Chapter 5

1 1 0
                                    

It is Enrico's graduation day. Masayang-masaya si Karlesh dahil ga-graduate na ang kasintahan at cum laude eto. Pagkatapos ng graduation kanina ay sa bahay na nila Enrico sila dumiretso dahil may handaan doon.

Pagkatapos kumain nina Enrico at Karlesh ay inayang sumayaw ni Enrico si Karlesh. Eksakto namang pagka-tayo nila sa dance floor ay 'A thousands years' ang tumugtog na music, at ang paboritong kanta din ni Karlesh.

Enrico smiled sweetly to Karlesh, same as Karlesh.

Karlesh's P. O. V.

"Sa almost 5 years nating magkasama ay tinuruan mo akong magmahal Babe, " nabigla ako nang biglang magsalita si Enrico habang sumasayaw kami.

I looked at his eyes. Naghihintay sa mga susunod niyang salita.

"Alam kong hindi ako perpektong boyfriend para sa'yo. I tried my best to be a perfect boyfriend. Ginawa ko ang lahat para hindi ka mawala sa'kin, para hindi mo ako pagsawaan, para hindi mo ako ipagpalit sa iba, " humugot siya ng malalim na buntong hininga, "I did my best. I studied very well para makapasa ako sa kursong kinuha ko at mapatunayan na kaya kitang bigyan ng magandang kinabukasan. Na kaya kitang alagaan. Na kaya kong buhayin ka. At para maging proud ka sa'kin...
.
.
.
Ngayong naka-graduate na ako at kaya ko nang makahanap ng magandang trabaho, gusto ko lang siguraduhin bago ako umalis papuntang ibang bansa para makahanap ng trabaho na may babalikan pa rin ako," hindi yata ma-sink in sa'kin ang lahat ng sinabi ni Enrico kung kaya't napatulala ako at walang lumabas na mga salita sa bibig ko.

My gosh, what is this? What is he doing?

"Karlesh Isabelle Suazon, will you marry me? Will you let me to be the man at your side forever? Will you be the Mrs. Karlesh Isabelle Legaspi?" Napanga-nga ako sa mga narinig kong mga salita. Hindi ko alam kung anong isasagot at kung ano ang tamang desisyon.

Yes, we're in a relationship for almost 5 years but that doesn't mean na kami na talaga dapat forever.

Wait, what? Anong sabi ko? Fck! I can't think properly! I love Enrico!

"I-it's a yes Enrico."

Third Person's P. O. V.
Masaya ang lahat ng tao sa nasaksihan. Lahat nga ba  o merong isang tao na hindi matanggap and nangyari?

Kasabay ng mga nagtutuwaan ay ang pagtangis ng langit, at kasabay nun, ay ang pagtulo ng luhang hindi niya inaasahan.

Umalis siya sa bahay ng mga Legaspi dahil baka may makasaksi pa sa pag-iyak niya. Hindi niya pansin ang malakas na buhos ng ulan. Takbo lang siya ng takbo.

-----
Karlesh's P. O. V.
Andito ako ngayon sa restaurant ni Kuya Karlo. Niyaya niya kasi ako ngayon na mag-dinner date kasi miss niya na'ko. Pssh! If I know, may kelangan nanaman siguro yun sa'kin.

Ewan ko din ba kung bakit naka-VIP room pa kami ni Kuya, eh noon hindi, kuripot kasi yun.

Napatingin ako sa kakabukas lang na pinto at nakita ko doon ang taong matagal ko nang hindi nakita. I felt something strange on my belly. Ba't kumakalam ata 'to? Hindi pa naman ako gutom ah?

"'Asan si Kuya Jerome? Ha Gilbert?"

Hindi ko na siya tatawaging Kuya kasi bakit pa diba? Eh hindi nga kapatid turing niya sa'kin.

"It's really me who you are having dinner tonight Karlesh."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano nanamang kagag*han ang trip nito?

"And i'm here to apologize. Hindi ko naman gusto talagang ipagsiksikan ang sarili ko sa'yo kahit na mahal kita eh."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Wtf! Ba't ba uminit bigla 'tong room na 'to? Sira ba aircon neto? Aishh!

"Kung ano man ang nagawa ko, patawarin mo na sana ako. Hindi ko naman iyon intensyon eh."

Buti at inaamin na niya 'iyon'. Nahihiya siguro siya kung kaya'y hindi niya masabi ang kagag*hang ginawa niya.

"Please, accept my apologize. And I will be very happy kung mababalik pa yung closeness natin dati."

He sounds so sad. Nararamdam ko iyon. Ewan ko ba pero parang wala namang inis na nabuo sa akin towards Gilbert. Its just that, why would he do that? Pwede namang itapat niya naoang sa'kin tutal wala naman siyang hiya diba?

"Umupo ka na nga dito, hindi ka ba napapagod kakatayo diyan?"

Noong sinabi ko iyan ay napangiti si Gilbert at mabilis na naupo sa harapan ko. Napa-roll eyed nalang ako. Akala siguro niya pinapatawad ko na siya. Well, hindi pa kami bati, di kaya niya ako sinuyo noong nagalit ako sa kaniya. Tss!

Suyo? Wtf Karlesh? Saan nanggaling yang salitang yan?

Whaaaaa! Nasisiraan na ata ako ng bait! Huhu.

"I also want to congratulate you and Enrico. Engage na pala kayo."

Napatingin ako sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa at nakita ko ang singsing na binigay ni Enrico. Pinakatitigan ko iyon...

Fck! Ewan ko ba pero parang hindi ako masaya sa isiping magpapakasal ako sa kaniya after ng graduation ko. 4 years from now.

Napag-desisyunan kasi ni Enrico na after ako grumaduate kami magpapakasal. At yun ang hindi ako masaya dahil gusto ko pang maging isang lawyer after kong grumaduate. Eh kung magpapakasal kami baka di ako pagtrabahuhin ni Enrico. Huhu.

Oh? Akala niyo hindi ako masaya dahil magpapakasal ako kay Enrico noh? Duhhh! Masaya kaya ako kasi magpapakasal kami ng taong mahal ko. Mahal na mahal ko si Enrico.

"Thank you Gilbert."

Nginitian ko siya after that. Nag-umpisa na din kaming kumain ng dinner.

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon