ISTB (5)

25 1 0
                                    

Nash' POV

I asked her. Hindi ito literal na date. Kung pwede nga lang e. Alam kong gwapo ako pero kapag kasama ko siya di ko mapigilang mainsecure. Gusto ko gwapo ako sa harapan niya palagi kaya super ayos ako ngayon.

"Tara na Shar? Hindi ka pa ready!" Pinasok ko ang kwarto niya. Nakapambahay lang siya.

"Tara na. E anong problema sa suot ko? Tinatamad ako mag-ayos e" Hindi naman sa ayaw ko ng suot niya. Feeling ko kasi ang ang OA ng ayos ko tapos siya? Dapat pala nilinaw ko kagabi.

Pumunta na kami sa mall. Sabi niya NBS daw muna. Bumili na kami ng school supplies.

"Nash. Shar" may tumawag sa amin.

Nilingon namin siya. Pamilyar yung boses.

"Alexa?/ oy Alexa" Nakabusangot na ako dito pero parang okay lang kay Shar.

Pumulupot sa akin si Alexa. Hindi tuloy ako makatingin kay Shar.

"Parang kayo yung magkasama a. Nag-usap ba kayo? Color coding lang? Nahiya naman ako sa suot ko. Hahaha." parang may lungkot sa mga mata ni Shar.

"Shar" awat ko sa kaniya.

"Sige. Date na kayo. Mauna na ako. Marami pa akong bibilhin. Salamat na lang Nash sa libreng pamasahe. Wag ka na rin mag-abalang ihatid ako. Yakang yaka na ng powers ko yan. Ako diba si Darna. Hahaha"

"Shar" umalis na siya.

Naiinis ako. Alam kong coincidence lang ang lahat ng ito pero naiinis talaga ako.

" Ba't ka andito?" Tanong ko kay Alexa. Wala na akong pakialam.

"Di ka ba masaya?" naguilty naman ako bigla. Buhay nga naman oh. Ang hirap maging mapagmahal na tao.

"Tara gala gala tayo" ngumiti na sya. Tatanggapin ko na lang na hindi namin araw ni Shar ngayon.

*ting* Ngayon ko na lang sasabihin sa kanya na iba ang mahal ko. Tama. Ang galing mo talaga Nash. Syet. Kinakabahan ako dre!

Sharlene's POV

Putahamnida. Feeling ko pinagkaisahan nila ako. Ang sakit sakit. Planado pala ang lahat. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nagready. It is a typical day,isn't it.

Tumakbo na ako. Pabagsak na rin kasi ang luha ko. Hindi pa ako tapos bumili sa NBS e. Bibili na lang ako bukas. Alam ko kasing andun pa sila.

"Saan naman ako pupunta neto?" kinakausap ko na ang sarili ko. Kakagaling ko lang sa CR. Nahimasmasan na din ako kahit kaunti lamang. XD

*Timezone* Tama. Mabuti na lang at naisip ko iyon.

I played basketball. Shoot. Shoot and Shoot. 89 points in 30 minutes. Not bad.

"WOAH. Ang galing mo a." tinaasan ko siya ng kilay. Tiningnan ko siya. Ang init init sa Pinas. Bakit naka city hunter costume si koya?

"Laban tayo?" ba't parang narinig ko na boses niya? rinig pamilyar. ( kung may mukang pamilyar, may rinig pamilyar. Hahaha)

"Game." Tutal wala naman akong kasama. Umoo ako.

*13-15

*38- 35

*67-67

*90-93

Natalo ako. Well, tanggapin na lang.

"Ang galing mo rin naman pala e. Pwede bang magtanong? Bakit ganyan ang outfit mo?"

Feeling ko nginitian niya ako kahit na nakatakip ang labi niya. Yung mata niya kase naningkit. Oo. Yun lang ang sagot niya. Nice talking si koya.

"Wala ka bang kasama? Laro pa tayo."

"Game." At naglaro na kami. Lahat, wala kaming pinalampas. Ayaw niya ng 'getting to know each other'. Hindi naman yun kailangan. Mas masayang stranger kami sa isa't isa.

"Nuod tayo sine?" paanyaya niya.

"Sorry. Gabi na kasi e." alas otso na oh. Ilang oras ata ako sa Cr.

"Ge. It's nice to see you again Shar. Till next time." at umalis na siya.

Kilala niya ako?

Kilala niya ako?

Kilala niya ako?

<THE NOTE: Sino kaya iyon? Ano kayang mangyayari sa galawang--este usapang NLEX?

Natuwa ako at naka70+ reads na agad kaya eto. Enjoy reading:)) Isa pa baka matagal tagal ang next UD. Sorry.>

It's Sad To Belong (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon