Prologue: Pusong Nagsasakit

19 1 0
                                    

"Pano mo ko nagawang pasayahin ng sampung taon at iiwan din pagnatapos na" humihikbing sabi ni Tobias

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Pano mo ko nagawang pasayahin ng sampung taon at iiwan din pagnatapos na" humihikbing sabi ni Tobias.

"Patawarin mo ko Tobi, di ko naman ginusto na mangyari to sa atin eh" tugon ni Tami. "Patawarin mo ko" dagdagan pa nito.

napaupo na si Tobi sa mga bagay na naririnig niya.

"Ito ba ang gusto mo? makita akong wasak dahil mahal kita, dahil alam mong di kita kayang mawala" monotonong sagot ni tobi.

"Mahal kita, mahal na mahal, pero patawad" ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Tami bago siya tumungo sa pintuan ngunit bago niya mahawakan at buksan ang pinto nagsalita si Tobi,

"Sige umalis ka, pinapalaya na kita"

Tumakas ang isang luha mula sa mata ni Tami, pinunasan niya ito at lumabas na ng condo na pinagipunan nilang magkasama ng kaniyang Boyfriend na si Tobi, ex-boyfriend na niya.

Pagkalabas ni Tami ng pinto, nahulog na na parang tubig na umaapaw sa isang salop na puno ang mga luha ni Tobi, hindi makapaniwala sa mga nangyari, sa mga narinig mula sa mismong bibig ni Tami. Napaisip nalamang siya,

"Pano mo ko kayang iwan ng ganito? Sa sampung taon na pinagsamahan at pinagsaluhan natin, lumisan ka lang na parang araw na hinahabol ng dilim mula silangan patungong kanluran"

nagtungo si Tobi sa banyo, binuksan ang tubig para punuin ang bath tub. Kinuha ni Tobi ang razor mula sa lababo.

Ibinaon niya sa kanyang pulso ang razor at unti unting umagos palabas ang pulang likido dito. nararamdaman niya ang hapdi pero mas masakit parin ang puso niyang nadudurog.

nilubog niya ang katawan sa bath tub na ngayon ay puno na ng tubig. Wala siyang balak na patayin ang gripo, hinayaan lamang niya itong umagos.

Mga ilang sandali, "Tobi, Tobi" sumigaw ang kanyang Best Friend na si Will mula sa labas ng pinto.

"Parekoy, tinawagan ako ni Tami, puntahan daw kita, pumasok na ako ha di naman naka lock ang pinto" ang kanyang kaibigan na ngayon na ay nasa living room na.

"Tobi nasa CR ka ba, umaapaw ata yung tubig" pinihit ng kaibigan ang pinto ng CR.

"Tobi....." yun na ang huling salita na narinig ni Tobi bago nagdilim ang kanyang paningin.

----

Sana ay napukaw ng prologue na ito ang inyong mga pusong natutulog!

Hope you like it! Please add this on your library! *if you feel the vibe*

Please hit the like button!
Hoping to here opinions and reactions from you guys!

-The Manhwa Reader ⚡

Too Much To AskWhere stories live. Discover now