"A KISS for your thoughts?" ani Jarvis habang papalapit kay Heather na nakahiga sa Bermuda grass ng hardin nila. She was lying there looking at the stars. Tahimik ito halos buong durasyon ng birthday niya. Bigla nalang itong nawala sa kalagitnaan ng kantahan nila sa loob.
Hindi siya nag-imbita ng maraming tao. Ang mga ka-banda niya lang ang nandoon tsaka si Chloe. He didn't like parties after all. Kahapon ay tinreat niya sa labas ang mga pinsan niya bilang blow-out sa mga ito.
Tumabi siya kay Heather. Humiga siya sa tabi nito.
Bahagya itong natawa sa sinabi niya. "A kiss?" anitong nilingon siya.
Dalawang beses niyang itinaas ang dalawang kilay bilang pagsang-ayon. "Wala akong penny eh. Kiss nalang, madami ako."
Ngumiti lang ito sa ka yumakap sa kanya. He placed her head on his chest and enveloped her with his arms. Dinampian niya ng halik ang noo nito. Sa gan'ong klaseng sitwasyon niya gustong tumigil ang oras para sa kanilang dalawa.
Nagtaka siya nang biglang humigpit ang yakap nito. That hug felt like a threat for him. Parang may laman ang yakap nito. Hindi niya maiwasang mag-alala.
"Sweet, may problema ka ba?" tanong niya.
Umiling ito. "Wala. I'm just fulfilling the long hug I promised you. Isa pa ay gusto kong ganito tayo."
Ginantihan niya ang mga yakap nito. Gan'on din ang nararamdaman niya. Having Heather in his arms made him feel calm and loved. A feeling that no other woman could make him feel. "Okay," aniya lang. Sigurado siyang maya-maya ay magsasalita rin ito.
Hindi ito nagsalita. He heard nothing but their soft intake of breath and their heartbeats synchronizing. Hindi niya tuloy naiwasang maisip kung bakit ganoon sila katahimik. Gusto niyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Jarvis?" paglalauna'y wika ni Heather.
"Hmm?"
"Naka-ilang girlfriends ka na?"
Bahagya siyang napaksilot ngunit ngumiti rin. They've been a couple for three years yet they never talked about that part of their life. Hindi matanong si Heather kaya wala itong alam tungkol sa mga nakaraang relasyon niya.
"Konti lang," pakli niya. "Hindi naman seryoso lahat."
"Ilang beses ka nang na-inlove?"
Ngumiti siya. Nagkunwari siyang nag-iisip. Pero alam na alam niya ang sagot. "Hmm. I think I fell inlove hard three times." Napangiti siya nang napakislot ito.
"P-pwede ko bang malaman ang mga pangalan nila?"
"Heather, Chelle, Peralta."
Bumungisngis ito saka kinurot siya sa tagiliran. "Niloloko mo ako, Fuentes!"
Napalakas ang tawa niya. "Bakit? Tinanong mo ako, sinagot lang kita."
Tumingala ito sa kanya, nakataas ang isang kilay. "'Yong totoo."
"Totoo naman iyon. I've never loved any other woman as much as I love you." Kumurap-kurap siya. "Except mom, of course."
Sumimangot ito. "At si Chloe?"
He met her sad gaze. "Chloe? Kaibigan ko lang si Chloe."
"Hindi mo naman naikwento sa akin na may Chloe pala sa buhay mo."
Isang linggo palang na nasa Pilipinas si Chloe. Sa bahay nila ito nakatira. Pitong linggo lang naman daw ito sa Pilipinas kaya pumayag ang Mama niya na doon ito tumuloy. Actually, he didn't like Chloe going back to the Philippines at first. Akala niya kasi ay gusto nitong ituloy ang kasal nila. Nonetheless, she still acted like the old friend he knew. Para namang walang malisya ang relasyon nilang dalawa. Kaya akala niya ay okay naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Mr. Unexpected (as published Precious Hearts Romances)
RomanceWritten: 2012 Published by PHR: February 2013 The Serenity Band Series Book Two - Jarvis' Story "Mahal talaga kita. Pinigilan ko, kinontrol ko at iniwasan ko, pero hindi ko nagawa dahil tuwing makikita kita, nakikita ko rin ang lahat ng rason kung b...