Ice's POV
Ngayong araw kami magpapaenroll...
Nabigay na din sakin ni Lolo yung picture ng anak ni Mr. William... Siya yung Bakla sa Coffee shop! Gwapo sana...baluktot nga lang!...pati pangalan niya pang gwapo, Zeus', sayang! Bakla pa!
Bakit ko nga ba yun iniisip!?
Andito kami ngayon sa Bags, hinihintay nalang namin si Burn...
"Ba't ba ang bagal nung lalakeng yun?! Nahiya naman yung pagong!" Halatang inis na sabi ni Reven
"Hahaha, let's just wait a little... Baka nag memake up pa yun!" Sabi naman ni Jack...Improving na din siya mag tagalog ah! Hahaha
At nagtawanan sila....hindi ako tumawa, sa isip lang..hahaha
Nagtatawanan sila ng magvibrate phone ni Jack
"Oh? Huh!? Tsk! Okay! Wait for us!" Halatang inis na inis na si Jack...at pinatay yung phone
"Oh? Sino yun?" Tanong ni Reven
"Si Burn"
"Ano daw? Di pa ba siya tapos magmake up?" Si Jade
"Hahaha....He's already there! He made us look like an idiots!" Sabi ni Jack
"Wwhhhaatt!?" Si Jade
"Ah! Tara na! Lagot sakin yun!" Sigaw ko at nauna na sumakay sa motor at nagdrive at sumunod naman sila
At VU**
Nadatnan namin si Burn...nakahiga sa damuhan at nakapikit pa!.. Madaming nakatingin sa kanyang, mga babaeng kinikilig...tss sabi ko na eh!
Naka normal kaming damit ngayon...hindi katulad ng damit namin araw araw, mga para talagang gangsters...
"HAGE!" sigaw ko
Halatang nagulat naman siya at tumayo agad...
"Oh! Andito na pala kayo!? Tara na!" Aya niya at naglakad na pauna...
Hindi kami sumunod sakanya, nakatayo parin kami sa posisyon namin...
Naramdaman ko namang bumalik siya...
"Huy! Ano ba kayo!? Tara na!" Siya naman....bago pa siya umalis binatukan ko na siya....hindi naman masyadong malakas
"Aray naman Ice!" Siya at hinawakan batok niya
"Yan napapala mo!" Si Jade
"Consequence" si Jack...na nakangisi
"Boom!" Si Reven
At nagtawanan sila...kasama na si Burn
"Tara na nga! Mamaya na yang consequence mo" sabi ko at umuna na at pumila agad para magpaenroll
Yung ako na yung magpapaenroll...ibibigay ko na sana yung requirements pero pinigilan niya ko
"Ahh.. Miss, are you Miss Akehira?" Tanong niya
"Yes, why?" Ako
"Dumiretso nalang daw po kayo sa Dean's Office" sabi niya at tinanguan ko siya, pero may nakalimutan ako at bumalik ulit ako...
"Saan po dito yung Deans Office?" Tanong ko
Kailangan gumalang...
"D-dun lang po sa D-dulo. K-katabi nung C-Clinic" utal utal na sabi niya..
Tinanguan ko lang siya at nginitian bago bumaling kila Jade, nasa likod ko kasi sila...
"Sa Dean's Office daw tayo" sabi ko nauna nanaman ako dahil alam ko kung saan