Chapter 20

1K 17 3
                                    

XIANA'S POV

"Ash! Nakita mo ba si Zander?" Tanong ko kay Ashton.

"Hindi eh. Akala ko ba magkasama kayo?" Sabi niya sa akin.

I'm starting to get worried. Zander didn't text me last night at hindi niya rin ako sinundo kaninang umaga. Nakakapanibago dahil dapat sinusundo at tinetext ako nito. Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya ito sinasagot.

After we went home from America madalang niya na akong kinakausap at pag magkasama kami parati siyang wala sa sarili.

"No, kanina ko pa siya hindi ma contact and he didn't fetch me this morning."

"Baka napagod na siya." Sabi ni Hunter habang nililinisan ang piano niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Siniko naman siya ni Ash kaya napatingin ito sa akin. Nung nakita niya na ang sama ng tingin ko sa kaniya ay itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay.

"Biro lang. Mahal ka nun. Baka may ginawa lang." Palusot niya.

Pero paano kung tama ang sinabi niya. Paano kung napagod na sa kakahintay si Zander na sagutin ko siya? Ayaw pa naman nun na pinaghihintay.

"Xia, huwag kang mag-alala baka may ginawa lang si Zander. Pine-pressure pa siya ng papa niya." Sabi ni Ash kaya napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean? Pinepressure ng papa ni Zander si Zander? Bakit?"

Nagtinginan silang tatlo at ang sama ng tingin nila kay Ash. Tinakpan ni Ash ang bibig niya at huli niya na lang napagtanto ang lumabas sa bibig niya. "Ash! Anong ibig mong sabihin?!"

"Ah, ano kasi--" Magpapaliwanag pa sana si Ash nang biglang bumukas ang pinto ng aming condo at pumasok doon si Zander. Parang nakalimutan ko ang lahat ng pangungulila ko dahil sa pagdating niya. I missed him!

"Zander!" Masaya akong tumakbo papunta sa kaniya pero napatigil ako nung lumabas mula sa likod niya si Veronica. Papaano? Akala ko matagal pa ang pagbabalik niya?

"Hi guys!" Masayang bati sa amin ni Vernica at kumaway ito sa amin.

She looks different from the last time we saw her. She looks paler and she's wearing a sweater. Sa pagkaalala ko ladlad siya manamit. Lumipat ang tingin ko kay Zander. Pero umiwas lamang siya ng tingin sa akin. Zander, anong nangyayari?

"Just sit there Veronica. Magpa-practice lang kami sa loob." Sabi ni Zander kay Veronica.

"But, Honey, I want to watch you." Pagrereklamo ni Veronica.

"We don't allow someone to watch our practice." Malamig na sabi ni Zeke sa kaniya. Knowing Zeke, he always have the final say.

"But, Honey! I want to hear you sing." Nag pout si Veronica sa harap ni Zander. Tahimik lang kaming nakatingin sa kanilang dalawa.

"Fine. You can watch." Zander gave up.

Napasinghap kami dahil sa sinabi ni Zander. We don't allow anyone to watch our practice! Binalaan kami ni Ate Ashe dahil baka ma-videohan kami nito.

"Zander! Bawal yan! Pag nalaman ito ni Heather. Baka magalit yun." Sabi ni Hunter kay Zander.

"She will be my fiancé Ash, payagan na natin." Sabi ni Zander.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. He's now claiming her as his fiancé. What the hell happened, Zander?

"Bullshit! Why do you even want to watch us? Can't you just wait for the concert?" Nilapitan ni Zeke si Veronica.

Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. He gruffly grab Veronica's wrist and he raised the sleeves of her sweater. Napasinghap kami nung nakita namin na meron siyang benda dito.

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon