PARANG BINABARENA ang ulo ni Jarvis nang magising siya sa umagang iyon. Nanatili lang siyang nakapikit dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Ayaw niyang bumangon. Ni hindi nga niya alam kung makakabangon pa siya.
Bahagya niyang iginalaw ang kanang kamay niya para sana sapuin ang kanyang noo. Pero bago paman niya maiangat ay bumangga ito sa isa pang kamay. Tila biglang may bumabalik na mga ala-ala sa isipan niya tungkol sa nakaraang gabi.
Kagabi ay naaalimpungatan siya na naririnig at nakikita si Heather. Inaalagaan daw siya nito at pinagsasabihan. Hindi niya alam kung isa iyong panaginip o hallucination. Maybe he missed her too much that's why he was creating an imaginary Heather.
Huminga siya nang malalim. Napangiti siya nang makilala ang amoy. Alam na alam niya na silid iyon ni Heather. At ibig sabihin n'on ay hindi siya nananaginip kagabi. Inaalagaan talaga siya ni Heather. At iisa lang ang ibig sabihin n'on, she still cares.
Hinawakan niya ang kamay nito. Pinisil niya iyon at hinaplos ang palad nito. He missed holding her hand while strolling on the street, paying attention to nothing but their entwined fingers. Heather was working hard. Naging mas magaspang na ang palad nito. Pero proud siya sa bawat gaspang ng kamay nito. Isang tagapagligtas ng buhay si Heather.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito.
"'Tol, please lang, 'wag mo akong hino-holding-hands. 'Wag kang mababading sa akin. Gusto ko pang magkapamilya."
Napamulat siya at agad na nilingon ang katabi. Napasinghap siya at agad na kinalas ang kamay mula sa kamay nito. "Zhen! Ba't ka nandiyan?"
Nanatili itong nakasandal at nakapikit sa gilid ng kama. "Kasi nandiyan ka sa kama. Alam mong ayokong natutulog sa lapag. Sinakop mo 'yong buong kama ni Heather kaya di ako makasiksik."
Napabalikwas siya ng bangon pero agad niyang nasapo ang noo. "Nasaan si Heather?"
Tumayo si Zhen saka pinausog siya at humiga sa tabi niya. "Umalis na siya kanina. May major exams daw siya ngayong araw eh."
"G-galit ba siya sa'kin?"
Kumibit-balikat lang si Zhen habang nakapikit na.
Tinapik niya ito. "May sinabi ba si Heather tungkol sa akin? An'ong ginawa niya sa'kin kagabi? Sinabi niya bang mahal niya pa ako?" Ginalaw-galaw niya ito nang hindi ito tumugon. "Hoy! Zhen Cylix!"
Umungol ito. "Pwede ba, Mark Jarvis, 'wag ako ang kinukulit mo? Ikaw ang may atraso sa girlfriend mo, na ex-girlfriend mo na ngayon, kaya ikaw ang lumutas niyan. Now move so I can sleep more."
Tumayo siya at iniwan si Zhen sa kama. Pagkatapos ay nag-unat. Natigilan siya nang makita ang isang tray ng pagkain sa mesa. May note na nakadikit sa isang mug.
Magkape muna kayo bago umuwi. Sandwich lang ang nagawa kong breakfast para sa inyo ni Zhen. 'Pag nagising kayo, siguro nandiyan na si Pitchi kaya hindi mo na kailangan i-lock iyong bahay. –Heather
He managed a half-smile. Kahit sa sulat ay halatang-halata na galit parin ito sa kanya. Bigla niyang naalala ang mukha nito nang mag-break sila. Agad siyang napasimangot nang muling manumbalik ang kirot sa puso niya.
Bumuntong-hininga siya. "Mahaba-habang ligawan 'to."
___________________________
"BAKIT NANDITO ka pa?" malamig na tanong ni Jarvis kay Chloe nang madatnan niya itong nakaupo sa veranda ng bahay nila. The sight of her brings his blood into a boiling point. Simula nang malaman niya ang motibo ni Chloe, pilit na niya itong tinutulak palayo. Pero parang linta parin itong aaligid-aligid.
BINABASA MO ANG
Mr. Unexpected (as published Precious Hearts Romances)
RomantikWritten: 2012 Published by PHR: February 2013 The Serenity Band Series Book Two - Jarvis' Story "Mahal talaga kita. Pinigilan ko, kinontrol ko at iniwasan ko, pero hindi ko nagawa dahil tuwing makikita kita, nakikita ko rin ang lahat ng rason kung b...