*Nobody’s POV*
“sabi ko na nga ba, paggising nya yun agad ang tatanungin nya.”
“Anong sinabi nyo?”
“Pinilit nalang muna naming syang magpahinga. Tutal alam naman naming susunod sya.”
“Ganun ba?”
“Eh pano nga ba? Ano nga bang sasabihin natin sakanya?”
“Baka pag nalaman nya yung totoo……… Mas lalong mapasama yung kondisyon nya”
“I think Carla we should not tell her the truth muna not until she’s really fine”
“Sige mabuti pa nga.”
“Pero Samantha naman magsisinungaling tayo sa anak natin?!”
“Carlos, mas magiging mahirap para kay Cayra kung bibiglain natin sya. Kaya mas mabuti kung itatago muna natin ang totoo.”
“Samantha magagawa mo yan sa anak natin.”
“Carlos it’s for her own good. Tama na nga tong diskusyon na to. Hindi muna natin sasabihin sakanya ang totoo. And that’s final”
“Mare, Pare. Wag na kayong mag-away baka magising si Cayra”
*Cayra’s POV”
Pagmulat ko ng mata ko si Tita Carla agad yung nakita ko. Sya lang. Medyo nalungkot ako.
“tita, sila mama po?”
“Ah cay, umuwi muna sila sandali kaya ako muna ang naiwan sayo dito. Kamusta na bang pakiramdam mo? Maayos na ba?”
“Medyo maayos na po tita. Pero may mga parte parin po ng katawan kong medyo masakit.”
“Ganon ba. Magpagaling ko Cay :)”
“Ah Tita, S-si Ian po? Asan po siya? Kamusta na po sya? Okay lang po ba sya tita? Bakit hindi nyo po sya kasamang bumisita…..”
“Calvin is fine iha. Sabi nya magpagaling ka.”
“tita, nasan po sya. Gusto ko po syang makita. Pwede po ba natin syang puntahan? Nandito rin po sya sa ospital diba po?”
“A-ah Cay, si Calvin kasi wala dito. W-wala na sya dito sa US”
“N-nasan po sya tita. Sa pilipinas po ba?”
“No Cay, dinala sya ng dad nya sa Switzerland. Para mas maalagaan at ma monitor ng mabuti. Nandun na rin kasi yung bagong business namin. Kaya kailangang magstay din dun ni Calvin..”
“Ah ganun po ba tita? Pag po pwede na kong lumabas gusto ko po syang Makita. Pupuntahan ko po sya sa Switzerland.”
“A-ah Cay kasi, bawal eh. I don’t know kung pano ko i-eexplain sayo to pero sana maintindihan mo alam mo namang maraming pangarap ang tatay nya para sakanya diba. Hintayin mo nalang pag Okay na ang lahat. Pupuntahan ka naman nun eh :’) Babalikan ka nya Cay”
“Pero tita bakit po hindi pwede? Hindi ko po kayo maintindihan? :’( Sabi nya sabay naming aabutin lahat ng pangarap naming *huk* P-pero bakit ngayon po *huk* naging ganto, iiwan nya ko :’( ”
“Basta Cay, magpagaling ko Sorry kung hindi ko maexplain sayo ng mabuti. Pero please. Kung mahirap to sayo. Mas mahirap to saming mga magulang nya alam mo namang botong boto kami sayo diba. Kaya sana intindihin mo nalang muna kami. Pag naman naging ok na ang lahat pababalikin namin sya sa Pilipinas. Mahal na mahal ka ng anak ko Cay. Higit pa sa buhay nya :’)”
“t-tita. Sige po. Pag po naging ok na ang lahat balitaan nyo po ako. Tita please po kahit hindi ko po maintindihan, pipilitin ko nalang pong intindihan. Tsaka pakisabi po kay Ian maghihintay po ako sakanya. Kahit ano pong mangyari maghihintay ako kasi mahal na mahal ko rin po sya :’(”
“Sige iha. Magpahinga ka muna. Wag ka ng umiyak. Makakasama sayo yan. Maya maya nandito na sila mama mo”
Alam kong nasasaktan din si tita, nakikita ko.
Kahit ngumingiti saya ramdam mo parin yung hirap at bigat ng dinadala nya.
Kahit na parang may iba, yung aura nya may gusto syang sabihin na parang hindi nya masabi….. :’(
Pero hindi ko nalang din sya pipilitin.
Susundin ko nalang din yung gusto nya na magintay nalang ako.
Tutal sigurado namang babalikan ako ni Ian.
Kahit hindi ko maintindihan kahit hindi masabi sakin ni tita yung dahilan, iintindihin ko nalang.
Tutal alam ko naming hinding hindi ako ipagpapalit ni Ian at Hinding hindi nya ko iiwan.
Siguro ako naman yung kailangan umintindi sa sitwasyon nya ngayon kahit ano pa yun.
Dati kasi sya nalang lagi yung umiintindi sakin. Sa mga kagagahan ko, sa mga walang kwentang pinaggagagawa ko. Sa mga gulong dinadala ko.
Siguro ngayon it’s time para ako naman yung umintindi sakanya. At hintayin yung pagbabalik nya.
Kahit mahirap! Sobrang hirap kasi simula pagkapanganak palang sakin andyan na sya. Sabay kaming lumaki at nangarap pero ngayon hindi na kami sabay na aabot ng mga pangarap na magkasama naming binuo.
Calvin Christian Allen Castro. Kung nasan ka man ngayon sana naiisip mo rin ako. Sana tupadin mo yung sinabi ni tita na babalik ka. Kasi Ian kahit anong mangyari maghihintay ako.
Maghihintay ako para sayo. Kahit gano pa katagal. Hindi madali. Pero kakayanin ko. Tutal sabi mo nga diba STRONG ako. Ngayon hayaan mo magiging MAS MATATAG pa ko para sayo para satin, mahal ko.
Miss na miss na kita baby Yanyan! Mahal na mahal kita!
__________________________________________________
~NobodysBatgirl ❤
BINABASA MO ANG
And that's when i knew
Подростковая литератураA story of a girl who once experienced an almost perfect love story but one day an unexpected tragic thing happened. That is the reason why this girl is experiencing so much pain now. She changed. She came back to the old her. Will someone rescue he...