David is my Boss

15 0 0
                                    





Sam's Pov

So eto na nga nasa elevator na kami ni ly (carly)

Sa wakas naka labas na kami ng elevator jusko kahilo di kasi ako sanay e hahaha

"Good morning maam carly" sabi ng staff

"Ay wow pak na pak" sabi ko

"Loko hahaha"sabi niya

Kumatok na si carly sa isang napakalaking pinto na akala mo buong tao sa pinas ang papasok, siguro mataba tong shota si ly, di ko pa kasi nakikita yun e

"Come in" sabi nung jowa niya

"Good morning babe" sweet na sabi ni carly sabay beso

"Good morning" sabi nung babe ni carly, mukhang masungit tong magiging amo ko ah

"Babe, si Sam nga pala, siya ung sinasabi kong bestfriend ko na magaapply" sabi ni ly

"Uhm good morning po" sabi ko

" ohh okay sige start na ba tayo sa interview?" Sabi ni boss

"Sure, bili lang ako ng snacks, mabilisan lang naman diba?"

"Yeah, sige ingat ka ah"

"Bye. Goodluck gabi" sabi ni ly

Tumango nalang ako sa kanya at umupo na sa upuan. Alangan naman sa sahig hahaha

"Sooo, wala ka pang experience?" Sabi niya, hawak nya kasi yung mga papel na bitbit ko kanina at may binabasa

"Syempre single po ako e hehe tsaka bata pa po" sabi ko

Grabe naman ung tanong netong jowa ni lyly, mukha ba akong may anak?

"Huh? I mean experience sa work, wala ka bang dating trabaho?" Natatawang sabi niya

Sheeeeems ako pala tong madumi utak

"A-ahh sorry po hehe, wala pa po"

"Ah, ok"

Tapos ayun tanong lang siya ng tanong grabe buti tapos na siya kakatanong

"Okay, mukhang namang marunong ka, medyo marunong ka rin mag english, well tanggap ka na, kailangan ko na kasi ng secretary asap. So, goodluck Ms. Pangilinan"

"Talaga po? Ohmygosh thank youuuuu " sabi ko sabay tayo at talon sa tuwa

Nagmukha akong baliw hahahaha nakakahiya

"Will you stop?" Sabi niya

"Sorry po, natuwa lang po hihi"

"Tsk"

Tumalikod nalang ako sa kanya

"Sungit mo jusko sana magtagal ako sayo teh, di na ako magtataka kung bat umalis ung dati mong secretary dai juskoooo" sabi ko ng mahina

"Ano yun? May sinasabi ka?"

" ah sabi ko po kelan ako magsstart?"

"Tomorrow, 8am-6pm"

"HA?" Sabi ko pero napalakas ata

Pano ba naman alas dos ata ako nagigising mga inday

"I sai--"

" ah opo narinig ko po hehe, pero everyday po ba?"

"Monday to Friday, pero expect na tatawag ako sayo every weekends or may work ka non"

"Ohh yung work ko po ba is dito lang ako sa officer or sasama ako sayo tuwing may meetings?"

"Both."

Hala weh katamad yun ah hahaha

"Uhm sir ano po ba pangalan niyo?"

Inangat nya ung parang bakal na may pangalan niya basta yun na yun di ko alam tawag dun pero di ko yun napansin kanina ahh! Btw yung pangalan niya pala is David Villarante, pang mayaman teh hahahaha.

"Di ka pa ba aalis?" Sabi niya

Oo nga noh?

"Uh sabi po kasi ni carly intayin ko daw po siya"

"What? May date kami, di ka pwede sumama samin"

"Dont worry di ako sasama sa inyo, magpapaalam lang ako" sabay irap

"Dont even make irap irap to me again, or else"

Nakalimutan kong boss ko siya shems paga matanggal ako agad ahaha

"Sorry"

Tas inirapan niya ako, oo inirapan niya ako grabe bilib it or not pero inirapan niya talaga ako, bading ba to? -__-

"Im backkkk" bungangera talaga tong si carly buti di to sinusungitan ni david, i mean sir david.

"Babe!" Tuwang tuwa na sabi or sigaw ni sir, jusko parang di nagkita ng ilang era

Oo na ako na bitter pero babawi ako

"Lylyyy" since ako ang mas malapit sa pinto kung nasan si carly, ako ang mas naunang yumakap kay lyly kasi si sir palapit na eh WAHAHA

Nakita kong nainis si sir well buti nga sa kanya

"U-uh hi gabi haha"

Sa totoo lang di ako mahilig sa hugs kaya mukhang nagulat si ly. Kumalas na ako sa pagkayakap kay ly at umatras na, lumapit naman si sir at bebeso na sana kay ly kaso may kumatok hahaha
Napasuklay nalang si sir gamit daliri sa buhok niya na parang nanggigigil hahaha panget nya

"Hahahaha" tawa ko pero napatakip ako sa bibig kasi tinignan ako ng masama nito

"PASOK"inis na sabi ni sir

Pumasok naman ang isang matandang lalaki

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon