Pagpasok ko sa kwarto. Napasandal ako sa pintuan. Tsaka huminga ng malalim"Ano bang kahihiyan ang ginawa mo sa sarili mo Glaiza" sabi ko sa sarili ko. Buti nalang may towel ako habang hinahabol si Kenshin. Baka mapagkamalan pa akong nakakain ng flakka (flakka is the newest drugs)
Nagdamit na ako. Nagsuklay, nagpulbo. Tapos
Pagkatapos ko bumaba na ako. At may nakita akong pizza. Kaya binilisan kong bumaba at kumuha ng pizza
"Mama! Hindi naman kabilang si Glaiza kumain dito ah" sabi ni Kuya pero di ko ito pinapansin. Ang sarap kaya ng pizza
"Hayaan mo na yang kapatid mong matakaw" sabi ni Mama kaya nagtawanan silang lahat. Mama huh. Akala ko ba kakampi kita
"Mama naman" sigaw ko na mas nagpalakas ng pagtawa nilang apat
"At kayo anong tinatawanan niyo? Tanong ko sakanila
"Edi ikaw" sabi ni Ruru
"Wala kang review mamaya" sabi ko at kumuha ako ng anim na piraso ng pizza at pumunta sa taas
"Glaiza! Yang pizza!" Sigaw ni kuya
"Ako ang nagbayad nyan kaya ibaba mo na" sigaw naman ni Marx
Ayoko nga. Pumunta na ako sa kwarto ko
At tsaka kumain ng pizza. Ewan ko ba kapag kaharap ko talaga si Marx para akong sinasaniban ni Lucifer makakain na nga lang