Danica's POV
"Anong gagawin dito sa babaeng 'to?" Nagising ang diwa ko nang marinig ang malakas na boses na yun.
"Wag ka ngang maingay, Baka magising sya!" Mahina ang pangalawang nagsalita-- Teka, Hindi pamilyar ang mga boses nila.
"Eh kasi naman, Bakit kasi dinala mo pa dito yan?! Baka magalit si Madam Bertud! Malalagot tayo neto!"
"Malay ko bang maisasama sya? Eh nagtaka nalang ako, kasama na natin sya."
"Ha? Ang gulo mo! Pano mangyayari yon!"
"Slow ka lang talaga!"
"Anong gagawin natin ngayon?"
"Ikaw kasi eh, sabi ko wag mo munang bubuksan yung power nung sasakyan!"
"Eh sumenyas ka kaya!"
"Sumenyas akong wag muna!"
"Tapos sisisihin mo ako?"
"Kasalanan ko bang tanga ka?"
"Kasalanan ko bang tumambay sa bintana?"
"Aba!"
Napamulat ako at umupo mula sa pagkakahiga.
Bumungad sakin ang dalawang-- Teka. Nananaginip ba ako?
Totoo ba 'to?
Nanlalaki ang mga mata ko.
Sinampal ko ang sarili ko.
"Totoo kayo?" Tanong ko sa dalawang kaharap ko na nakahawak sa pisngi ng isa't isa tapos nakaiwas yung mga mukha, para silang nag-aaway.
Umayos sila ng tayo at nagkatinginan silang dalawa tapos binalik ang paningin sakin.
Ang cute! ALIENS sila, Oo! Aliens! Kulay blue at green. Bakit naman kulay blue yung isa?
Yung kulay blue maliit ang mata at matangkad sya, tapos yung kulay green sakto lang ang mata nya tapos di gaanong matangkad.
Tumayo ako at lalapitan sana sila kaso umaatras sila.
"Wag kayong matakot sakin." Sabi ko pero di parin sila huminto sa kakaatras, malapit na ako sakanila nang biglang may pumasok kaya natigilan ako at nilingon ko kung sino 'yon.
Isang tao, Oo, Tao! At lalaki sya-- Teka bakit ganito? Hindi ko maintindihan kung nasaan at kung sino ang mga 'to?
Kung nasa lugar ako ng mga aliens, bakit may tao? Pero kung nasa earth parin ako, bakit may aliens? Nakakalito.
Inilibot nung lalaki ang paningin nya at nahawa rin ako kaya inilibot ko rin ang paningin ko dito sa-- Ngayon ko lang narealize na nasa kuweba kami! Teka--- Bakit nandito kami?
Sa right side ay mga hindi ko maintindihan kung anong mga bagay yan--- May mga nakabote na may laman na color green! Tapos may mga gadgets din at mga monitors. Sa bandang likod ko naman ay maraming pintuan--- Pintuan ba yan? Transparent sya pero wala kang makikita kung anong nasa loob non o ano-- Hanep!
Tapos sa left side ay yung mga--- Wait! Ito ang sure ako! Isa syang living room at ang ganda guys, parang nasa palasyo ka!
Pero napahinto ako sa paglilibot ng paningin dito sa kinalalagyan ko nang may magsalita.
"Uhm, Hi Danica, Okay ka na ba?" Pinagmasdan ko sya. Matangkad sya at matangos tsaka maputi-- Parang Hollywood actor! Bakit may ganitong nilalang dito sa kuweba? Hindi kaya aliens lang 'to tapos nagpapanggap na tao?
YOU ARE READING
Broad Academy
FantasyDo you believe in Aliens? I know it's a fool question. But guess what, They exist; And Danica Snow will prove it. ××× Started : June 7, 2019 Finished : book cover ~ @sarangmii