Brent's POV
"Hey. Ellish, wake up. We're here." Wika ni Vienn.
"Huh? Saan?" Balikwas na tugon naman ni Ellish.
"Sa fave spot ko." Ngiting sagot ni Vienn.
Kinusot-kusot ni Ellish ang kanyang mga mata at unti-unting namangha sa aming kinalalagyan.
"Ang ganda naman dito."
"Of course. Ako pa ba?" Sabi ni Vienn at siyang unang bumaba sa sasakyan.
"Madalas ka ba dito?" Tanong ni Ellish ng pagbuksan siya ni Vienn ng pintuan.
"Hindi naman. Pag nasu-suffocate lang ako sa buhay at gusto ko ng kapayapaan." Sagot ni Vienn.
"So nasu-suffocate ka ngayon?" Inosenteng tanong ni Ellish kay Vienn.
"Haha. Hindi no." Ngiting sagot ni Vienn.
'Anak ng tokwa! Kanina niya pa ngini-ngitian si Ellish ah? '
"Kung ganun, bakit mo ko sinama dito? Tiyaka spot mo to, kaya nakakapag takang nag sasama ka ng hindi mo naman kaibigan." Kunot noong tanong nito.
"Well, this is how I offer a friendship." Ngisi ni Vienn.
'Mukhang aso tong gagong to.'
Hindi ko na napigilan ang kabaklaang pambobola nitong gagong to kaya sasabat na ko.
"Ulol ka Vienn. Manloloko ka na lang ng tao, kaharap pa ng nakakakilala sayo. Tsh." Banat ko.
"Anong panloloko dun?" Takang tanong nito sa akin.
"Anong panloloko dun? Bakla ka bang talaga, huh? This is how you OFFER a FRIENDSHIP? Pwede ba, tigilan mo na?" Iritang sabi ko.
"Alam mo ba Brent, you look different today. Masama ba ang pakiramdam mo? Hatid na kita." Mahinahong wika nito.
'Aaarrrgghh! Walangyang to! Nag tatanga-tangahan ba sya? O sadyang pinag tri-tripan niya ako?!'
"ANONG YOU LOOK DIFFERENT TODAY?! BAKA IKAW! MAY PAGINITO-GANITO KA PA! HOY VIENN! MATAGAL NA TAYONG MAG KAKILALA'T MAG KAIBIGAN KAYA ALAM KO NA LAHAT NG GALAWAN MO! NUNG NAGING MAG KAKILALA TAYO, GANITO KA BA MAG OFFER NG FRIENDSHIP! LOKOHIN MO NENANG MO!" Nang gagalaiti talaga ako! Ano ba tong ginagawa niya? Pakitang tao? Tsh.
"Ano ka ba naman. Mas gay pag kayo nila Grey ang ginawan ko ng ganito, naiisip mo ba?"
'Aba naman talaga!'
"Tsh. Sasapakin talaga kita pag ginawa mo at kung ginawa mo yun."
"Ahahaha. Never no! Hindi tayo talo. Ahahahaha."
"Ahahaha." Pang gagaya ko. "Umayos ka nga Vienn! Nakakaalibadbad yang mga gawi mo. Mukha kang bakla!" Bulyaw ko sa kanya.
"Kaya nga gusto ako ng mga girls kasi smooth ang attitude ko at comfortable akong kasama. Hindi katulad ng iba jan, masyadong rough ang attitude, may pagka-bolero at bully!" Ani ni Vienn habang nakatingin kay Ellish.
"Hoy Vienn! Wag mo nga akong sinisiraan? Tsh. Ikaw yata ang bolero! Masyado mo lang pinapabango ang sarili mo at sinasabi mong friendly ang tawag sa katulad mo! Kapal din ng apog mo! Sinong rough ang ugali? Si Vincent yun! Tsk. May pagka bully nga ako, pero minsan lang yun no!" Iritadong wika ko.
"Tsk. Dami mo namang sinabi. Naboring tuloy si Ellish." Bumaling naman kami ng tingin kay Ellish na tahimik lamang na nakikinig sa pag tatalo naming dalawa.
YOU ARE READING
Tears Of Sorrow
RomantizmIsang masakit na nakaraan ang pilit na binabaon ni Ellish sa limot. Ang nakaraang nag dulot sa kanya ng hirap, sakit at pighati. Ngunit mapag tagumpayan niya kaya itong kalimutan? O wala ng paraan para ito'y iwasan na sa halip ay kailangan ng harapi...