5: Secret tears

32 0 0
                                    


"Dexter nga pala pre"

Sabay abot ko ng kamay ko for a shake hands

"Steve"

At nag shake hands kami... Ramdam kong hindi nya rin ako gusto at naiinis kami sa isa't isa

"And this is dianne"

Sabay turo ni daryl kay dianne

"Magkakilala na kami"

Sabay ngiti ng maliit ni dianne

"Oh?? Saan kayo nagkakilala?"

"Punta na tayo sa pwesto natin mamaya na yan"

Biglang putol ni steven sa usapan.. Mabuti na rin iyon

"So guys, ano gusto nyo inumin?"

"Yung mura lang.."

Mahinang sabi ni dale... Sadyang mahina nga pala boses nya

"Jack daniel's?"

"Daryl, pakisabi nga samin kung saan banda mura ang jack daniel brand?"

Sarkastiko kong sabi

"Sorry naman! Kayo na pala mag suggest"

"Empi nalang.. Alak ng bayan"

I suggested

"Sige papahanda ko na.... Handa na rin yung bonfire sa malapit lang"

... ... ...

Kahit habang naglalakad palang kami, pansin ko na ang palaging pag tingin ni steven kay dianne... At naiinis ako

Natatakot rin ako na baka may gawin syang hakbang sa babae at hindi ito maging komportable kaya natatakot akong baka magdilim ang paningin ko

Hindi ako ganito dahil may gusto ako kay dianne... Ganito ako dahil kaibigan ko na rin sya at alam kong may masama talagang nangyare dati sa kanila... Ni hindi ko alam kung mag ex sila oh ano man... Kaya hindi ko alam kung paano ako mag rereact

"Andito na tayo"

Biglang pagputol ni carmella sa katahimikan...

Hindi pa nakakabalik si daryl kaya napagpasyahan na namin ang mag simula

Empi, mga baso, chaser at mga pulutan ang dala namin..

Ang pwesto naman namin sa bilog ay:

Ako, si dianne, si dale, carmella, (bakanteng pwesto ni daryl), si steve, tapos ako uli.... Magkatabi kami ng steven

"Mahina lang ako uminom... Pareho kami ni dale"

Pag uumpisa ni dianne

"Ok lang yan sis, pag di mo na kaya sabihin mo lang sakin, samahan kita sumuka sa may batuhan"

Sabay tawa ng konti ang lahat

Kahit papaano ay magaang ang paligid

Pero hindi ko alam kung paranoid lang ba ako at panay bantay ko kay steve .. Nag aalala ako kay dianne

"Guys may pinahanda na rin kaming small circular table ni baby kanina... Mag lalaro tayo ng spin the bote"

"Sounds cool to me"

"Sige ako na tanggera"

Halatang sanay sa inuman si carmella ma pa classy man oh sa kanto

And let the game begin..............

Spin spin spin

Kahit kanino man maturo ay talagang interesado ang mga pwedeng maitanong

Malalaman ko rin ang nakaraan nyo steve

One Sided Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon