Chapter 2

41 5 7
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata, isang magandang umaga ang sumalubong sa akin. Tila maagang gumising ang haring araw upang gisingin ang mga taong hirap gumising.

Isang malamig at kalmadong hangin ang humaplos sa aking balat ng dumungaw ako sa bintana. Ang gandang tanawin mula sa aking kinalalagyan ang mga ibong malayang lumilipad at mga punong marahang sumasayaw. Ito ay itinuturing kong paraiso. Oo, paraiso sa reyalidad.

Minsan naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ganun na lang sirain ng tao ang katulad ng ganito? Yung tipong para na sayo, pilit mo pang pinapalitan, pilit mo pang binabago. Bakit nga ba? Hindi ko sila maintindihan at kahit kailan hindi ako interesado sa mga kabaluktutan nila.

Naputol ang aking pag ninilay-nilay nang tumunog ang aking cellphone.
Dahil sa gulat ay agad ko iyong nasagot.

"Hello. Sino to?" Bungad ko.

"Anong oras ang pasok mo?" Sagot ng aking kausap sa kabilang linya.

"Mamaya pa hong alas dose. Bakit?"

"Pwede ba tayong mag kita ngayon?"

"Hindi ako pwede." Pag tanggi ko.

"Matagal-tagal na rin mula ng makausap kita sa personal. Sana pag bigyan mo na ako ngayon." Mahinahon niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako nang hindi na ako makaisip ng idadahilan. Hindi naman siguro masama kung makipag kita sa dating kaibigan.

**
"It's nice to see you again, Sh--" pinutol ko ang sasabihin nya bago pa niya ito masabi, gamit ng masama kong tingin.

"I mean, Ellish." Nakangiting pag bawi nito.

Sumandal ako sa aking kinauupuan habang naka halukipkip at diretsong nakatingin sa aking kasama.

"May imbitasyon na naman ako. Para saan ba yun?" Diretso kong tanong.

"Sa darating na gathering." Matamis na ngiti ang ipinares niya sa kanyang binitawang salita.

"Hindi ako pupunta." Seryoso kong sagot.

Nalungkot ang aking kausap sa aking isinagot. Tila alam na niya na hindi ako dadalo ngunit pinili pa rin niyang umasa na mag babago ang isip ko.

Tinitigan ko ang kanyang malulungkot na mga mata. Pinapaintindi ko na sana ay maintindihan niya. Napabuntong hininga na lamang siya at binawi ang kanyang tingin.

"Haha. Oo. Naiintindihan ko. Alam ko naman na busy ka lagi. Pero kung sakaling mag bago ang isip mo pumunta ka huh?" Ilang na ngiti ang sumilay sa kanyang labi at tango na lang ang ginanti ko.

Kinabukasan, araw ng lunes. Unang araw ng klase sa bago kong papasukang eskwelahan.
May mangilan-ngilang nakatingin sa akin habang nag lalakad ako sa malaking ground ng SE-U. Naka-civilian kasi ako tanda nang pagiging transferee.

Hinanap ko ang section na kabibilangan ko maging ang classroom. Nang mahanap ko ay huminto ako sa harap nito at dahan-dahang binuksan ang pinto sa akalang may guro na sa loob ngunit mga mapapanuring tingin ang bumungad sa akin. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay talagang nakaramdam ako ng hiya. Tumingin-tingin ako kung may bakanteng pang upuan para agad na kong makaalis sa awkward nilang tingin sa akin.

Tears Of SorrowWhere stories live. Discover now