Ice's POV
Di ko namalayan nakatulog na pala ko
Bumangon ako at ibinalik yung sofa sa kinalalagyan
*BBUXZZZ* BBUXZZ*
kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa ko...
Si mama nag-text
From:mama
Andito na papa mo...uwi ka na
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Jade
Natutulog rin siya doon
"Jade!"
"Ay! Ginulat mo naman ako!"
"Tsk! Tara na pinapauwi na tayo ni mama...andoon na daw si papa" sabi ko at inunahan ko na siya...di ko na siya hinintay at nagmotor na ko papunta sa bahay
"Tadaima" bati ko at itinabi sapatos ko
"Okairi" sabay na wika ni papa at mama
Agad naman akong nagmano kay papa
"Musta yung meeting pa?" Tanong ko
"Daijobu...bukas ko nalang sasabihin sa inyo...may bago kayong mission ng gangmates niyo" sabi ni papa
"Sige pa, taas na ko" at tumaas na ko
Zeus's POV
Nakauwi na si Dad galing sa palawan..
"Musta meeting Dad?" Tanong ko habang sumusubo ng kanin...kumakain kami ngayon
"Ayos naman...nakakasigurado na kong magiging ayos tong school year ngayon" sabi ni Dad at ngumiti
Huh? Magiging maayos?
Maayos naman dati pa ah...
"Bakit Dad? Anong meron?" Tanong ko...
"Basta..."
Di na ko sumagot hanggang sa natapos kami kumain...
Tumaas na ko at nag gitara nalang..
Bat di ko to naisipan kanina...tsk' bopla!
Hanggang may time...ipapakilala ko muna sainyo yung dalawang ugok na kaibigan ko...
Name: James Asher A. Amago
Nickname: Ash
Age: 17
Sex:Male
Nationality: Half American Half Filipino
:loko loko, pero mabait. Chickboy siya...di kaya playboy..Name: John Erick S. Montebilla
Nickname:Erick
Age:17
Sex:Male
Nationality: half french half Filipino
: play boy din! Pero mas maaasahan kesa ke ash! Hahahahahaha..madaldal kasi si Ash!___Done
*ring* ring* ring*
Tumingin ako kung sino yung tumawag...
Unknown number...
Sasagutin ko ba o hindi?
Wag na lang...
Pinabayaan ko yung cellphone at nagpatuloy lang sa paggigitara hanggang sa matapos yung pagriring
Ice's POV
Kinabukasan**
Andito kaming lahat sa Bags...kasama na si Papa at Lolo...
Pag-uusapan namin yung tungkol sa bago naming mission
"Aware naman ata kayo sa isa pang grupo ng gangster..rank 2 sila....meron nanamang silang kalokohang ginagawa..." Si lolo
Alam ko iniisip niyo!...
Kung may redheads....my blackheads?! Hahahahahaha... De joke
Yung pangalan nung pangalawang gangsters na yun ay BlackFoot
Yun lang yung gusto ko sakanila...bagay sakanila yung pangalan nila haha...ewan ko kung sino nagpangalan sakanila non haha...
"Yes po Lolo" sagot naming lima
"Merong nangangailangan ng tulong natin...tutulungan natin sila hindi dahil naaawa tayo sakanila, tutulungan natin sila dahil kilala namin yung may ari ng school, isa pa..tinutulungan nila tayo sa business natin...mayaman tayo...pero mas mayaman sila." Sabi naman ni papa
Walang sumagot saming lima, tumango tango lang kami
"Target nila ngayong pasukin ang Villanueva University at doon mangbugbog ng mga estudyante..." Dagdag ni papa
'Villanueva University'?
"Your goal, is to protect the students in Villanueva University... Specially the son of William Villanueva. He's the target" si Lolo
Nagtaas ng kamay si Reven, tinanguan lang siya ni Lolo
"P-paano niyo po nalaman yan?"
"Ganto yan... William is a great friend of mine, specially his Father, Leonard.
Leonard is my bestfriend in highschool... And you're uncle is the bestfriend of William" sabi ni Lolo... May bestfriend pala si papa?"Nagmeeting kami ni William sa Palawan at doon niya sinabi sakin yun....nalaman niya daw yun ng may magtangkang magpa-enroll sa kanila...myembro ng BlackFoot pero hindi natuloy ng may makakilala sa kanya" dugtong ni papa
"Bukas na kayo magpaenroll doon sa Villanueva University, at bukas ko nalang din ibibigay sayo Ice, yung picture ng anak ni Mr. William, kasama na bio niya" si Lolo
"Wag na wag kayong magsabi about dito sa mission niyo! Kahit magkameron man kayo ng bagong kaibigan...Wag din kayong gagawa ng kalokohan dun, lalo na kung ipairal niyo yang pagkagangster niyo... Just act normal... Yung para lang kayong isang ordinaryong studyante..." Dagdag ni Lolo
Tumango nalang kami
Pagkatapos nung meeting, nagsi-uwian na kaming lahat
Sa bahay kami umuwi ngayon ni Jade dahil kukunin namin ngayon yung kailangan namin para makapagpaenroll na kami
"Sabi na sayo eh! Doon tayo nararapat! Hehe!" Si Jade habang inaayos niya yung gamit niya
"Tsk, napunta lang tayo dun para sa isang misyon...mas maganda pa nga ata sa JP Academy" sabi ko at inaayos ko narin higaan ko at humiga na
"Hays, basta! Dun tayo! Hahaha"
"Tss...sure naman akong meron dung nag-aala ganster, nagpapakanerd at meron pa nga at dun queen bee churva!...mga bulok style dun tsk. Mas malala naman kung meron dun 'Heartthrob' pwe! lame!" Sabi ko pa
"Wow Ice huh?! Yan yung pinakamahabang nasabi mo sakin! Improving hahaha!" Siya
Di ko na siya pinansin at natulog na
Hays, sana hindi katulad nung mga nababasa ko sa pocketbooks yung mangyari samin don!
_____
Si Ash po yung nasa media...
(BTS Jimin)