Ice's POV
Naka-upo na kami at kumakain...
"I want to congratulate you BadassGangsters..." Paninimula ni Lolo na nakangiti
"Thanks po lolo" sabay sabay na wika namin..
Lolo yung tawag nila kay lolo, dahil parang magkakapatid na rin kami
"Sana hindi kayo malampasan ng iba pang gangsters...Kayo ang nangunguna at panatilihin niyo yan" biglang sumeryoso ang mukha ni lolo
"O-opo" kaming lahat
Kung mapapansin niyo...mabait ako pagdating sa bahay, sa labas hindi. Isa lang dahilan diyan...I'm the best pretender!!!!
"Good!" Si lolo at ngumiti nanaman
Kumain pa ulit kami hanggang sa nag-alisan na sila
Nakahiga na rin kami ni Jade sa sarili naming higaan...nagse-cellphone siya ako naman matutulog na...
Kinabukasan**
"Morning ma!" Bati ko kay mama at humalik sa pisngi niya
At dumiretso agad ako sa kusina para kumain
Cereal lang kinain ko at tumaas ulit sa kwarto para maligo...si Jade? Tulog
Natapos na kong maligo pero tulog parin tong isa...
Lalabas na sana ako ng kwarto namin ng magvibrate cellphone ko...
Sinagot ko yung ng hindi tumitingin
"Oh?"
"Good morning Huh" sarkastikong sabi ni Reven
"Saan ka?" Tanong ko
"Dito kami ngayon sa Bags kasama ko tong dalawang ugok na to"
"Geh, hintayin niyo ko diyan...tulog pa si Jade" sabi ko at binaba na yung tawag
At lumabas na
"Ma, sa Bags muna ako" sabi ko at lumabas na
Sumakay na ko...motor yung ginamit ko. Trip ko, may angal?
Pumunta muna ko sa isang coffeeshop...
Di naman ako makikilala dahil nakabalot ako...balot na balot
Pumasok na ko...pero nagulat ako ng may humablot sakin at inilagay ang ang braso sa leeg ko...tinutukan niya pa ko ng baril!?
"Walang kikilos ng masama! Kundi! Papatayin ko to!" Sabi niya at dinuro pa yung baril niya sakin...ikaw nga tong may ikinikilos na masama' --.--
Ang aga aga...mapapalaban ako
"Itaas niyo kamay niyo!" Utos nung holdaper at hinigpitan pa pagkakasakal sakin
Andaming natatakot...meron pang mga bata
Pati yung kahera...takot na din at nakataas ang kamay...
Lahat sila...nakataas ang kamay..except sa isa
Isang lalaking...kasing edad ko lang ata...naka sunglass siya at humihigop ng kape, na para bang walang nangyayari
"Huy!" Sigaw ng holdaper dun sa lalaki
Lumingon-lingon pa yung lalake at itinuro yung sarili niya na parang nagtatanong kung siya nga...
"Oo! Ikaw! Itaas mo kamay mo!"
"At bakit ko itataas?" Tanong niya ng nakataas ang kilay
"Kasi may baril ako" at idinuro pa yung baril sakin
Biglang nanlaki yung mata niya at dahandahang itinaas ang kamay...tsk! Bakla!
Lumapit kami sa kahera at..
"Akin na! Lahat ng perang andyan!" Sigaw niya sa kahera
Takot na takot yung kahera at kukunin na sana yung pera pero pinigilan ko siya
"Wag!"
"Aba! Gusto mo na yatang mamatay!?" Nangigil na sigaw niya sa tenga ko..
Ang ayaw ko sa lahat...ang sinisigawan ako! Kaya hindi na ko nakapag-pigil....
Hinawakan ko yung braso niya at ipnilipit ko papunta sa likod niya at kinuha yung baril niya
"Aarghh! Ang Sakit!!!!!" Sigaw niya
Napangisi tuloy ako...
"Wag ka kasing sumigaw malapit sa tenga! Ano masakit!?" Sigaw ko at lalong hinigpitan
"Aargh!!!"
Ngumisi ako...napatingin ako sa cashier..tinanggal ko yung shades ko...
Halatang nagulat siya at natakot dahil ang laki ng mata niya...
"Tumawag ka ng pulis! Ngayon na!" Utos ko at binalik na yung shades ko
Dali-dali naman siyang tumawag ng pulis...
Hanggang sa may dumating na pulis at kinuha yung holdaper..
Marami ang nagpasalamat sakin pero di ko sila pinansin
"Four Americano please" sabi ko at ngumiti
"Here maam, it's free...thank you maam!"
Free daw eh... Kinuha ko at lumabas na
Andito na ko sa Bags
"Oh! Ito sa inyo!" Sabi ko at inilapag ko yung coffee nila sa table
"Yun oh! Gomawo" Si Burn
"Wow!? Thanks!" Si Jack
"Nice" si Reven
"No prob...it's free"
Muntik na nilang maibuga yung ini-inom nila
"F-free!? Mamaya may lason to!" Inis na sigaw ni Reven
"Hindi! Wala yan!" Sabi ko at ininom yung akin
Hindi naman kasi lahat ng gangsters...mayayabang...iba kami, mababait kami sa mga mababait samin
"Guys! Ice! Bat di mo ko ginising!?" Pagdadabog ni Jade
"Himbing ng tulog mo eh" sabi ko
"Ehh!!! Painom nga!" At kinuha yung kape ko
Napailing nalang ako...meron yata to ngayon
Pumunta muna ako sa dance room namin...malaki tong Bags... Nagsilbi tong ikalawang bahay namin, at tambayan... Kahit ano meron dito, mayayaman kasi parents namin...Hindi sa pagmamayabang ah...
Itong dance room na to ang favorite place ko dito...
Mahilig akong sumayaw...
Black and white tong dance room namin...meron pang flat screen tv na nakasabit sa taas ng malaking salamin...para pag may gagayahin kamin dance steps...
Hindi ako sasayaw ngayon...may angal!?
Hinila ko yung isang sofa papuntang gitna at humiga...kinuha ko yung remote at manunuod ako ng anime...
_____
Si Zeus Villanueva po yung nasa media
(BTS V)