Chapter 12: My Loves

132 6 0
                                        

Hinihintay ko ngayon si Ruru kasi magtutuitor daw. Maya maya may narinig na akong nag door bell

"Hi R---- Marx?" Sabi ko ng nakita ko si Marx at Ruru

"Hi! My loves. Gusto ko rin makipagtuitor" sabi ni Marx

"Loves mo mukha mo!" Sabi ko at tinignan ko si Ruru. "Ruru pasok!" Sabi ko kaya pumasok siya. Susunod pa sana si Marx ng hinarangan ko siya "At ikaw? Labas!" Sabi ko

"Ganyan mo ba itrato ang taong mahal mo?" Anong pinagsasabi nito

"Anong mahal? Umalis ka na kung ayaw mong buhusan kita ng mainit na tubig" sabi ko

"Oo na. Aalis na ako" walang tonong sabi niya. Masyado ba akong naging masama. Kaya siya nalungkot

"Tuitor na" sabi ko

At tinutuitor ko na siya. Matapos ito nagtanong siya

"Wala ka ba talagang gusto kay Marx?" Tanong ni Ruru

"Ako? Magkakagusto sa isang masamang gaya niya? No" sabi ko

"Di mo alam ang mga pinagdadaraanan ni Marx. Glaiza. Kaibigan ko siya kaya alam ko kung ano siya" sabi nya

"Pinagsasabi mo?" Sabi ko. Kasi literal na naguguluhan na ako

Lumapit siya sa'kin. Sobrang lapit

"Wala ka bang napapansin kay Marx?" Tanong niya sakin

"Wala"

"Tsk." Sabi niya. Anong problema nito "Hindi kasi yan yung point!" Sabi niya. At umalis na

Wow huh. Siya pa ang galit

T A D H A N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon