Nakakapagod marinig ang salitang 'Mahal Kita'
Nakakapagod marinig na sa ilang ulit na binabanggit, hanggang salita lamang sila
Nakakapagod marinig na sa araw araw niyang bukambibig, di mo maramdaman sa kilos at gawa
Nakakapagod marinig na ang dapat magbibigay seguridad sa nararamdaman niya ang siyang dahilan upang ikaw ay magduda
At mas lalong nakakapagod marinig, datapwat isang musika sa mga tenga ay sa halip nagiging bangungot na magwawakas sa kung anuman ang meron kayong dalawa
Sa inyong dalawa na walang kasiguraduhan na kung may 'kayo' nga ba talaga
Dahil sa kahit na pa ulit ulit niyang hinuhuni ang salitang 'Mahal Kita' , hindi niya naman opisyal na itinanong sayo ang mga salitang 'pwede bang akoy sayo at ikay akin na?'
**************
Hahahaha NBSB po ako pero MU MU lang meron hahhaha
BINABASA MO ANG
100 na Tula para SAYO
PoetryIto ay ang aking mga tulang ginawa nang taos sa aking puso di man po ganun ka talinghaga or kaganda pero sana po ay inyong tangkilikin at basahin un lang po... Salamat po.. Hakhak Lablab