ISTB (6)

29 2 0
                                    

Nash' POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko. May 'ladies first' pa kasi akong nalalaman e. Natameme tuloy ako. Help me guys. Ganito kasi ang nangyari.

*flashback*

"San mo gusto pumunta?" tanong ko sa kanya. Kung si Shar ang kasama ko, handa na ng lahat. Hindi ko na siya tatanungin pa. Dahil sa kanya I cancelled all what I have planned.

"Nuod tayo sine." Eto ang lagi niyang suhestiyon. Kung yayayain ko naman siya sa timezone ay ayaw niya. It's not her thing daw. Mabuti pa si Shar.

"K(dot)." walang gana kong sabi.

Nagpunta na nga kami sa sinehan. Da possesed ni Kuya Vhong ang pinanuod namin. Si Alexa tawa ng tawa sabay palo sa akin. Oo, nakakatawa siya sobra kaso parang hindi ko feel tumawa. May bumabagabag talaga sa akin.

Nang matapos ang Da possesed ay kumain na kami sa Adobo Connection. Ako na ang nag-order bilang obligasyon ng isang gentleman. Pansin niyo ba na typical lang ang ginawa namin. Walang something special. Kung si Shar lang ang kasama ko. Hayyyyyy. *sigh*

<THE NOTE: Nash tama na masakit na daw ang dila ni Shar. Sa sobrang kababangit mo sa kanya. Lels>

Wala kang magagawa author. Pinapakomplikado mo ang love story namin e.

"Alam mo kanina ko pang napapansin na parang wala ka sa mood. Andito ka nga sa harap ko pero parang wala ka pa rin. Okay ka lang ba Nash?" pag-alalang tanong sa akin ni Alexa. Ang galing niya manguilty.

"May sasabihin ako sa iyo Alexa." seryosong sabi ko sa kanya. Siguro ito na ang best moment.

"Ako rin Nash may sasabihin sayo" ngumiti siya. Good news ba yan?

"Sige ikaw muna. Ladies first ika nga" sabi ko sa kanya.

"SINASAGOT NA KITA. I LOVE YOU NASH"

"HUH?"

"OO Tayo na."

"Ah---Hehehe. Pero paano ang parents mo?" Shit Happens Dre.

"Okay na daw sa kanila. Di ka ba masaya?"

"Ma-Masaya" Sobra grabe.*insert sarcastic tone here*

"Ano nga pala ang sasabihin mo?"

Sasabihin ko na ba? Mukhang ansaya saya niya kasi. Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip.

"Tara uwi na tayo. Hatid na kita."

"Yun na yun. Haha. Geh tara na baby."

"BABY?"

"Yeah baby. Endearment natin yan. Pangarap ko nung bata yan. Yung may matawag na baby. "

Okay. Andaming arte.

Andito na kami sa tapat ng bahay nila Alexa. Mayaman din sila Alexa kaya angara ng bahay nila.

"Bye baby. I love you"

"Bye ba--ba--baby" Hindi ko masabi.

"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Pumasok ka na sa loob. Mahamog na." sabi ko sa kanya.

"I said I love you" So gusto niyang mag I love you too ako? IDL ( I don't like ) precious ang word na yun sa akin at para kay Shar lang. Gago na ba ako sa paningin niyo?

"Sige bye na" at umalis na ako.

*end of flashback*

Naiinis na talaga ako. Ano na ang gagawin ko? Patatagalin ko ba ang relasyon namin? Magiging cold na lang ako sa kanya para siya na ang umayaw sa akin at makipagbreak. Tama yun na lang ang gagawin ko.

It's Sad To Belong (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon