Chapter 4

4 2 1
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay. Hinihintay ko si Enrico na dumating. Nag-aya kasi siyang mag-dinner date ngayon.

Maya-maya lang, there's this white car na nag-stop sa harapan ko. I know that it's not Enrico's kasi black yung kulay ng sasakyan niya. Hindi ko rin maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil tinted iyon. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Nakuha ang atensyon ko nang may dinikit na sticky note doon sa bintana ng kotse.

"Be careful while you're with Enrico's company, sweetheart. Mamahalin pa kita kaya mag-ingat ka palagi.

-G.A."

Nag-umpisang magsitaasan ang mga balahibo ko. What was that? Bakit ako kinakabahan? Umalis na din yung sasakyan after nun. Titingnan ko pa sana yung plate number kaso mabilis ang pagpapatakbo niya nung kotse kaya hindi ko na makita.

Hindi pa rin ako mapakali sa nangyari. Takot ako. Ni-hindi ko alam kung sino yung taong iyon. Una, text message. Tapos ngayon ito naman. Kinakabahan na talaga ako sa taong ito. Gosh!

"Babe!" Nagulat ako nang makita si Enrico sa harapan ko. Sa sobrang gulo ng isip ko ay hindi ko na napansin na dumating na siya.

"Babe!" Niyakap ko siya after that. Feeling ko kasi sooner or later ay may mangyayaring masama. Hindi ata matatanggap ng sistema ko iyon.

"May problema ka ba Babe?" Tanong niya sa'kin. Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo, sinabi ko lang na namiss ko siya. Pumasok na din kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag drive.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ewan ko ba, parang wala na ata akong gana para magsalita.

Hinagilap ko ang phone ko tsaka nag-open ng messenger. Hinanap ko iyong convo namin ni Kuya Gilbert, hindi kasi ako mapakali kapag wala akong pinagsasabihan ng problema ko.

Karlesh Isabelle Suazon: Kuya Gilbert...

Online si Kuya Gilbert kaya alam kong icha-chat niya ako.

Gilbert Antonio: Na-miss mo ako bebe gurl?

Napangiti ako sa reply niya. Hays...

Karlesh Isabelle Suazon: Hindi noh! Nakakainis ka naman eh!

Gilbert Antonio: Haha. Text nalang kita bebe gurl, tadtad kasi messenger ko sa chat ng mga chix. Alam mo na, gwapo kasi ako eh. Text nalang kita. Wait lang.

Ini-off ko data ko after that, kasira talaga ng modo si Kuya Gilbert eh.

Maya-maya pa ay na-receive ko na iyong text ni Kuya Gilbert. Sinave ko muna yung number niya sa contacts ko.

From: Kuya Gilbert
   Bebe Gurl, may problema ka ba?

To: Kuya Gilbert
   Meron Kuya 😞 There's this guy kasi na nagpaparamdam sa'kin. Kinakabahan na'ko.

From: Kuya Gilbert
   What? Paano?

To: Kuya Gilbert
   May gusto daw siya sa'kin. Ay, mahal niya ako daw. Tapos sooner or later magiging boyfriend ko na siya. Kinakabahan talaga ako Kuya.

From: Kuya Gilbert
   Hmm... So why are you afraid? He told you that he loves you so I know he won't do something that can hurt you.

To: Kuya Gilbert
   Ehh! Kasi naman Kuya! Mahal na mahal ko si Enrico.

From: Kuya Gilbert
   Yeah, I know. Wag mo na sabihin, nasasaktan ako.

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon