Chapter 4

15 2 0
                                    

Papalapit na ako kung saan nakatayo ang lalaking iyon ngunit napatigil ako ng may lumapit sa kanya at niyakap siya. Gusto kong lumapit at mag tanong ngunit hindi ko alam kung yun ba ang nababagay gawin sa sitwasyon ngayon.

Naramdaman kong humigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking blouse. Ang puso ko'y tila pinipiga. Nahihirapan akong huminga. Tila ako'y nahihilo't naliliyo. Hindi ko malaman kung anong gagawin.

"HAH!" Malakas na sigaw ko. Napaupo ako habang kapit ang dibdib ko.

'Panaginip lang pala. Ay mali. Isang bangungot.'

Bumangon ako't tinignan ang oras. 07:30 na ng gabi. Nakatulog ako dito sa may sala, marahil ay sa pagod. Nilagay ko na muna ang gamit ko sa kwarto at pagkatapos ay dumiretso na ko sa banyo. Mabilisang linis ng katawan ang ginawa ko. Pagkatapos mag bihis ay pumunta na ko sa kusina upang magluto ng hapunan. Habang nag luluto ay kumakanta at sumasabay ako sa indak ng tugtog sa cellphone ko na naka-konekta sa Bluetooth speaker. Napatigil ako ng huminto ang tugtog at may rumehistrong numero sa phone screen. Pinatay ko ang Bluetooth speaker upang sagutin ang tawag.

"Hello." Bungad ko.

"Alvarez. Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ng kausap ko.

"Marami. Kaya ibababa ko na."

"Teka, teka! Saglit lang -"

"Alam mo, kahit kailan talaga istorbo ka!"

"Mag ready ka na lang ngayon at itigil mo yang MGA ginagawa mo." Sabi niya na inemphasize pa yung MGA.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya kahit pa hindi niya ito nakikita.

"Sino ka para diktahan ako? Kung wala ka namang magandang sasabihin, pwede ba wag mo na kong gambalain?! KASI HINDI KA TALAGA NAKAKATULONG PROMISE!" Sigaw ko sa kanya.

"Ouch! Pwede ba, wag kang sumigaw? Ang sakit kaya sa ears. Ahahaha!" Pa-sexy nitong usal.

"Please lang! Lubayan mo ako! Wala akong panahong makipag kwentuhan sayo!" Inis na sabi ko.

"Kahit talagang lagi? Ahahaha."

"Aarrrgghh! Nakakainis kang-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil .. Amoy sunog! Oo! Nasusunog na yung niluluto ko!

Tears Of SorrowWhere stories live. Discover now