dinala si Ambergris at pinasakay sa white van. Habang naiwan naman sa bahay sila ginang Felicidad na walang tigil sa pag-iyak at Acer na nakatulala sa may pinto.

" Tita? Acer? Where's Amber?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon