Partner

7 0 0
                                    





Sam's Pov


Nakakahiyaaaaa huhuhuhu TT_TT

ayokooo na gusto ko na lumabas na mansion na to dahil sa ginawa ko kay angelica

Andito kasi kami ngayon sa dance room nila at nakabilog kami, nakaupo kami sa sahig tapos iniinterview sila

"Hoy tonton bat ang tagal mong di nagparamdam huh? dalawang buwan na kitang di nakikita ah" sabi ni sir kay anthony -_- ok op ako

Magkakabarkada daw kasi sila *irap*

"Pre kakauwi lang namin galing mindoro noh pinapunta kami don ni ninang" sabi ni anthony

"Ahh e bat niyo naman naisipan na magpatutor dito? Ay teka... natrauma ka ba sa js prom? HAHAHAHA pahiya ka talaga non tonton e!" Sabi ni ace at nakitawa na rin si sir at ange

"Well gusto ko kasi sumali sa gforce" sabi ni ange habang nakangiti ng sobrang lawak

Napairap naman ako sa sinabi niya, pabebe amp, nakita ko naman na ang sama ng tingin ni sir sa akin

Argh

"Anong klaseng sayaw ba gusto niyong matutunan?" Tanong sa magkapatid na ito, para naman maiba ang topic diba para di ako op haha

"Hmm gusto ko matuto ng ball room dance" sagot ni angelica habang naka tingin kay ace, ramdam ko naman na kanina pa ako tinitignan ni dale

"Ako kasi ayoko talaga mag gforce kaso itong si ange mapilit e" sabi ni dale " gusto ko rin yung ballroom dance" dagdag niya pa

"Okay let's start?" Tanong ni ace, tatayo na sana siya kaso nagulat kami nang mabilis na tumayo si angelica at naka tingin lang sa harap niya, "gusto ko na si anton ang magiging partner ko sa ballroom dance" tumayo na rin si ace na ngayon ay kaharap niya na "sige!" Sagotni ace na parang nanghahamon pa

Hoy no way! Ayoko na maging magkapartner sila noh

"Tek---" sasagot na sana ako kaso hinawakan ni dale ung braso ko at sinabing "i want you to be my partner for three months tutal three months akong magpapatutor sq inyo" sabi ni dale nang naka ngisi pa! Aba! Nakakainis ka ah

Tumango nalang ako kasi wala naman akong magagawa diba?

Naglesson muna kami ni ace, parang kinwento muna namin yung history ng ballroom, rules, and techniques.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagstart na kami sa basic steps with partner


David's Pov

Tapos na ang pagtutor nila ace at salamander kila ange ngayon at bwisit na bwisit ako dahil diyan sa ugali ng salamander na yan! Nakakainis siya lakas ng loob para awayin si ange

Ok alam kong nagtataka kayo pero Ange was my special friend, nung high school palang ako at di pa kami ni carly ay crush na crush ko yang si ange, she's so sweet and adorable, naging crush ko siya nung binusted ako ni carly, yes I attempted to court her but she always reject me kasi daw best friend niya ako at di pa siya reday na may manligaw sa kanya, muntik na maging kami ni ange, muntik na..

Flashback...

Fourth year high school na kami, 16 years old na ako, malapit na ang js prom and ang graduation namin

Isang linggo nalang bago mag js prom, at isang buwan nung mabusted ako ni carly, di na kami masyado naguusap ni carly kasi medyo lumalayo na siya,

Nagiisip ako kung sino ang yayayain ko sa js prom...

Naguguluhan ako kung nakamove on na ba ako kay carly

O mahal ko na si ange

Di ako sigurado kung sino ang yayayain ko sa js prom

Yet napaisip ako na kung si carly ang yayayain ko ay baka tanggihan niya ako ulit at mahihirapan akong yayain siya kasi lumalayo siya

Nilabas ko ang phone ko at sinearch ang contact no. ni ange sa phone ko

_
To: Angelica

Hey ange, pwede ba kitang maging partner sa js prom?
_

Dineretso ko na siya agad kasi kinakabahan ako..

Natuwa ako nung nagreply siya

_

From: Angelica

Sure :))
_

Yes napapayag ko siya ng ganun lang!

Napadalas ang paguusap namin ni ange

Makalipas ang isang linggo...

Js prom na, andito ako ngayon labas ng gate ng school namin at inaantay si ange, ayaw niya kasi na sunduin ko siya kasi daw nakakahiya

Maya maya ay may kotseng huminto sa harap ko, inayos ko na agad ang itsura ko at naghanda sa paglabas ni ange sa kotse nil---

O_o si carly??

"David" sabi ni carly, napatulala ako lalo na nung hawakan niya ang kamay ko

"Will you be my partner?"

"Oo" mabilis kong sagot kahit di ko narinig ang tanong niya,

Unti unti kong naalala ang tanong niya, akmang magsasalita uli ako kaso bigla niya ako hinila papasok sa school... nakita ko si ange na nakatingin lang sa amin, unti unti bumuhos ang luha ni ange, lalapit sana ako sa kanya kaso bigla siyang tumakbo palayo at hinatak ako ni carly, sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero hindi niya ako pinapansin, nang mag college kami ay di ko na siya nakita...

End of flashback...


Ang laki ng katangahan na ginawa ko noon! Pero okay lang yun dahil nabigyan ako ng pagkakataon ni carly at sinagot niya ako <3

Pero naiinis parin ako kay salamnder, kala ko mabait, may sungay pala -_-

Ace's Pov

Hi guys, kung nagtataka kayo kung bat anton ang tawag sa akin ni Ange yun ay dahil
Anton Charles Emmanuel Salvacion ang buong pangalan ko in short 'ace'

Nagulat ako kanina sa naging reaksyon ni Ange, halatang nagulat rin siya, isang gabi ko lang siya nakasama, nakausap at nakilala kahit na tropa namin ang kuya niya, di ko siya napapansin kahit na sabay sila umuuwi ni dale.

Alam ko naman kung bakit niya ako gusto bilang partner niya sa ball room dance tutorial e, secret ko na muna iyon sa ngayon ;)

Btw nagulat rin ako nung tinarayan ni sam si ange :(( im so upset

Pero friends parin kami

*toot toot*

Ha? May nagtext?

From: Unknown

Hi anton! This is Angelica, save my num ;) i got ur num from kuya dale btw.

Im shookt with a T

Hanggang ngayon ginugulo mo parin ako ange!!! Arghhh

----

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon