Ilang araw buwan taon ang lumipas subalit pagmamahal ko'y kailan man di kumupas dahil hbang may liwanag ang bukas ika'y patuloy na mamahalin ng wagas.
Maraming beses narin luha'y nasayang marahil sa labis na kalungkutan dala ng damdaming di ko masilayan magmula ng maputol ating pagkakaibigan
Kaibigan na iba ang kahulugan yun ang mahalin ka ng di mo nalalaman dhil sa natatakot baka ika'y lumisan hudyat upang ako'y balutin ng kalungkutan
Dumaing ang panahon, tayo'y muling nagtagpo bawat oras, segundo'y huminto dhilan para tumakbo palayo epekto nitong pusong nalilito
Dhil sa tuwing kausap at iniisip ka puso ko'y wlang pasidlan ng saya at parang walang problemang dinadala dhil lahat kay gaan, kung ikaw ang kasama
Kaya't labis akong masasaktan kung ika'y lalayo ng tuluyan at higit akong manghihinayang kung walan ka na dito sa kanlungan
Oo nahihirapan ako,pag iba ang kaharap mo OO nagseselos ako sa tuwing sila kasama mo ngunit ano ang magagawa ko kung mhal kita ng todo
At Oo nasasaktan ako sa tuwing makikita iba ang kasama tila aliw ka'y saya subalit sa loob looban ko sinta?
Gusto kitang hatakin palayo sa kanilaGusto kitang ipaglaban ngunit ano ang aking karapatan isa lamang akong hamak na kaibigan na nais kang makamtan
Kaibigan na lahat gagawin upang ika'y mapangiti at ako'y mapansin Kaibigan na handang ialay ang pagmamahal na di nila kayang ibigay
At Kaibigan na handang sa iyo'y ilaan mahalin mo lang nang walang alinlangan pagibig na walang hanggan sa aking mo lang mararanasan
Lahat ng aking tinuran pawang katotohanan at handa kang alagaan at ingatan kaya't mahal wag nang mag alinlangan
Kahit di mo kausapin at pansinin malayo man ang pagasa gaya ng bituin..
IKAW AT IKAW PARIN ANG SIYANG MAMAHALIN ^ ^
^^^^^^^^^^^^^^
SAWI ANG ATENG NYO PAGPASENSYAHAN NYO NA..
LABLAB
BINABASA MO ANG
100 na Tula para SAYO
PuisiIto ay ang aking mga tulang ginawa nang taos sa aking puso di man po ganun ka talinghaga or kaganda pero sana po ay inyong tangkilikin at basahin un lang po... Salamat po.. Hakhak Lablab