Chapter 6

0 0 0
                                    

Naging komportable at kalmado na ang buhay ni Karlesh. Wala na siyang pino-problema lalo na doon sa stalker niya kasi tapos na iyon. Sembreak nila kaya napagdesisyunan niyang magbakasyon sa beach resort na sinuggest sa kaniya ng Kuya Karlo niya.

Kakarating niya palang dito and she can say na maganda at peaceful talaga yung awra ng lugar. Actually, hindi talaga ugali ni Karlesh na magbakasyon kaso gusto niyang libangin ang sarili dahil wala si Enrico at baka mamiss niya lang ito. Hindi niya alam kung kelan sila ulit magkikita ng kasintahan kasi busy ito sa work niya sa ibang bansa.

Nakahanap na kasi ng trabaho si Enrico doon.

Dahil tinatamad pa si Karlesh na ipasyal ang sarili niya sa beach resort na iyon ay kontento na siyang humiga nalang sa loob ng bungalow na ni-rentahan niya.

Nakahiga siya sa duyan sa labas ng bungalow niya while enjoying the beautiful view of the resort.

"Karlesh?"

Napatingin siya sa gawi kung saan narinig niya ang boses at nakita niya doon si...

"Gilbert? What are you doing here?"

Hindi siya makapaniwala na andito rin ang binata. Anong ginagawa niya dito? Grabe naman ata ang tadhana kung kasama niya pa ito sa isang resort.

Karlesh's P. O. V.
Gulat na gulat pa rin ako at hindi makapaniwalang nandito kami sa iisang resort ni Gilbert. Sa dinami-dami ng resort dito sa Pilipinas bakit dito pa niya naisipang magbakasyon? Masisiraan ata ako ng ulo, mygosh!

So ayun nga, magandang ideya din naman na nasa iisang resort kami kasi wala akong kakila-kilala sa resort na ito.

Inaya akong maglibot-libot ni Gilbert sa resort kaya eto kami at naglilibot. 6pm na kung kaya't medyo malamig na. Sana pala hindi nalang ako nag two-piece neto. *pout* Naka-two piece kasi ako tapos nagsuot nalang ako ng maong shorts.

Kanina nga eh ayaw pa ni Gilbert yung suot ko at gusto niyang palitan ko daw kaso matigas ang ulo ko. Feel na feel ko kasi mag two-piece. Whaha! Pero ngayon pinagsisihan ko na, nilalamigan na ako eh.

"Sabi kasing magsuot ka ng damit kanina eh, ayan nilalamigan ka tuloy." Komento ni Gilbert sa naiinis na boses. Naiinis nga ba o sadyang feeler lang talaga ako?

"So anong tingin mo sa suot ko ngayon?" Tiningnan ko siya ng masama. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa pagtitig niya.

"Hindi yan damit. It's a piece of bra and a panty. Sinuotan mo lang ng super short maong shorts." Napa-tsk lang siya nung sabihin niya yun.

"It's not a panty and a bra! It's a two-piece!" Pagko-korek ko sa kaniya. Totoo naman kasi.

"Whatever you call that, it's still a panty and a bra for me." Sambit niya at nagpatuloy lang sa lakad niya.

Niyakap ko nalang ang sarili ko at sumunod nalang sa kaniya. Umupo siya sa isang malaking bato malapit sa dagat kaya napaupo rin ako sa tabi niya.

Hindi kami nag-uusap na dalawa. Tsaka, malayo din kasi ang tingin ng kasama ko. Anong problema nito?

Dahil nga malayo ang tingin ni Gilbert ay sinamantala ko na ang pagkakataon para matingnan ang mukha niya.

Well, hindi ko maipagkakaila na gwapo nga siya. Matangos ang ilong niya, he also have this lips like Robert Pattinson, mahahaba din ang pilik-mata niya, nahiya tuloy yung pilik-mata ko sa kaniya.

"Done checking me out Karl?" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakaka-gulat naman 'to. Di pa nga ako tapos titigan siya eh... Hahahah djke😂

"I'm just looking at your ugly face. Kamukha mo pala yung aso nung pamangkin ko. Pangit mo kasi, mukha kang aso." Well, i'm just lying nung sinabi ko yan, alangan namang sabihin kong nagwa-gwapuhan ako sa kaniya. Duhh...

Tinawanan niya lang ako at may binulong... Kaso di ko maintindihan.

"Anong binu-bulong-bulong mo diyan?" Napataas ang isa kong kilay. Binigyan ko siya ulit ng deathly glare.

"Wala, nasabi ko na kaya ayaw ko na ulitin. Sa sunod kasi, makinig ka ng mabuti eh."

Napaka-arte talaga ng lalaking 'to. Makinig daw ng mabuti pero binulong niya lang. Ang labo din niya eh.

Habang nakaupo kami dun sa malaking bato ay nilalamig pa rin ako. Grrr! Ba't ba ang lamig?

"Tss." Hinubad ni Gilbert ang shirt niya. What the! Ba't magboborles 'to?

"Oh suotin mo," binigay niya sa'kin ang shirt niya then tumayo siya papuntang dagat at naligo.

Tinitingnan ko lang siya habang ini-enjoy niya ang tubig. Seriously? Hindi ba siya nilalamigan?

Naawa naman ako dahil nag-iisa lang siya dun sa dagat kung kaya ay hinubad ko ulit yung damit niya at sumunod sa kaniya.

Lumangoy ako papunta sa kung nasaan si Gilbert. Nang makalapit na ako sa kaniya ay napakapit ako ng mabilis sa kaniya kasi malalim pala dun. Uh.. Hindi kasi talaga ako marunong lumangoy. Fck!

Nagulat ata si Gilbert sa pagkapit ko sa kaniya kasi para siyang na-glue.

"Di ka pala marunong lumangoy, pumunta ka pa dito."

Para na akong mapapaiyak sa sinabi niya kaya napatungo nalang ako. Ba't ba bigla nalang siyang parang naging cold sa'kin?

"B-ba't k-ka umiiyak?" He cursed under his breathe then pinahiran niya yung mga luhang pumatak sa pisnge ko. Iginiya niya ako sa part ng dagat na abot ko. Hanggang leeg ko ang lalim nun kaya kaya ko nang tumayo.

Gayunpaman, hindi pa rin ako bumibitiw sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit parang ayaw kong bumitaw sa pagkakahawak ko sa kaniya. Gosh!

"So-sorry na Karlesh, hindi ko naman gustong paiyakin ka eh."

Niyakap niya ako after that. Why is it that my heart is beating so fast? Siguro dahil natakot ako kanina nung sigawan niya ako. Huhu.

Humihikbi pa rin ako sa balikat niya.

Hindi ako naka-imik nung gumalaw ang ulo niya at hinalikan ako sa noo. Napatingin ako sa kaniya after niya akong halikan. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Is he going to kiss me? Napalunok ako sa isiping iyon.

Napapikit nalang ako. Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at pumikit ako. Hinihintay kong makalapit ang mga labi niya sa labi ko.

Aarghh! Namamanyak na talaga ako!

-----
Third Person's P. O. V.
Nang maka-isang minuto na ay napamulat si Karlesh ng mga mata niya. Disappointment is written all over her face. Kahit i-deny niya iyon sa sarili ay alam ng puso niya na umaasa siyang halikan ni Gilbert kanina.

"Tara na, inaantok na ako eh."

Nag-iwas ng tingin si Gilbert sa kaniya. Alam ng nasa taas na grabe ang pagpipigil niya kanina para hindi lang mahalikan si Karlesh. Even if he wants to, he needs to respect Karlesh.

Nang makaahon sila ay dinampot niya ang t-shirt niya at binigay iyon kay Karlesh. Pero nagulat ang binata nang itapon ng dalaga ang t-shirt sa mukha niya.

"What is wrong with you?! Ako na nga itong binigay ang t-shirt sa'yo para maisuot mo at hindi ka malamigan tapos itatapon mo pa!" Singhal niya sa dalaga. Hindi niya sinasadyang singhalan ito. Yun lang ang lumabas sa bibig niya.

Napatahimik saglit ang dalaga, hindi niya inaasahan iyon.

"What is wrong with me? Huh? Really? You're asking me that question? Well, for your information, it's not me, it's you! You know why huh? Kasi ikaw tong naglapit-lapit ng mukha mo sa pagmumukha ko! Alam mo yung salitang paasa? Ikaw yun eh! Ikaw yun! Paasa kang hahalikan mo ako yun pala hindi naman! Ako pa ang napahiya sa ginawa mo kasi may papikit-pikit pa akong nalalaman! Tapos yun pala, trip mo lang talagang ilapit 'yang panget mong pagmumukha sa mukha ko! Paasa ka! Gag*!"

After na sabihin yun ni Karlesh ay natauhan ata siya at nahiya sa sinabi kung kaya ay mabilis siyang tumakbo sa bungalow kung saan siya namamalagi.

Nang makaabot na si Karlesh sa tinutuluyan at ini-lock ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon