Chapter 6

1.5K 27 1
                                    

XIANA'S POV

In the past...

"Kuya! Laro tayo!" Hinawakan ko ang kamay ni Kuya at hinilahila ko ito.

"Xia, mamaya na. May ginagawa pa ako." Sabi ni Kuya habang nagda-drawing sa kaniyang table. Napanguso ako.

Ano ba yan. Simula na nung naging high school si Kuya Xavier nagiging busy na siya. Kaya wala na siyang time na makipaglaro sa akin. Kung hindi tungkol sa school ang pinagkaaabalahan niya, mga kaibigan niya naman ang kasama niya.

Lumungkot ang mukha ko at naglakad na lamang ako palabas ng bahay na mag-isa. Ang boring dito sa bahay, wala na kasi akong kalaro.

Napatingin ako sa bagong kapitbahay namin na naglilipat ng mga gamit nila sa bahay. Mayroong truck sa harap ng bahay nila. Lumakad ako palapit sa may edad na babae. Inuutusan niya ang mga lalaki na bumubuhat ng kanilang mga gamit. Siguro siya yung may-ari.

"Excuse me, Miss. Ako pala si Xiana! Kapit bahay niyo po ako!" Masigla kong sabi sa kaniya at binigyan ko siya ng matamisngiti.

Nung nakita ako ng babae, ngumiti din siya pabalik sa akin at lumuhod siya para magkapantay kami. "Hello little girl! Ako naman si Hera. Tawagin mo na lang akong Tita Hera. Ikinagagalak kong makilala ka, Xiana."

Ang bait niya! Ang ganda niya pa. Pero sa palagay ko American siya dahil kulay asul ang mga mata niya.

"Tita, American ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"I'm half-american."

"Hala! Astig! Buti pa po kayo may lahing iba. Ako naman, pure Filipino." Yumuko ako dahil sa lungkot.

"Oh? Anong problema dun? Maganda kaya ang mga dugong pilipina." Hinimas himas niya ang buhok ko.

"Gusto ko din po kasi magkaroon ng ibang kulay na mata! Katulad po ng sa inyo!" Tinuro ko ang mga bughaw niyang mga mata. Natawa naman siya sa akin.

Naistorbo lamang ang pag-uusap namin nung lumapit ang isa sa mga lalaking bumubuhat ng mga gamit.

"Miss, saan po ito ilalagay?" Tanong nito kay Tita Hera habang may buhat siya isang maliit na cabinet.

Tumayo naman si Tita at nagpaalam siya sa akin dahil may gagawin pa siya. Ngumiti lamang ako at kumaway ako sa kaniya. Nung dumaan ako sa gilid ng truck napatigil ako sa paglalakad dahil may narinig akong boses ng lalaking bata na kumakanta habang sinasabayan ito ng gitara.

"And it's dark in a cold December, but I've got you to keep me warm

If you're broken I will mend ya and keep you sheltered from the storm that's raging on, now"

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng kaniyang boses. Ang ganda nitong pakinggan. Parang tumigil ang mundo ko dahil lang sa boses na iyon. Mabagal akong lumakad palapit kung saan galing ang boses na iyon.

"I'm out of touch, I'm out of love

I'll pick you up when you're getting down

And out of all these things I've done, I think I love you better now"

Huminto ako sa harap ng entrance ng truck. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakaupo sa dulo ng truck habang naggi-gitara. Napangiti ako nung nakita ko siya.

Ang gwapo niya! He has dark brown eyes, messy hair, and a pinkish lips. Nakangiti pa ito habang kumakanta.

"I'm out of sight, I'm out of mind

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon