ISTB (7)

23 1 0
                                    

Jairus POV

Bakit nila ako minamanipula? Bakit na lang lahat ng kilos ko ay pinapansin nila. Pumunta ako ng Korea para humingi ng space para sa kanila- soul searching kumbaga. Para malayo sa kanila. I am talking again about my parents. Hoping they will treat me as a human and not a dog na inuutos utusan lang at kinakailangan talagang sundin.

"Anak this is for your own sake" How many times am I hearing this phrase? About ten times, for nth time? Pero bakit hindi ko maramdaman?

"Umma alam ko kung bakit niyo ko ililipat sa school na yun. Kasi nandun yung babaeng pakakasalan ko diba, diba?" medyo mahinahon kung sabi kay mama. Ayoko kasi syang masaktan. Mama ko pa rin naman sya.

" Oo. Alam mo na anak para magkasundo kayo." close kami ni mama pero hindi sa pagkakataong ito.

"Ang bata ko pa para maengaged."

"Kaya nga engagement pa lang e wala pang kasalan"

"Ayoko. Isa pa may girlfriend na ako"

"Ano? Ibreak mo na yan."

"Ganyan ka ba talaga ma? Ganyan ba talaga kayo? Lahat naman sinusunod ko para kapag dumating ang panahon na ito'y magbago isip niyo kahit na alam kung mangyayari't mangyayari ito. Sana naman sundin niyo naman ang gusto ko kahit minsan lang" then I walked out. Di ko na kinaya.

"Manong SM tayo" sabi ko sa driver namin. Oo mayaman kami pero sabi nila sinusure lang nila ang future ko. Nonsense! I can make my own life.

*SM*

"Ang tanga ko. Ba't dito ko pa naisip mag emo." kinakausap ko ang sarili ko.

Tutal andito na rin ako kaya namili na ako ng shoes. Ang gaganda nila. Ayus para sa basketball. I'm a captain ball sa school namin pero dahil pinapalipat ako nila mama. Hindi na mangyayari iyon. Hay. Alam ko rin kasi na matutuloy ang plano nila at wala na akong magagawa.

Bumili na ako at nagpasyang pumunta sa timezone.

"Uy Jairus. Maglalaro ka?" tanong sa akin ng may-ari.

"Kakain siguro. Ikaw talaga kuya." binigyan niya naman ako ng ticket.

Pansin nyo na kilala niya ako? Kasi kami ang may-ari ng halos lahat ng timezone sa Pinas. I mean Family business ng mga Aquino. At branch ng pamilya ko ito kaya na rin siguro dinala ako ni Manong driver dito kasi alam niya na maiinit ang ulo ko na kahit na ang sabi ko lang sa kanya ay SM at walang tiyak na kung anong SM.

Siya nga pala si Kuya Igiboy- ang pinapahawak muna ni Daddy ng timezone. Gusto ko nga ako ang humawak kaso sabi ni daddy na ibang business daw ang ipapahandle niya sa akin.

Naglaro ako ng kung ano ano nang mapansin ko yung babae na magaling sa basketball. And she looks so familliar. Hindi lang pamilyar. Nakakagulat at nakita ko ulit sya. Hail destiny. Hindi ako naniniwala sa iyo pero ano na naman ito? Nakita ko na naman siya.

I wore a mask like what city hunter's doing. Baka kasi isipin niya na iniistalk ko talaga sya knowing na andami ko ng rason na binigay sa kanya kung bakit kami laging nagtatagpo. Isa pa, baka magkailangan kami kasi nga diba. Yung last naming pagkikita may nangyari.

Hindi ko rin alam kung bakit may sariling utak ang paa ko at lumapit ako sa kanya. Maski ang kamay ko'y napalakpak. Tsk Tsk.

"WOAH. Ang galing mo a." tinaasan niya ako ng kilay. Lagi na lang siyang ganyan.

"Laban tayo?" Paanyaya ko sa kanya. FC na naman ako. Teka ba't parang numumula ang mata niya? Umiyak na naman ba siya?

"Game." sabi niya at napangiti ako. Welcome na welcome palagi sa kanya ang strangers.

It's Sad To Belong (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon