Chapter 12

1.2K 24 2
                                    

XIANA'S POV

"Xia, are you okay?" Tanong sa akin ni Pierce. Napaharap ako sa kanya.

"You're spacing out. Kanina pa kita tinatanong kung ano yung problema mo." Nag-aalalang sabi ni Pierce. Hinigpitan ko ang paghawak sa cup ng coffee ko.

Kanina pa pala ako tinatawag ni Pierce, na konsensya tuloy ako. My mind is somewhere. Hindi ko pa kasi nakikita si Zander pagkatapos ng nangyari sa camp namin. I told him to stay away from me pero bakit hinahanap ko pa din siya?

"I'm sorry, Pierce." Paghingi ko ng paumanhin sa boyfriend ko na walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari sa akin.

"Sorry for what? What's bothering you, Babe?" Tanong niya sa akin.

"It's nothing." Binigyan ko siya ng ngiti na nagsasabing huwag siyang mag-alala. Kahit hindi siya nakontento sa sinabi ko pinili niya na lang na palitan ang topic.

"You know what, I rejected the offer of my parents na mag-aral ako sa California." Sabi niya na nagpagulat sa akin.

"What? Why would you do that?"

It's California! Mygosh! Marami kaya ang nangangarap na makap-aral sa ibang bansa and this man just rejected that offer.

" Ayokong iwan ka." He said then he took a bite on his hamburger. Sandali akong tumitig sa kanya. He rejected it because of me. He deserved that offer but I'm the one who is stopping him and I feel guilty about it.

"Pierce, it's a great offer. Sayang yun. Are you really sure that you don't want to go to California?" Sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"It's really a great offer but I can't be happy there if you're not beside me." Sabi niya. Now I am really guilty.

Pierce is a good guy, an amazing boy actually. Kind, gentleman, talented, responsible, and any characteristics of a perfect guy. He deserves someone better. It's funny to think that I'm the girl he chose, the unperfect girl... a cheater. I also sometimes think that I am Cinderella because I captured the heart of the prince charming. But I'm a bad Cinderella, because I am secretly hurting him.

"Pwede naman tayo mag video call eh." Sabi ko sa kanya.

"Iba pa rin kung in person. Babe, relax. I chose that decision and I am contented on what I have decided." Ngumiti siya sa akin at pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. I guess I can't stop him then.


Band practice namin pero ni isang pagbati o salita mula kay Zander ay wala akong nakuha. Kahit isang sulyap wala. He really followed what I told him which is to stay away from me.

Tss, bakit ba ako nagrereklamo eh ito naman ang gusto ko diba?

"Xia, maghanda ka naman ng pagkain oh." Utos sa akin ni Ash. Aba! Ginawa pa nila akong utusan ha.

"At sino ka naman para utusan ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kuya mo. Kaya maghanda ka na!" Ngumisi pa siya sa akin. Eh kung siya kaya ang maghanda? Umiiral na naman ang pagka-spoiled niya, tss, palibhasa kasi wala si Ate Ashe ngayon.

"Maghanda ka mag-isa!" Sabi ko sa kanya.

"Tss, tutulungan ka naman ni Zander eh. Zander! Tulungan mo si Xia maghanda ng pagkain." Tinawag niya si Zander na nagpla-placking sa gitara niya. Pahamak talaga itong si Ash! Kita niya naman na hindi kami nagpapansinan ni Zander ngayon.

"Bakit siya?" Kunot noong tanong ko kay Ash.

"Eh sino ang tutulong sayo? Wala naman ang boyfriend mo dito, wala naman si Hunter at Zeke, wala rin si Baby Ashe ko dito." Sabi niya habang tinitingnan ang paligid. Lumabas sandali sina Zeke, Pierce, at Hunter dahil nasira ang string ng bass guitar ni Zeke kaya nagpasama itong bumili.

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon