AKO ay naghanda ng puting tarheta,sa gitna’y may pusong mapulang-mapula;ito’y kasimputi ng aking panata,ito’y kasindugo ng aking pagsinta.MAY lunti pang lasong dito’y nakakabit,kulay ng pag-asa’t aking pananalig;ang laman ng diwa’t kumakabang dibdibay nakalimbag ding mga gintong titik.AKING isinulat ang iyong pangalangsingyumi’t sintamis ng iyong kariktan;nilagdaan ko rin ng aking palayawna nasa bigkas mo kung may kabuluhan.PARANG puso ko rin — huwag kang mamangha —ito’y hindi biro, ito’y hindi daya;ang inaasam ko ay puso ring sutla,sa pag-asang yao’y puso mong dakila.Sa araw ng puso — nasa kalendaryo —pusong pulang sutla ay para sa iyo;alin pa ang langit kapag nanaganosa rosas mong labi’t dibdib na mabango.Sa masayang araw at hanging maaya,ang sinugong puso’y sasaiyong ganda;ito’y magsasabing sa tuwa at dusa,ang “Valentine” ko’y ikaw — walang iba!........
BINABASA MO ANG
100 na Tula para SAYO
PoetryIto ay ang aking mga tulang ginawa nang taos sa aking puso di man po ganun ka talinghaga or kaganda pero sana po ay inyong tangkilikin at basahin un lang po... Salamat po.. Hakhak Lablab