Chapter 2

82 6 1
                                    

Danica's POV

Ilang minuto ang nakalipas na ganon parin ang eksena-- Walang nangyaring kakaiba at Walang gumalaw saming dalawa.

"Sino ka?" Tanong nya sakin.

Ikaw ang dapat kong tinatanong nyan.

"Sino ka?"

Nakipaglabanan ako ng titig sakanya hanggang sa mapukaw ang aming atensyon sa isang pagsabog.

Napayuko ako dahil naramdaman kong yumanig.

Gosh what's happening.

Nilapitan nya ako at hinawakan sa braso, napatingin naman ako sakanya. Biglang parang lumulutang kami kaya hindi ko na nararamdaman yung pagyanig pero yumayanig parin sa paligid namin, gets nyo po ba?

"Danica 'Snow' right?" He asked, Emphasizing the word SNOW, I dunno if it's just me or it's just my imagination na may ibang meaning yung pagkakasabi nya or what, Don't mind me po, HEHE.

"Why?"

"From Tornville, 10 years old, Has older brother, Business-Minded Father, Millenial Mother. Hmm what's more interesting about you? I wonder." Nakakatunaw yung titig nya. Teka--- Nabasa nya ba yung slambook ko? Halahhh o di kaya napanood nya youtube channel ko? Dapat na ba akong magpa-fanmeetingg? Weh?

Umiwas ako ng tingin, hindi ko na kasi matagalan yung titig nya, parang nauubusan ako ng hininga, huminga ako ng malalim at pumikit pikit pa. Hindi ako nagbibiro guys, nahihilo talaga ako--- omygashhh nabuntis nya ba akooooo?!!!!!!! haluhhh crushhh bakettt, kailangan mo 'tong panagutan.

Ganito pala magkacrush, huhu ayaw ko naaa pooo. Napahawak ako sa sentido ko para patahanin ang sarili ko mula sa pagkahilo.

Hinawakan ako ni Angelo sa braso, daglian kong inilayo ang sarili ko, baka madagdagan ng baby ang tyan ko, huhu, sabagay cute rin ang twins-- wait baka maging aliens sila? omygash exciting naman-- pero huhu baka itakwil ako nila mom and dad, mahabang paliwanagan ang mangyayari pag nakabalik ako sa bahay pati narin sa mga subscribers ko, kailangan ko atang mag hire ng sandamakmak na bodyguard, baka dumugin ako ng paparazzi at maging laman ng estasyon ng radyo at tv huhu ano ba yan.

"Are you ok?" Tanong ni Angelo, lalo yata akong nahilo nang narinig ko syang magsalita.

"O-O-Of C-Co-Course." Nahihirapan kong sabi. Tuluyan akong nahilo at napahawak sa ulo ko. Naramdaman ko ang yakap nya sa akin bago tuluyang nandilim ang paningin ko at naging malabo ang pangyayari sa paligid ko.

---

"Danica?"

"Danica?"

"Danica?"

Naramdaman ko ang sunod sunod na pagtapik sa balikat ko kaya daglian akong bumangon. Nilibot ko ang paningin sa paligid dahil sa pamilyar na amoy.

Nadismaya ako nang bumungad sakin ang mukha ni kuya, teka, naguguluhan ako. Panaginip lang ba yung nangyari? Yung aliens? at... si Angelo?

Hindi naman sa ayaw ko dito sa bahay, pero kasi-- ah basta, ang gulo gulo, sana hindi yon panaginip, at higit sa lahat, sana makabalik ako don.

"A-Anong na-nangyari?" Nahihilo ko paring tanong, sakto namang pumasok si mom. May inabot sya saking kulay violet na parang juice. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magtanong, inunahan na ako ni mom.

Broad AcademyWhere stories live. Discover now