Prologue

142 7 0
                                    

Danica's POV


Naniniwala ba kayo sa Aliens?

Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sainyong nakakita na ako ng alien?

Kung isa kayo sa maraming batang katulad ko na naniniwala sa aliens, apir tayo!

Hi everyone! Ako si Danica Snow! I'm 10 years old! Ehem ehem-- nagsusulat ngayon ako sa slambook ko hehehe, gusto nyo rin bang sumagot? Sige mamaya.

Mahilig akong magvideo kaya napagdesisyunan kong magvlog! May 10 subscribers ako, at hinihiling ko sana mga aliens sila at napapanood nila ako mula sa ibang planeta tapos kukunin nila ako dito!

Una akong nakakita nung 5 years old ako, pero walang naniniwala sakin! Kayo guys? naniniwala kayo sakin diba? Totoo sila! Nakasakay sila sa UFO! Kinawayan ko pa sila eh tapos nagfinger heart sila sakin!

Simula noon hanggang ngayon lagi akong nanonood ng mga videos tungkol sa aliens kasi ang cute nila!

“Mommy! Naniniwala ka ba sa alien?” Tanong ko kay mommy, Nasa tabi ko sya habang nagtitiktok sya.

Napalingon sya sakin at kumunot yung noo nya.

“Oh, Yan ka nanaman eh, Kung ano ano nanamang ikwekwento mo sakin.”

“Eh mommy, malapit na po kasi birthday ko, sana makakita ako ulit ng aliens! Gusto ko baby aliens, feeling ko kasi mas cute eh.”

“Nako baby, tigil-tigilan mo na yang kakabanggit mo sa mga aliens ha. Bukas bibilhan kita ng maraming barbie para makalimutan mo yang aliens na yan. Tsaka gabi na, Sleep ka na, Okay?”

Biglang kumidlat kaya nag brownout. Pumalakpak naman ako. Nasa salas kami ngayon at natatanaw mula rito ang labas. Malakas ang ulan.

“Oh baby, Bakit ka pumapalakpak?” Tanong ni mommy tsaka nya sinindi yung flashlight ng cellphone nya.

“Mom! Wala na bang gas para sa generator?” Tanong ni kuya na kagagaling sa kusina na may dalang flashlight. Tinignan nya ako nang maramdaman nyang nakangiti ako sakanya. “Oh? Bat parang ang saya saya mo namang makita ang pogi na mukha ko?” Kumidlat nang malakas matapos nyang sabihin yon.

“Kuya kase, kung ano anong sinasabe, yan tuloy.” Inirapan nya ako sa sinabi ko.

“Tanong mo sa daddy mo.” Sagot ni mom sa tanong ni kuya kanina.

“Eh nakatulog na po sya.” Nagkamot ng ulo si kuya, problemadong problemado ah? HAHAHA.

“Magkakailaw rin naman mamaya, Takot na takot sa dilim? HAHAHA.” Pang-aasar ko sakanya.

“Danica's right tsaka It's late already let's just sleep. Mom said.

“Pero rank namin ngayon sa ML, tapos nagpromise pa ako sa mga followers ko na magla-livestream ako ngayon.” Reklamo ni kuya. Inirapan ko sya, Pinandilatan nya naman ako.

“Daming alam, Kanser ka rin naman. Elite tapos di makalipat lipat HAHAHA. Tsaka, Wow ha! Followers? Eh wa-walo lang naman followers mo! Kami nila dad at mom pa yung tatlo HAHAHA.” Pambabara ko sakanya.

“Wow hiyang hiya naman ako sa 10 subscribers mo! Tapos gumawa ka ng youtube account nung dalawang aso mo para lang magkaroon ka ng subscribers HAHAHAHA. Tsaka kami nila mom at dad rin yung tatlo dun, DUH.” Dinilaan ko nalang sya.

“Nako stop it ha, Akyat na tayo sa taas. Let's go.” Sinunod nalang namin si Mommy.

Nasa hallway kami ng mga kwarto nang may matanaw ako sa malaking bintana.

Niyugyog ko ang kamay ni Mommy na hawak hawak ko.

“Mom!” I looked at her. “Look!” Tinuro ko ang bintana. She did what I was told. Tumingin ako ulit doon pero WALA.

“Ano nanaman ba 'yon baby.” Tanong nya sakin habang binubuksan yung pinto ng kwarto.

“Mommy, ampon lang sya diba?” Singit ni kuya. Hindi ko nalang sya pinansin, tinawanan nya lang ako.

“Pumasok ka nalang sa kwarto mo at matulog ka na rin.” Suway sakanya ni Mommy.

Pumasok narin kami sa kwarto ko at nahiga.

“Goodnight baby.” Mom kissed me on my forehead.

Ilang minuto ang nakalipas ay hindi ako makatulog. Tinignan ko si mommy na katabi ko.

Sana makakita ako ng aliens!

Kumidlat ng malakas at saktong napatanaw ako sa bintana-- TEKA! TAMA BA YUNG NAKIKITA KO?

OOOOMMMAAAYYYGGAAASSSHHH!!

Maingat akong bumangon para hindi magising si Mommy.

Pumunta ako sa bintana at tama nga ang hula ko! Aliens! Hindi kayo nagkakamali ng basa.

Nakalutang sya habang magkatapat kami, Nakataas ang kanan nyang kamay na parang nagpapanatang makabayan hihihi, Ang cutee!!

Lumabas ako sa kwarto, Gusto kong lumabas para mahawakan ko sya!

Nasa hagdanan na ako nang matanaw kong may UFO malapit sa puno kaya binilisan kong maglakad, baka mawala sya!

Binuksan ko ang pintuan at lumabas! Laking gulat ko nang makita ang maraming aliens!

Natigilan silang lahat at nakatingin sila sakin! Para silang naestatwa, Hihihihi ang cute. Kumaway ako sakanila! Hindi parin sila gumagalaw.

Napagdesisyunan kong lapitan sila, Wala akong pake kung mababasa ako sa ulan!

Malapit na ako sakanila nang biglang kumidlat!

Nagliwanag ang buong paligid at hindi ko maimulat ang mga mata ko.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

×××

Thanks for reading!

Savage_Baepsae

Broad AcademyWhere stories live. Discover now